Chapter 12
Siguro ay limang minuto nakong nakayakap sa kaniya at sigurado akong parehas na kaming basang basa.
Mabuti naa lang at humina na ang ulan at nakasilong na rin kami sa maliit na silungan dito.
"Okay kana?" Agad Kong tinaggal ang pag kayakap ko sa kanya dahil sa tanong nya.
"Bakit? Okay lang naman sa'kin, nilalamig ka?" Hindi ko alam pero natulala ako sa kaniya, first time siyang naging ganyan sakin.
Para bang concern na concern ziya.
Napaiwas ako ng tingin ng hubarin niya ang jacket nya at ipatong sa balikat ko umipod pa siya ng kaunti kaya lalo kaming nag dikit.
Hindi ko maipaliwanag pero parang ang daming paru-parong nag wawala da tiyan ko.
Gutom ba ako?
"O-okay lang ako"
I feel so many butterflies in my stomach shit!
"Really?" Nilapitan nya lang ako at niyakap.
Hindi na ako nag salita pa at hinayaan na lang na nasa gano'ng posisyon kami.
"Usap tayo ng matino." natawa na lang ako sa sinabi nya.
"Ikaw lang naman 'di matino kausap" parehas nalang kaming natawa.
Bakit napaka komportable ko sa kaniya ngayon? Dahil ba malamig at yakap niya ako?
"Okay okay, so mag kwento ka." Napanguso ako, ano bang pwedeng I-kwento?
"Ano namang ik-kwento ko?" Gulong tanong ko.
"About your life?" Patanong na sagot ni Declan.
"Okay, para hindi kana mag kagat labi." kanina nya pa kasi kinakagat labi nya at nakaka-distract ‘yon kasi ako...
Basta ‘yon na ‘yon!
"Haha, bakit?" Tanong niya at kinagat ulit ang labi.
Nag iwas na lang ako ng tingin at huminga ng malalim.
Bakit gano'n parang ang sarap halik--- Neveah ano ba!?
"Wag kana maingay mag ku-kwento na 'ko." Huminga ako ng malalim at tumango naman siya.
"Kilala mo naman ako ‘di ba?"
"Well yes, Neveah Klare Leighrah" tumango ako sa kanya.
"Wala na 'kong mama." Hindi ko agad nasundan ‘yon at napatulala na lang. Hindi rin naman siya nag salita at tahimik lang na nag hintay ng susunod ko pang sasabihin.
"Namatay siya nung pupunta siya nung pauwi na siya galing America, nag crash yung eroplanong sinasakyan niya tapos yun natagpuan nalang namin katawan ni mama, malamig na." kinagat ko ang pang ibabang labi ko, may namumuong luha rin sa mga mata ko, "kaya si papa at ang kapatid ko na lang ang natira sa 'kin, kaya ginagawa ni papa ang lahat para makapag tapos ako ng pag aaral, nag punta ako dito buti nga pumayag Sila tita at tito 'yong mga mama nila Shae at Jane at tatay nila, kung hindi edi mag Isa lang ako boring diba?" Laking pasasalamat ko talaga kanila tita dahil pumayag sila na samahan ako nila Shae.
"Ang hirap kaya ng walang mama." bahagya pa 'kong natawa kasabay ng pag buhos ng luha ko, naalala ko nanaman ang mga magagandang alala na kasama ang mama ko pero hindi ko hihilingin na mabura 'yon sa isipan ko dahil yun nalang ang natitirang alala namin.
Nagulat nalang ako ng lalo niya 'kong higitin papalapit sa kaniya, niyakap nya ako hindi ako makahinga ng ayos hindi ako maka galaw dahil sa sobrang lapit namin.
BINABASA MO ANG
Started With a Dare [EDITING]
Romance[FINISHED] [EDITING] Highest Rank achieved #Started - 1 #Dare -1 STARTED WITH A DARE What's with the dare? Date Started: November 9 2019 Date Finished: February 12 2020 The book cover is not mine credits to the rightful owner: Lili WP