FOUR
Wayne's POV
Nasa tambayan ako ngayon. Eh sa tinatamad akong pumasok e! Inaantok pa ako. -___-
Ako nga pala si Wayne Fer Mortare. Mas gwapo pa sa mga tatay nyo. Ako ang prinsipe ng mga badboys. Tinawag akong 'Prinsipe ng mga Badboys' dahil, lahat ng mga bad boys dito sa school ay ako ang pinaka gwapo at charming. Hindi ako GGSS ah? Gwapo lang talaga ako. Hahahaha. Tatlo kaming pinaka sikat na lalaki dito sa Fajardo University. Ako, at yung dalawa ay nasa canada at US. Tangina sila, iniwan ako mag isa dito sa pilipinas! Yan tuloy ako nalang yung pinagkakaguluhan.
Si Sean Siguenza nasa US sya. Dun muna sya nag aral. Tapos si Clarenz Villarosa, may inasikaso daw dun. Ewan ko kung ano yun.
Nung umalis sila dito naging bored na life ko. Ako nalang lagi mag isa sa tambayan namin. Pero nung dumating yung babaing puro putak na transferee sa school na to, naalis pag ka bored ko. Napalitan to ng saya. Kasi ang sarap nyang pagtripan e. Natatawa ako sa itsura nya kapag naiinis siya. Pag nagagalit sya sakin parang gusto na nya akong patayin. Hindi ba sya tinatamaan ng kagwapuhan ko?
"Pare!"
"Ay anak ng pating!" nagulat ako sa tumapik sa balikat ko. Si sean lang pala.
"Sean?!!! Bat ka nandito?"
"Ayaw mo ba? Kakauwi ko lang kahapon. Dito na ulit ako mag aaral. Ayaw mo ata pare e? Sabihin mo lang para babalik ulit ako sa U.S" sabi nya. Binatukan ko nga. "Aray naman! Di moko namiss?" dagdag pa niya.
"Syempre pare namiss kita!" tsaka kami nagyakapan.
"Yuck! Gayshit!" tsaka ko sya tinulak. Ang awkward na pala namin.
"Alam mo pare, may bago na akong crush sa school na to." pagkukwento nya.
"Oh? Meron agad? E kakauwi mo lang kahapon diba?"
"Oo nga. Kapareho kasi namin sya ng subdivision e. Tapos imbes sya yung tutulungan ko kahapon, sya pa yung nakapag ganti dun sa mga lalake! Nakakahiya. Pero promise, ang astig nya pare! Nakaka inlove." sabi niya tapos kita sa mukha nya na nag b'blush sya.
"Ay sus. Alam mo kung ako sayo, titigilan ko na yung babaing yon. Di mo pa sya lubusang kilala baka masaktan ka lang ulit." nasaktan kasi sya sa ex nya. First love nya yun. Si Grace. Kaya nga nag aral sya sa U.S para makapag move on.
"Ay basta. Sigurado ako na mabait sya. Katapos kasi nung nangyari, pinapunta nya ako sa bahay nila tsaka kami kumain at nagkwentuhan. Ang sarap nyang kasama pare. Hindi ka mabobored."
"Ikaw bahala pre. Basta sana di ka nya sasaktan kamukha sa ginawa sayo ni Gr--" napatigil ako dahil nag walk out si sean. "Sorry pare." di ko naman sinasadya e.
"Oo ayos lang yon. Tara pasok na tayo." sabi niya tapos tumayo narin ako. Parang nagkagana na ako pumasok.
Chichay's POV
"Chay oh! Para sayo." sabay abot ng tatlong chocolate na hershey's sakin ni Alyana.
"Oh, san galing to? Thankyou by the way."
"Dumating na kasi kuya ko galing ibang bansa e. Dami nyang dalang chocolates hihihi. Dito na ulit sya mag aaral. Papakilala ko sayo mamaya." sabi ni alyana habang binubuksan yung mga chocolates nya.
"Oh I see. Buti pa ikaw umuwi na kuya mo. Ako rin kasi nasa abroad din kuya ko. Di pa sya umuuwi! :( Miss na miss ko na sya." sabi ko tsaka nag pout.
"Hintayin mo lang sya, uuwi din panigurado yun. Namimiss kana rin nya noh."
"Hm. Siguro nga. Excited nako!" tsaka na namin kinain yung mga chocolates. Break time namin ngayon. Himala nga hindi pumasok si ugok ng tatlong subjects e. Tsk. Pakialam ko ba dun?
"Chichay! Halika dito dali." sabi ni alyana. Nasa pintuan sya ng room. Lumapit naman ako.
"Meet my kuya. Sean Siguenza. Sya yung sinasabi ko sayo sis! Haha." literal na napa nga-nga ako sa pagkagulat! Kuya nya pala si sean? Kaya pala magka apelyido at magkahawig sila.
"Hi chichay. Nice to meet you again. Diba sabi ko kahapon magkikita ulit tayo dito. Haha. O bakit parang nagulat ka?" tanong ni sean sakin tsaka pa sya natawa.
"Ah wala wala. Kapatid mo pala tong bestfriend ko. Nice to meet you again, too!"
"Bat magkakilala kayo?" si alyana naman yung nagulat. Hahahaha! Ay oo nga pala hindi pa nya alam yung nangyari kahapon.
"Basta. Mahabang kwento haha." sabi ni sean. "Osya, may pasok pa ako. Mamaya nalang ah? Ingat kayo." dagdag pa ni sean tsaka na sya tuluyang umalis.
"Small world no sis?" sabi ko kay alyana habang naglalakad pabalik sa upuan namin. Umupo muna sya sa lugar ni wayne, tutal absent din sya.
"Kwento mo muna kung pano kayo nagkakilala ni kuya! Ayie kinikilig ako hahahaha." sabi ni alyana.
Tsaka ko kinwento sa kanya lahat. Simula nung umuwi ako bigla dahil nagutom ako. Tapos nung bumili ako ng softdrinks niligtas ako ng kuya nya. Pero nung huli ako rin sumapak dun sa mga lalaking lasing. Hahahaha.
Nung dumating yung teacher namin, nagsi-balikan na kami sa mga upuan namin. Saka biglang may pumasok na ugok. Ngayon palang sya pumapasok. Ang tamad talaga nya. Nagtataka nga ako kung bakit napunta sya sa section one eh.
"Ehem! Ang tamad natin ngayon ah." pagpaparinig ko. Nakaupo na sya sa tabi ko.
Tinignan nya lang ako ng saglit tsaka na sya umiwas ng tingin. Wala ata sya sa mood asarin ako ngayon? Hahaha. Baka nagpapatalo na.
"Class, reporting is on next week. Get your partner now. Girl and boy dapat." sabi ni sir estacio. Teacher namin sa economics. Puro reporting gusto nyan eh.
Teka, bakit kailangan girl and boy pa? Gusto ko pa naman kapartner si alyana!
Tinignan ko lahat ng classmates ko, mukhang may kapartner na silang lahat. Kami nalang ni wayne yung walang kapartner. Sadya ba talagang itira kaming dalawa? Psh. No choice na ako, kami nalang ang mag partner kahit ayaw ko.
"Ayan yung mga i rereport natin. Hati tayo. Yung mga bandang huli yan yung i research mo ha? Wag kang tatamad tamad. Makipag cooperate ka." sabi ko saka ko binigay sa kanya ang papel na irereport namin next week.
"E ang hihirap ng mga to e. Kakayanin pa kaya natin? Next week na yung reporting diba?" tanong niya na parang ayaw nyang magreport.
"Simula bukas aaralin natin yung bawat topic. Katapos ng klase natin wala munang uuwi. Madali lang yan kung mag aaral tayo ng mabuti."
"K. Fine."
Naku, simula bukas makakasama kong mag aral ng lesson 'tong mortal enemy ko.
Ano kaya mangyayari kapag nagsama ang Aso't pusa?
BINABASA MO ANG
Prinsipe ng mga Bad Boys!
Teen FictionHate na hate ni Chichay ang mga Bad boys. Ano kaya ang mangyayari kung makakaharap nya ang PRINSIPE NG MGA BADBOYS? Matatakot kaya sya o hindi? Ano kaya ang mangyayari? ALAMIN! :D Prinsipe ng mga Badboys LJNiiAbra All Rights Reserved © 2014