KABANATA: 5

0 0 0
                                    

"Som! Amber! Labas muna kayo diyan!", nabaling ang aming tingin sa pinto kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses ng babae.

"Uhm. Ate? Yung aleng yun, sino yun? Bakit kilala niya ako?", hindi ko talaga siya kilala o nakalimutan ko lang siya dahil taon na rin ang nakalipas.

"Ah si ate Leng. Hindi mo na siya maalala? Ahh I see. Siya yung matagal ng katiwala nila auntie at siya rin ang nagpapaligo, nagreready ng pagkain niyo palagi nung bata pa tayo", hindi ko talaga siya maalala, but I will try to recognize her little by little.

Lumabas na kami ng kwarto at tumungo sa sala. Hindi ko alam kung bakit kami tinawag ni ate Leng.

"Pumunta na kayo sa labas, aalis na sila", tugon ni ate Leng sa amin. Kailangan din pala umalis nila tito ngayon, hinatid lang talaga kami dito at kumain. Nawala sa aking isip ang bagay na yun at gabi na pala?

"Tito. Ate Mae!" nagmano muna ako kay tito at yumakap kay ate Mae.

"Uhm. Tito? Salamat nga po pala sa paghatid sa amin. Ingat po kayo", pagpapaalam ko sa kanila pero bago pa ito makasakay sa driver sit ay niyakap niya ako at marahang tinapik tapik ang aking likod.

"Take care of your lil' sister kahit na makulit yan, be a responsible ate if hindi mo sya kayang i-handle mag patulong ka kay ate Amber mo okay? Pati pasayahin niyo si nanay", tumango tango ako bilang pagsang ayon sa sinabi ni tito. Habang tinitingnan ko ang pag alis nila na pansin ko na patingin-tingin si ate Amber saakin.

"Nakiliti mo si tito huh?", nabaling ang aking tingin sa kanya at nabalot ng pagtataka ang aking mukha.

"Ha? Sinasabi mo ha ambing?", nagtataka kong tanong.

"Minsan lang ganyan si tito kapag magaan ang loob niya sa isang tao kaya masasabi kong YOU ARE THE CHOSEN ONE!!", kahit kailan napakaingay ng bunganga nito ni Ambing kulang nalang ipagsigawan.

"Naku pumasok na tayo gabi na lumalamig na rin", pumasok na kami sa loob marahil ay lumalamig na sa labas at kakain na rin kami maya maya. Nagluluto na kasi si ate Leng ng pagkain namin at pagkain ni Lola. Oh speaking of lola, gising na kaya siya? Hindi naman masama kung sisilipin ko siya.

Papunta na ako sa kwarto niya nang may makasalubong akong isang pusang kakaiba ang kulay ng mga mata. I gently grab the doorknob then the cat I crossed the path seconds lately, hissed at me. Para siyang nagagalit o maybe nagagalit talaga siya pero bakit siya magagalit?

"Hey! Galaxy come here!", napalingon ako sa direction kung saan nanggaling ang boses na yun. "Som meet Galaxy, lola's youngest daughter", pag papakilala ni ate Amber sa pusa.

"So my mother is not the real bunso of lola huh?", nagtawanan na lang kaming dalawa dahil sa ideyang yun. Hindi ko talaga type ang mga pusa para akong aso na ewan pero ayaw ko talaga sa pusa. Mas prefer kong mag alaga ng aso.

Actually we adopted more than ten dogs but only three dogs survived. We adopted rabbit too I mean rabbits but one of them died because of illness and the other one---we set him free. We also adopted fish, chicks, bird (love birds) and turtle.

Naisip ko na dati na mag zoo na lang kami dahil ang dami na pala naming naalagaan na hayop. But the only animal na hindi sumagi sa isip ko at wala akong ideya kahit kailan na alagaan ay ang pusa.

"Here, give me your hand I will put Galaxy on your hand", dahil nag aalangan pa ako, kinuha na lang ni ate Amber ang kamay ko. Nang ilalagay na ni ate Amber si Galaxy sa kamay ko. Galaxy jump on Amber's hand and run to Amber's shoulder and she looked at me with her chilling hiss.

I think hindi kami magkakasundo nitong pusang to.

"Hindi pa siya sanay kaya ganito ang reaction niya sayo pero hindi din yan magtatagal aamo na siya sayo", wala naman akong balak mapalapit diyan sa pusa.

Skylar Oliverez MontejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon