KABANATA: 1

51 2 0
                                    

Nang ako'y magising na. Akala ko ay umaga na. Saglit lang pala akong nakatulog.

"Oh ba't gising ka na? Matulog ka pa, mahaba-haba pa ang biyahe natin. Maaari ka pang matulog.", sambit ng tito kong pagod na rin sa pag pagmamaneho ng sasakyan.


"Hindi na po ako makatulog kaya okay lang po. Pag tinamaan na lang po ako ulit ng antok", marahan siyang tumango sa akin at ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa manibela.

Kaagad ko naman sinilip sa bintana ang aming dinadaanan. Wala ng mga buildings na makikita at wala nang masyadong ilaw sa daanan.

Mga puno na lamang ang makikita dito
at mga maliliit na bahay na wala masyadong ilaw at maaari mong mabilang ang mga ilaw na iyong  madaraanan.

"Hindi pa ata nasasama itong daanan na ito sa mga proyekto na gagawin ng gobyerno", sambit ko habang pinagmamasdan ang aming dinadaanan.

"Dapat ay lagyan nila ito ng mga ilaw para maiwasan ang mga disgrasya lalo na at malayo ito sa bayan kung saan merong ospital", seryoso kong sabi.

Kita kong marahan namang napangiti si tito sa aking mga sinabi.

"Dalaga ka na nga som. Alam mo na ang nakakabuti. Hindi lang para sa sarili mo kundi pati na rin sa ibang tao"

Ngumisi na lamang ako at nakipag-usap kay tito kahit na mahirap kumuha ng topic na pwedeng mapag usapan.

Naisipan ko na makipag-usap kay tito kahit hindi kami masyado nag uusap talaga. Para lang mawala ang kanyang antok dahil delikado pag nakatulog sya, hindi pwede yun.

Hindi talaga ako mahilig makipag usap sa mga tao dahil nahihiya talaga ako.

Kahit sa simpleng paghingi ng tubig, minsan nga ay nakalimutan akong suklian ng driver ng jeep dahil sa hiya ko ay hindi ko na ito nakuha.

Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa mga galaw kong ginagawa.

Pati sa eskwelahan. Alam ko ang sagot sa tanong na isinasambit ng aming guro pero mas pinili ko na lamang na sa akin na lamang iyon. At dahil na naman yun sa hiya na meron ako.

Napapagalitan na lamang ako ni nanay dahil sa sobra na ang hiya na meron ako.

Dahil na rin siguro yun sa mga tao na kamalian lang sa buhay mo ang tanging nakikita nila.

Kaya siguro hindi ko hinahayaan ang sarili kong mag karoon ng mga pagkakamali. Kahit sa paglalakad hindi ko hinahayaan na madapa ako. Ayokong nakukuha ang atensyon ng mga tao.

"Kumusta school Som? May mga kaibigan ka naman?" pag tatanong ni tito. Siguro nagtataka siya kung may kaibigan ako kasi hindi naman talaga ako mahilig makipag-usap sa mga tao.

"Meron naman po kaso hindi po ako ang nakipag usap hahaha", nagtawanan na lamang kaming dalawa habang tulog sila ate Mae.

Nagkaroon ako ng mga kaibigan pero sila ang lumalapit sa akin, kaunti lang naman sila dahil ang iba may kanya-kanyang barkada at ang tingin nila sa akin ay suplada.

Hindi ko inaasahan na may taong mag a-approach saakin kahit na mukha akong suplada. Nung una feeling ko pinaplastik lang ako dahil nga sino ba mag aakala na may mag a-approach saakin.

Skylar Oliverez MontejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon