KABANATA: 3

30 2 3
                                    

ilang oras nalang ay makakarating na kami sa daongan ng barko.kung saan kami sasakay para makatawid sa aming probinsya.

"som gising na bababa muna tayo dahil hindi tayo pinayagan na manatili dto sa loob ng sasakyan"pupungas pungas akong tumango kay ate mae at dali daling bumaba ng sasakyan.

nang makarating na kami sa itaas ng barko,napaka hangin dto at kita mo ang napaka lawak na karagatan

marahan akong napatingin sa ibaba. may mga taong humihingi ng piso habang nasa tubig at tila na sasayahan sila sa kanilang ginagawa,satingin ko naman ay masaya talaga yun

hindi lang sila masaya sa kanilang ginagawa,nakaka likum pa sila ng pera.

ako'y natuwa sa kanila kaya kumuha ako ng tatlong limang piso para ihagis sa kanila at aba nakuha ng batang lalake.sa tansya ko ito ay mga nasa anim na taon palang.

namangha ako sa batang ito eh kung tutuusin mas matanda pa ako dto pero hindi ko ata kaya lumusong sa napaka lalim na dagat.kaya pinag patuloy kung hagisan sya ng limang piso dahil nakakatuwa ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

masaya na sila sa kung anong meron sila.kahit na mahirap sila hindi nila ikinakalungkot iyon.masaya sila dahil buo parin ang kanilang pamilya

sama sama silang lumulusong sa dagat.ang kanyang mga kapatid na babae at ang kanyang nanay ay nasa bangka para magtago ng mga nalilikom na pera.

"magandang umaga sa aming mga mahal na pasahero. kung iyong makikita sa bandang tv ay may kwaderno na nakalapag at sa tabi nito ay may panulat..."nawala ang aking atensyon sa lalakeng bata at sa kanyang pamilya ng may magsalita sa speaker.

"isusulat nyo lamang ang iyong pangalan sa kwaderno maraming salamat sa inyong kooperasyon."pag tatapos nitong sabi.

kaagad naman tumayo si ate mae para pumunta kung nasaan yung kwaderno."ate mae maaari nyo po bang isulat nalang ang pangalan ko?"
tumango ito at nag patuloy sa pag lalakad.

napalingon ulit ako sa dagat para masilayan ang pamilyang kanina ko pa pinagmamasdan ngunit na bigo ako."umalis na pala sila"bulong kong sabi habang nililibot ko ang aking mata para hanapin sila at yun nga malayo na sila.

kanina pa pala sila naka alis.hindi ko lang napansin dahil sa nag salita sa speaker.

nangmaramdaman ko nang umaandar na ang barko ay umupo na ako dahil baka matumba pa ako rito.nakakahiya naman sa maraming tao pa.

ilang minuto pa ang bibilangin para maka tawid kami dto sa napaka lawak na karagatan kaya't minabuti ko munang kumain.

"kuya magkano to?" pag tatanong ko sa tendero."bente lang yan"masaya nyang sagot.

nang ma iabot ko na sakanya ang pera bigla itong nag salita. "galing kang maynila?"pagtatanong nito na kasama ang napaka ganda nyang ngiti."opo"matipid kong sagot.

"kaya pala"hindi ko alam ang kanyang sinasabi.

"bakit po?" pag tatanong ko ulit.

"napansin ko kasi kanina parang tuwang tuwa ka sa pag hahagis ng piso" pansin sakanyang muka na nahiya sya sa kanyang sinabi.

"so kanina mo pa ako tinitignan?" pag tatanong ko ulit sakanya pero hindi ito maka tingin.

"uhm o....." natigil sya sa kanyang pag sasalita nang tawagin ako ni ate mae

"sam tara tignan mo to!" masigla nitong sinigaw.

nag paalam na ako sa kuyang aking naka usap ngunit bago ako maka layo "salamat sa maikling pag uusap..........sam" mahina nitong isinambit ang aking pangalan ngunit narinig ko pa rin.

Skylar Oliverez MontejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon