SIX

187 5 0
                                    

SIX

Wayne's POV

Ang tagal naman ni sean. Kanina pa ako dito sa tambayan e. Sabi niya nasa school na sya at papunta na sya dito. Ayaw ko pa naman pinaghihintay ako.

Lumabas na ako sa tambayan at pupunta sa parking lot. Hintayin ko nalang sya dun baka papunta palang yung gago. Tagal eh.

Naglalakad na ako sa may hallway malapit sa parking lot, ng may marinig akong nagtatawanan.

Na curious ako kung sino mga yun, kaya tumakbo ako kaagad papunta sa parking lot. Pero laking gulat ko nung makita ko kung sino ang nagtatawanan dun.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila. Nagulat naman sila kaya agad silang napatayo mula sa pagkakahiga nila na magkapatong pa.

Really? Maglalandian nalang nga sila sa parking lot pa!

"Oo naman pare. Siya yung kinukwento ko sayo." Kalmadong sagot ni sean.

"Ah ganun ba. Small world huh? Alam mo bang mortal enemy ko yan pare?" medyo malakas ang pagsabi ko nyan para marinig ni chichay.

"Ang galing no pre? iisa lang pala yung babaing pinagkakaabalahan natin." tsaka ngumiti si sean.

"Shut up. Di ko pinagkakaabalahan yang babae na yan. I said, mortal enemy ko sya. May taste ako sa babae no." sabi ko.

Napansin ko naman na parang umuusok na ilong ni chichay sa galit. Hahahaha. Ang sarap nyang asarin.

"Hm. Sige uuwi na ako! Bye!" sabi ni chichay tsaka na sya naglakad.

"W-wait! Hahatid kita diba?" tanong ni sean sa kanya.

"Wag na! Hinihintay ka pala ni wayne e. Wag mo syang iwan jan, pabayaan mo nalang ako. Kaya ko na sarili ko." pagtatampo ni chichay. Tss. Drama netong babaeng to.

"Ako na maghahatid sayo." sabi ko tsaka ko hinila kamay ni chichay at pinapasok sa kotse kong bugatti. Wala ng nagawa si sean. Kaya ako na ang naghatid sa bahay nila chichay.

"Anong address nyo?" tanong ko sa kanya habang minamaneho ko palabas ng school yung kotse ko.

"Bakit?" tanong nya.

"Malamang ihahatid kita. Shunga neto." sabi ko. Kaagad naman nagsalubong kilay nya. Pikon talaga to.

Pagkatapos nyang ibigay yung address nya, hinatid ko na sya sa kanila.

"Parang familiar ang bahay na 'to ah?" sabi ko kay chichay. Nasa tapat nakami ng bahay nila. Bumaba na kaming dalawa sa kotse.

"Familiar sayo? Bakit, pumunta ka naba dito dati? E ngayon palang nga kita nakilala diba." sabi niya.

Hm. Oo nga no. Pero familiar talaga 'tong bahay na 'to e. Feeling ko nagpunta na ako jan dati.

"Ah basta. Malalaman ko rin yun. Sige una na ako ha. Bye." tsaka na ako sumakay sa kotse ko. "Bye! Ingat!" narinig ko pang sabi ni chay.

Prinsipe ng mga Bad Boys!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon