Game 3.1 *the DARE*

38 1 0
                                    

(Blue's POV)

"Hey"

"Hey *smiles*" Aish. Bumibilis talaga ang tibok ng puso ko kapag ngingiti siya sakin.

"Kanina ka pa?"
"Oo... ang tagal mong lumabas eh ",sagot niya sabay pout.Assuss ,nagpapa-cute na naman si chocolate drink.

"Lika nga dito"
"Bakit?okay lang naman tong' one-meter distance natin ah"
"Lika nga sabi eh"
"Ayaw ko"

Nagmamatigasan pa eh,sa loob-loob niyan,gusto namang lumapit sakin.Nilapitan ko siya at inakbayan agad.Yung tipong parang nakayakap na din ako sa kanya.

"Alam mo,ang cuuuuuuuute mo talaga!",sabay kirot sa pisngi niya kaya napangiti tuloy siya.Hayys. Ang puso ko,heto na naman.

"Pero MAS cute ka Blue"
"Hindi..at hindi ako papayag na cute lang ako.Si Blue Zamora ay hindi cute.POGI.P-O-G-I---"
"Baka 'POGAY' ha?"

What the--?

Awtomatikong napalingon ako sa kanya while wearing a confused expression on my face.

"Mwehehehe. Joke lang Pogi"
"Tss.Ikaw talaga "

Isinandal niya bigla ang ulo niya sa balikat ko at natahimik kami. Oh,by the way,she is Chucky Abad, and she's NOT my girlfriend YET.Soon-to-be-girlfriend ko pa siya.Ayaw pa akong sagutin eh.Ite-test niya daw ako kung mag-gi-give up ba ako.Bahala siya kung makahanap ako ng iba.

Pero of course,joke lang.Loyal ako.At saka,parang mahal ko na ang isip-bata na yan eh.Mahal na mahal din niya daw ako.

"Malapit na kitang sagutin Blue.Napapahanga na ako sa endurance mo"

(Pink Purple's POV)

"Aphrodite! Pstt!uy!Miss Aphrodite! "

Lintek na gago yan.Kahit first kiss ko siya,kaya ko pa rin siyang sapakin.Swear.Wala akong pakialam kung ma-drop ulit ako.

"Aphrodite! Huyyy!Teka nga lang Aphrodite!"

"Kuya,lubayan mo muna ako please"

"Ayoko"

Nakakainis na talaga ah!>___< Si kuya pogi lang naman ang sumusunod sakin eh at ayaw akong tantanan. Pupunta pa nga sana ako ng canteen pero takte talaga,di ako makapunta dahil sunod siya ng sunod kaya ang mga mata rin ng mga babae eh sunod din ng sunod sakin.Naku,kung nakamamatay lang ang tingin eh kanina pa ako namatay.

Biglaan niya akong hinila. Nahawakan niya kasi ang braso ko eh.

"Okay,ano bang kelangan mo kuya?"

"Hey,ganyanan na ngayon?do you remember me?diba ako yung kahalikan mo kahapon?"

Truth or Dare (a game of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon