THREE

173 5 0
                                    

THREE

Alyana's POV

"Chichay? Patulong nga dito sa activity natin sa math. Ang hirap e." sabi ko kay chichay. Palagi akong nagpapatulong sa kanya dahil magaling sya sa math.

"Chay? Sabi ko patulong." kinakalbit ko sya saka ako nag wave sa harap ng mukha nya pero mukhang di nya parin ako pinapansin. Galit ba sya sakin dahil hindi ko sya sinamahan mag lunch kanina?

Ilang minuto lang nagsubsob sya sa desk. "Uy sorry na chichay. Sige, pangako. Babawi ako sayo bukas." nagmamakaawa na ako sa kanya pero di parin siya umiimik.

Wala ang teacher namin. Nang iwan lang sya ng activity samen ngayon.

Napatingin naman ako sa katabi ni chichay na si wayne. Kumakain sya ng waffle. Nagtataka nga ako kung bakit ang dami ng binili nya. Patay gutom tong mayaman na to.

"Uwi nako. Pakisabi nalang kay sir henson masakit pakiramdam ko ah. Di ako galit sayo. Ayan kopyahin mo nalang yung mga answer ko. Sige bye" tsaka na nya dinala ang bag nya at lumabas na sya ng classroom. Anyare dun?

Chichay's POV

"Uwi nako. Pakisabi nalang kay sir henson masakit pakiramdam ko ah. Di ako galit sayo. Ayan kopyahin mo nalang yung mga answer ko. Sige bye" tsaka ko na dinala yung bag ko at lumabas na ng room.

Di ko na kaya. Gutom na gutom nako. Umuwi nalang ako. Sumakit pakiramdam ko e. Kasalanan ng wayne na yun. Fine! Panalo na sya ngayong araw na to. Sabi ko na ba e, walang awa mga badboy.

Ako lang mag isa sa bahay ngayon. Ay oo nga pala pinuntahan ni mama si tita avelina.

Niluto ko nalang yung natitirang dalawang stock namin na pancit canton. Paborito ko 'to e. Sobrang sarap.

"Parang may kulang ." sabi ko sa sarili ko.

Ay oo nga pala. Di pa ako nakabili ng softdrinks. Lumabas muna ako para bumili. Pag kasi nagmemeryenda ako ng pancit canton, pinapares ko dun ay softdrinks e.

Nasa pangatlong kanto pa yung tindahan namin dito. Subdivision kasi ito kaya madalang lang ang mga nagtitinda dito.

"Miss, tara sama ka samin." nagulat ako sa lalaking nagsalita. Tsaka pa nya tinapik balikat ko. Nakakatakot sila. Amoy alak. Lasing pala.

"Bitawan mo nga ako!" sabi ko tsaka ko sila tinulak.

"Ayan mga tipo ko sa mga babae e. Yung mga choosyyyyy!" sabi nung isang lalaki tsaka nya hinawakan kamay ko. Natatakot na talaga ako! Wala pa naman masyadong tao rito.

"Tulong!!!! Tulong!!!" sigaw ko pero mukhang wala nakong pag asa.

"Bitawan nyo sya!" may dumating na lalaki at bigla nyang pinagsusuntok yung mga dalawang lasing.

Aba. Ang gwapo ata ng super hero ko? Ang tangkad at maputi. Di ko pa masyado nakita mukha nya.

Napatumba nya yung dalawang lalaki at kaagad syang lumapit sakin. "Okay ka lang ba?" tanong nya sakin. Pero di pa naman ako nakakasagot ay di namin alam na nakatayo na pala yung dalawa kanina at bigla syang sinuntok. Napahiga sya sa sobrang lakas ng suntok ng lalaking nakakadiring amoy alak. Mukhang galit na galit sya.

Naaawa na ako dun sa lalaking tumulong sakin kaya nilapitan ko sila. "Hoy tumigil na nga kayo!!!" tsaka ko sila sinipa sa maselang parte ng katawan nila. Napaupo naman sila sa sakit. "Pag hindi pa kayo umalis dito tatawag nako ng pulis!!!" dali dali naman silang tumayo at tumakbo. Hay mabuti naman.

Nilapitan ko na si kuyang pogi tsaka inalalayan tumayo. "Ayos ka lang ba kuya? Pasensya na. Dahil sakin nasugatan kapa."

"Ano ka ba, ayos lang ako. Tutulungan naman kita e. Kaso naka chamba lang sila ngayon. Okay ka lang ba? Di ka ba nasaktan? Ang galing mo ah. Idol nakita." tsaka sya tumawa. Ang gwapo nya lalo pag naka smile sya.

"Haha. Salamat. Oo okay lang ako. Kung hindi dahil sayo baka ano na ginawa nila sakin. At naka chamba lang din ako no, hahaha." saka kami nagtawanan.

Niyaya ko syang pumunta samin at kumain kami ng pancit canton at dalawa ng softdrinks ang binili ko. Ganti ko sa kanya yan dahil sa pagdating nya nung nasa panganib ako.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Ah, ako nga pala si Chichay. Ikaw?"

"Sean nga pala." tsaka kami nag shake hands.

"Wow. Bagay sayo yung pangalan mo. :)" sabi ko.

"Syempre, ganyan talaga kapag gwapo. Hahaha" binatukan ko sya. "Haha di ka mabiro. Hm. Ikaw din bagay sayo yung name mo. Ang ganda mo kasi :)" tsaka nya ako kinindatan. Parang namula ako dun ah? Sinabihan akong maganda ng gwapong nilalang na to?! Tapos kinindatan pa nya ako. Ayie. Hehe. Hayst. Chichay tigilan mo yang kalandian mo. Sabi ng konsensya ko.

"Alas syete na pala. Sige, mauna na ako ha chichay? Salamat. See you tomorrow!"

"Sige. Mag ingat ka ha? Text ka na lang pag may kailangan ka. See you din!" tsaka ko na sinara ang gate namin.

Excited na ako sa pagkikita namin ulit bukas sa school. Nakwento nya kasi sakin na sa Fajardo University din sya nag aaral. Yung kapatid at bestfriend nya daw kasi dun din nag aaral. Sino kaya yun? Ay di bale, excited na talaga ako.

Nice to meet you, Sean.

Prinsipe ng mga Bad Boys!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon