SEVEN
Chichay's POV
Wooh! Eto na! Math na subject namin. Ang easy easy talaga neto para sakin. Challenging kasi.
Tapos na mag discuss si ma'am kaya recitation time na!!
Nagtanong si ma'am about dun sa problem solving.. Magtataas na sana ako ng kamay nung biglang..
"Ma'am, Can I excuse Ms. Villarosa?" si wayne lang naman yung pumasok sa pintuan. Di kasi sya pumasok ngayon.. at wait.. i e-excuse nya daw ako. B-bakit naman?
"Ohh, sure. Sige ingat kayo" sabi ng teacher namin. What the?? Pumayag agad sya?!
Hinigit ako ni wayne at dinala ko ang bag ko.
ANG BASTOS TALAGA NG LALAKING TO!
Hila hila nya ang kamay ko at agad nya akong dinala sa parking lot ng hindi man lang ako nakaimik.
"Ano ba wayne!! Bakit mo ba ako in-excuse ha?! Sayang yung points dun sa recitation e!! Kainis." sabi ko
"Hayaan mo na yun matalino kana."
"Ano bang nangyayari sayo?! Nag da drugs ka--" di ko na natuloy yung sinabi ko ng bigyan nya ako ng matalim na tingin.
"Ok fine tatahimik na." tsaka na kami sumakay sa kotse nya.
Ano bang nangyayari bakit napapatahimik na ako ng mokong na to?! Hayst.
-
"Saan tayo pupunta?" sobrang tahimik kaya nagtanong na ako. Kinakabahan kasi ako sa kanya e. Ang weird ng mokong na to.
"Pwedeng manahimik ka nalang?" Aniya.
"Bakit mo pa ako sinama dito?! Re-rapin moko no?!" sigaw ko.
"In your dreams chichay. May taste ako sa babae no."
So parang sinasabi niya di ako maganda or sexy ganun?!
Pero teka, parang pansin ko lang lungkot nya ngayon?
"Okay ka lang ba wayne?"
"...." hindi nalang siya sumagot.
Hayy, di ko nalang nga sya kukulitin. -__-
Pagbaba namin sa kotse,
"What?! Bakit nasa sementeryo tayo?!" sigaw ko sa kanya
"Ssshhh.. Death anniversary kasi ni mommy.." Aniya. Na biglang lumungkot..
Si wayne ba talaga tong lalaking kasama ko? Ngayon ko lang nakita si Wayne Fer Mortare na sobrang hina..
"Ohh, okay sorry sorry. Tara saan ba puntod nya?"
Umupo na kami sa damuhan at tahimik lang siyang nakatingin sa puntod ng mama nya.
"Hello po Tita Wendy!" sabi ko. Malamang alam ko pangalan kasi nakita ko nakasulat diba.
"Siguro po ang ganda at ang bait bait nyo po no? Sayang hindi nagmana si Wayne sainyo na mabait. Ang sama kasi ng uga-"
Hindi ko natuloy sasabihin ko dahil pinitik nya noo ko. "A-aaray naman wayne!!"
"Tss. You're so loud. Hindi ka naman sasagutin ni mom kaya manahimik ka nalang jan." Aniya.
Fine. Di na nga ako magsasalita. -____-
"Sana nga ako nalang yung nawala e."
"Huh? Anong sinasabi mo wayne?" nagtatakhang tanong ko.
"Ako kasi ang dahilan kaya namatay si Mom. And until now, my father hates me to death."
-
Hi po!!! 😂 After two years, ngayon palang ulit nakapag update tapos sabaw pa. Hahahaha. Try ko pong tapusin yung story thankyou 😘
Twitter: Jeyel Roswell
IG: @lrnjycdgzmn
Snapchat: @jroswell2
BINABASA MO ANG
Prinsipe ng mga Bad Boys!
Ficção AdolescenteHate na hate ni Chichay ang mga Bad boys. Ano kaya ang mangyayari kung makakaharap nya ang PRINSIPE NG MGA BADBOYS? Matatakot kaya sya o hindi? Ano kaya ang mangyayari? ALAMIN! :D Prinsipe ng mga Badboys LJNiiAbra All Rights Reserved © 2014