Hi po sa mga nakaka basa nito. This is my first time, sorry po sa mga spellings at grammars na mali pati sa mga maling paggamit ng word.
÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷
"Anak aalis na tayo.", sigaw ng aking ina. Agad-agad naman akong naghanda na tila ba'y natataranta.
"Patapos na po!", pasigaw kong isinambit ngunit may respeto pa rin.
Nang ako'y matapos bumaba na ako at nakita ko na ang aking tito na kasama ang kanyang anak.
May trabaho na ito at nakakatulong na rin sa gastusin sa bahay ngunit hindi pa nagkakaroon ng nobya dahil masyado itong tutok sa pagtuturo.
"Oh eto na pala ang dalaga namin nag paganda pa hahaha.", pagbibiro ni nanay. Mamimiss ko 'tong pang aasar niya saakin kahit na dalawang buwan lang naman kami ng aking kapatid doon sa probinsya.
"Nay hindi po ako nag paganda kita mo naman walang makulay sa aking mukha diba.", tumawa na lamang silang lahat sa sinabi ko dahil hindi pwede ang iyakan sa amin hindi uso yun.
Nang makarating na kami sa aming paroroonan kung saan nandoon ang mga sasakyan na aming dadalhin sa probinsya.
"Mga anak tara kumain muna tayo sa jollibee.", dali-dali naman akong naglakad para mahabol sila.
"Anak ano pa ang gusto mo maliban sa paborito mo?", siyempre alam na agad ni nanay ang gusto ko dahil hindi ako mautusan sa pagbili kahit sa tindahan dahil sa nahihiya ako pero di ko alam kung bakit ako nahihiya.
"Yung chicken with rice nalang po nay.", masaya kong sambit. Anong oras na rin pala nang aking silipin sa aking relo.
"Anong oras po tayo aalis?", malambing kong sinabi sa kaibigan ng aking insan.
"Narinig ko madaling araw. Maya-maya aalis na tayo" mahinhin niyang sabi.
Sa wakas nahatid na rin sa lamesa namin ang inorder ni nanay na pagkain.
Marahil sa paglalakad-lakad namin kanina ako'y nagutom ehh itong tyan ko mabilis magutom at puro naman pagkain ang nasa isip ko.
"Anak magdasal muna tayo bago kumain", hays nakalimutan ko pang magdasal dahil na rin sa gutom ko nakalimutan ko.
"Paumanhin po sa aking kamaliang nagawa. Sa ngalan ng Ama.", aking panimula sa pagdarasal.
Nang kami ay matapos bumalik na kami sa aming hintayan kung saan naroon si tito.
Aking napansin na tila'y may kausap itong lalake na medyo singkit may maputing balat medyo matangkad simple ang suot.
Nang aming iwan si tito dito kanina ay wala siyang kasama. Inaayos niya lamang ang kanyang sasakyan na gagamitin.
Kita sa kanilang dalawa na seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Medyo matagal na rin akong nakatingin sa kanila nang biglang nag lakad si ate Mae (anak ni tito) papunta sa kanilang direksyong dalawa.
Literal akong napanganga nang biglang maghawak ng kamay si ate Mae at yung lalakeng nakita kong kausap ni tito.
"What? S-sila?", bulong kong sabi.
BINABASA MO ANG
Skylar Oliverez Montejo
Teen FictionAko si Skylar Oliverez Montejo Simpleng babae na may masayang pamilya na hindi ko kailan man pagsisisihan na ako ay napasama. Pati sa aking mga kaibigan napakaswerte ko.Ngunit akala ko sila lang ang magpapasaya sa akin at magiging dahilan ng aking...