TWO
Chichay's POV
"Tignan natin kung sinong mananalo ngayon. Hahahaha." sabi ko tsaka ako tumawa ng parang kontrabida sa mga teleserye.
"Hinding hindi ako magsosorry sa mga binubully ko!" sabi naman ni wayne.
Nasa rooftop kasi kami. Nakahawak nalang yung mga kamay nya. At isang sipa ko lang sa kanya mahuhulog na sya sa building. Gusto ko magbago muna sya. Hahahaha. Nagiging demonyo na ata ako.
"Ayaw mo talaga ha? Sige-- aray!!" nadulas ako kaya nasipa ko sya. "Waaaaaaah! Wayne!!!" nahulog sya sa building at nakita ko sa baba na patay na sya. Diba dapat matawa ako? Pero bakit parang naiiyak ako?
Uy wayne hindi ko naman sinasadya e. Huhuhu. Waaaaaahhhh! Nakapatay ako ng tao!
"Waaaah! Araaay!" may bumatok kasi sakin.
"Hoy chichay! Anong pinagsasabi mong nakapatay ka?! Bumangon kana nga jan at linisin mo na ang kwarto mo!" ayan si nanay ko. Bungagera talaga. Nagmana ako sa kanya. Jusko! Buti nalang at panaginip lang yun. Kahit kaaway ko si wayne hindi ko parin naman sya kayang patayin no!
Nagmadali nakong bumangon at nilinis ko na ang pinaghigaan ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil buti nalang, panaginip lang yun.
Naligo at nagbihis na ako. Tsaka na ako dumeretso sa dining room. Dalawa lang kami dito sa bahay ngayon. Ako at si mama. Si kuya clarenz kasi nasa canada. Miss ko na nga siya e. Huhuhu. Parang baby kasi ako nun e. Tapos si papa hindi ko pa sya nakikita. Dahil kaagad na sya kinuha ni lord.
Hayst. Tama na nga ng drama at kakaen nako!
----
Nasa first subject nakami. At yun ay ang, HISTORY. Boreeeeeng -_- Hate ko tong first subject namen. Buti nalang at hindi terror si Ms.Pangan. Bata pa kasi tapos ang ganda pa.
"Class, meet your new classmate. Wayne Fer Mortare." sabi ni Ms. Pangan. Ay sus, may bago na namang kaklase. Si wayne mortare lang pala.
WAYNE MORTARE?!!!
Im dead!
Ow em gee. Bat sya lumipat ng section? Bumaba ba ang mga grades nya? Ayaw nya naba ng section 1? Hahahaha. Puro kasi kalokohan.
Badtrip na tuloy ako. Ayaw ko na nga syang makita tapos magiging classmate ko pa ang ugok na to. -_-
"At dahil malakas ka sakin, hahayaan kitang pumili ng mauupuan mo." ts. Tsaka pa kumikilig si mam. Jusko. Pati teacher nilalandi ng ugok na to.
Nagulat naman ako ng bigla syang tumingin sa kinaroroonan ko. Grabe! Parang malulusaw nako. Please stop that evil glare, wayne!! Tsaka pa sya ngumisi. Ugok talaga nya. Ang panget! Psh.
"Thank you for that Ms. Pangan." tsaka pa niya kinindatan si mam. "Doon po ako sa tabi ni MISS CHICHAY VILLAROSA." at talagang fullname ko pa huh?! Hay nako. Bat ako pa kasi yung pinili nyang katabi?
Umupo na sya sa tabi ko at nagsalita. "Alam ko crush moko kaya nga ikaw nalang pinili kong maging katabi kahit na maingay ka." tsaka sya tumawa. Peste! Kapal talaga ng ugok nato.
"Crush? Ts. Asa! Di ka naman gwapo. Psh." sabi ko.
"Ows? Kaya pala palagi mo akong tinitignan sa malayo no? Hahahaha." tinitignan?! Di naman e.
"At pano mo nalaman na tinitignan kita ABER?! Kase tinitignan mo rin ako? Hahahaha." totoo naman e. Pano nya nalaman na tinitignan ko sya kung di nya ako tinitignan diba. Hahahaha.
"Mam! Dinadaldalan po ako ni chichaaaay!" huh?! E sya nga yung unang kumausap sakin e! Tsaka nagsumbong pa talaga sya huh. Para talaga syang bata. Palibhasa kasi wala na syang masabi e.
"Ms. Villarosa, mamaya mo nalang kausapin si Mr. Mortare. Baka hindi siya makapag focus sa lesson kapag dinadaldalan mo siya." at talagang sa ugok na to pa sya kakampi?! Omeged! Tumahimik nalang ako. Ayaw kong mapunta sa receiving room.
Ano ba yan! Ginagawa nyang miserable buhay ko. Hindi nyan ako makakapag concentrate sa pag aaral ko kung siya yung katabi ko! Ang aking MORTAL ENEMY. Na panget ang ugali slash assuming slash badboy slash mukhang ugok at marami pang slash! Psh.
Ng tumunog na ang bell, kaagad na akong tumayo at pinuntahan si alyana sa bandang harapan. Doon kasi sya nakaupo.
"Tara na alyana gutom na ako e." sabi ko sa kanya.
"Sorry chichay. Pero di ako makakasabay sayo e. Gagawin ko pa kasi yung report ko." sabi niya. Geez! Oo na, ako nalang mag isa. Huhu.
"Sige. Thank you nalang." pagtatampo ko. Tsaka na ako lumabas ng room.
Ng makapunta ako sa canteen, ang dami na naman tao. Crowded! Ganun karami. Ano na naman bang meron dito? Sabagay, araw araw naman ganyan e.
Kaagad na akong nagpila dahil gutom na gutom na ako.
Ayan, malapit nako. Nag o-order na yung nasa harapan ko then ako na.
"Isang plate ng waffle and chocolate shake." sabi ko. Favorite ko yan e. Gutom na ako kaya isang plato bibilhin ko. 5pcs nun yung waffle.
"Pero miss, wala na po kaming stock ng waffle e." sabi nung nagtitinda.
"Anong wala?! Anong tawag ng nasa harapan ko?! E ang dami ohhh!" sigaw ko. E gutom na kasi ako e! Tapos niloloko pa nya ako. Letche.
"E may nagpareserve--" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng may biglang dumating. "Miss, pwede ko nabang kunin yung mga waffle na pinareserve ko?" sabi ng ugok. Si wayne pala tong bumili! Bat sobrang dami naman? Hindi man lang nagtira kahit isang piraso! Gutom na gutom na ako e. Tsaka favorite ko pa naman din yun. T_T
Habang binabalot ang mga binili nyang waffle, tsaka naman nya ako tinignan na para syang natatawa sa mukha ko.
"Sa susunod kasi chichay, agahan mo ang pag order mo ha? Yan tuloy naunahan na kita. Bwahaha. Belaaat" tsaka na sya umalis bitbit ang mga waffle. Naku. Para talaga syang bata! Kaso naisahan na naman nya ako!
Bumili nalang ako ng baked mac. Psh. Saan kaya magpaparty yun? E ang dami nung waffle na binili nya e. 7boxes!
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa room.
BINABASA MO ANG
Prinsipe ng mga Bad Boys!
Novela JuvenilHate na hate ni Chichay ang mga Bad boys. Ano kaya ang mangyayari kung makakaharap nya ang PRINSIPE NG MGA BADBOYS? Matatakot kaya sya o hindi? Ano kaya ang mangyayari? ALAMIN! :D Prinsipe ng mga Badboys LJNiiAbra All Rights Reserved © 2014