KABANATA: 6

15 0 0
                                    


Sandali akong natigilan dahil narinig ko muli ang boses na yun. Years have passed when I last heard it. He has that voice of sweetness, little bit sexy, and has this innocent tone, although right now, I loathed it the most.

Simula ng malaman kong isa siya sa mga kasalanan ng lolo ko bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin.

Ang dating hinahangaan ko at di kalauna'y nag bago. Naging mag-kaibigan kami, hindi naging hadlang sa aming dalawa ang istado namin sa buhay.


Hindi man kami kasing yaman nila ay kaya ko paring makipag sabayan sakanya hindi ko naman sinasabing mahirap kami may kaya naman kami pero sila? they possess many companies and lands here in the philippines.


na dapat sa amin


Kaya nilang bilhin kahit anong magustuhan nila. He has almost every thing. Hindi ako na hulog sa kanya dahil mayaman siya. Yes he has a good heart and also caring person. he had a good damn life, big happy family, money, house, high grades, luxury car and beautiful future are waiting for him.



Hindi na niya kailangan pang mag lakad ng papeles para lang mag karoon ng trabaho dahil may nag hihintay na agad sa kanya. Ang kailangan niya lang gawin ay pag-aralan ang pag hahawak ng isang kompanya.



Meet Zion Leigh C. Madrigal, Siya ang hinangaan ko dahil sa taglay nitong kabaitan. Naging matalik kaming mag kaibigan. Hindi maiiwasan ang panunukso ng mga tao, sinasabing ginagamit ko lang siya but I was never bothered by that issue as long as i know the truth that I never used him for any reason.



Binabalewala din niya ang mga paratang sa akin ng mga tao dahil mas kilala nya daw ako. Isang araw na puno ng ingay sa klase dahil walang naka bantay sa amin, umupo siya sa tabi ko't nakipag usap para mabawasan ang pagkabagot sa klase. Hanggang na punta ang usapan naming dalawa sa aming pamilya.



Doon ko na nalaman na apo pala siya ng aking lolo sa labas. Hindi nya alam ang totoong nangyayari sa kanila ang alam niya ay masaya silang pamilya, pero hindi niya alam ang ginawa ng lola niya sa amin.



Kitang kita sa kanyang mga mata na masyang masaya siyang nag kukwento samantalang ako ito patagong nagagalit, nakakuyom ang aking mga kamao nung mga oras na iyon.


Hanggang sa hindi ko na kinaya pang itago, walang pasintabi akong lumabas ng classroom at tumungo sa restroom para umiyak at mag labas ng sama ng loob.



Sa dami ng tao bakit siya pa?
ang sarap hindi maniwala na isa sya sa mga kasalanan ni lolo pero wala na, yun na talaga yun at isa pa...



Sila ang dahilan ng pag bagsak ng pamilya ko

_________

Sa una tinanggap muli ni lola si lolo kahit pa may pagkakamali itong nagawa. Hindi nya tinanggalan ng karapatan si lolo na makapiling muli sila. Masaya silang pamilya kahit pa nangaliwa si lolo.


Binibigyan ni lolo ng sapat na pangangailangan ang kanyang naging pangalawang pamilya at ayos lang yun kay lola dahil may mabuti itong damdamin.


Alam niya raw kasi ang pakiramdam ng walang ama. Dumating ang panahon na nabalitaan naming wala na sya.

Nabagok ang kaniyang ulo at hindi na niya kinaya pa yun na nga siguro ang huli nya dahil nang mga nakaraang araw bago siya namatay ay pumili siya ng ataol nagalit pa nga kami dahil hindi maganda iyon ngunit nangyari na, sa puder namin pinag-lamayan ang kanyang katawan.


Nais namin sanang kumuha ng pera sa account ni lolo para sa gusto niyang ataol at pang bayad sana namin sa kanyang pag papalibing  ngunit nalipat na daw lahat sa isang account na nakilala naming kaibigan pala ni lolo walang namang problema dahil kilala namin ito.



Kinuha nito lahat ng pera, sinubukan naming bawiin ang pera ngunit nag iba ang pakikitungo nito sa amin, sa halip na ibigay niya sa amin ang pera nararapat saamin. Na isip din namin ang aming mga lupain ngunit kami ay nabigo dahil siya din ang may hawak.


Nag maka awa na si lola para maibalik sa amin ang mga ari arian na dapat ay amin ngunit binigyan lamang kami ng limang daang piso!



Parang tinusok ng pabalik balik ang puso ko dahil sa ginawa niyang yun, ginawa niya kaming kaawa awa lalo na si lola na hindi naman dapat nag mamaka awa sa kanya dahil mas karapatan nya yun dahil pinaghirapan nilang mag asawa ang mga iyon!



Mabuti't may isa palang na iwan saaming bukirin at yun ang sinanla namin para mabayaran ang pag papalibing at lahat ng bayarin sa pag kamatay ni lolo.


Na sanla namin ang lupaing iyon sa mas nakaka gaan naming kamag anak na kasing bait din ng kanyang mga magulang



walang nagawa si lola kundi mag trabaho nalang para sa ikabubuti ng kanyang mga anak. Nag hirap sila pero nagsikap silang maka ahon hanggang sa nag karoon ng magandang buhay muli ang aming pamilya masaya kahit simple lang kami.


Ito ako ngayon kami mag pi-pinsan, lola spoils us always. Ayaw niyang nalulungkot kami at gusto niya rin kaming mag kakasama parati mag pi-pinsan pati narin ang kaniyang mga anak.

_________

simula ng malaman ko ang tungkol kay zion mula sa sarili niyang pagkukusa mag salita, ang dating ako na humahanga sakanya ay hindi na kailan man hahanga ulit sa tulad nya.


Akala ko nung una coincidence lang na yung apilyedo niya ay katulad ng apilyedo ng kaibigan ng lolo ko, kaibigan na manloloko.


Yun pala ay nag katuluyan ang kaibigan ni lolo at ang kanyang babae! talaga namang makati ang lola ni zion! una ang lolo ko sunod ang kaibigan naman nito the heck! nag kasundo pala ang dalawa na lokohin si lolo at para makuha ang mga kayamanan nito.


Masyado kong mahal ang lola ko at nang malaman ko ang tungkol don ay nagalit ako sa mga madrigal, dahil sa galit pinagbuntungan ko ng galit si zion.



Nag revenged ako sa kanya ng hindi niya nalalaman na ako ang nasa likod non, but sabi nga nila walang sikretong hindi na bubunyag, nalaman niyang ako ang nasa likod non lahat.



Tinanong niya kung bakit ko ginawa iyon sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya lahat ng dahilan kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon at nilabas lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanilang ginawa sa lola at lolo ko pati narin sa pamilya namin.



Sinabihan ko siyang gusto ko siyang mawala, ayaw ko siyang makita at simula non wala na akong balita sa kanya at miski anino niya ay di ko na mahagilap yun din naman ang gusto ko...

Ang mawala siya sa paningin ko

at pati sa puso

~《sammysandy》~


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skylar Oliverez MontejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon