Chapter 23

47.8K 925 12
                                    

Chapter 23

One week had passed simula ng umamin ako kay Declan. Ako mismo ngayon ang naiwas dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin bukod sa pakiramdam ko ay ako lang ang nakakaramdam ng ganito natatakot ako, natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko sinasagot ang mga texts calls o ano mang galing sa kaniya, ginawa kong abala ang sarili ko sa pag aaral lalo, dahil malapit na rin akong mag College kaya dumadami din ang mga requirements namin at kailangang gawin.

"So ano let's go na? Uwing uwi na'ko tapos na naman tong research natin eh," ani Aya, isa sa mga ka member namin.

"Let's go na," tumayo na rin ako syempre, lahat kami uwing uwi na kanina pa kami dito sa Library eh, walang ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang research na ito.

Nakakapagod.

"Okay," Lahat kami ay tumayo na at nag unat, jusko hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo lang dito habang nakatitig sa laptop eh.

"So lahat tayo uuwi na basta kayo na bahala kung may typos ah? Sa bawat chapters i re-read niyo sorry din kung may mga typos kasi ang sakit na ng mata ko eh," sabi ni Jane habang inaayos ang mga gamit niya.

"Naks okay lang yun ako na bahala dyan sa mga typos o kung ano mang mali dyan sorry di ako naka tulong sa pag t-type ah? May inatenndan pa'kong meeting eh,"

"It's fine. Thank you for your cooperation,"

"Mukhang uwing uwi nanaman tayong lahat eh hahah! so let's go na" ani Aya, natawa nalang din kami.

Nag taka ako kung bakit bigla silang tumahimik habang nakatingin sa likuran ko.

Nagulantang nalang ako ng may naramdam akong umakbay sakin at bigla nalang akong inagaw sa mga kaibigan ko! Pag kaakbay nya sakin ay agad syang tumalikod kasama ako! Ang bilis kumilos!

Lahat sila ay nag bago ang ekpresyon lalo na si Shae pero hindi ko na nagawa pang makapag salita dahil hinila na ako ng lalaking ito.

Sisigaw na sana ako ng maamoy ko ang pamilyar nyang pabango, kahit hindi ko palagi nakakasama si Ashton alam ko ang amoy niya..

"A-ashton?" tumigil sya sa pag lalakad at hinarap ako.

"Declan needs you, pero nasayo na iyon kung sasama ka sa'kin." Sabi niya at nag kibit balikat. I stopped suddenly. Si Declan kailangan ako?

"B-bakit anong ngyari sakanya?" nag aalalang tanong ko.

"He's sick, nandon sya sa condo niya kung gusto mo siyang puntahan ihahatid kita pero kung ayaw mo naman nasayo naman yon sina--" Hindi ko na pinatapos si Ashton dahil hinila ko na siya palapit sa sasakyan niya.

Agad akong pumasok sa passenger seat buti na lang at hindi naka lock o binuksan niya hindi ko lang namalayan.

"Ihatid mo 'ko sa condo niya, kelan pa sya may sakit? Ba't ngayon niyo lang sinabi?" I asks.

"Oh? Chill" Tumawa pa siya kaya nahampas ko siya, kainis!

"Nung last time na mag kasama kayo don pag uwi niya nag lasing siya tapos bboom! Nagkasakit, aba ewan ko don kung anong nangyari tanga tanga tsk." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa panananga niya kay Declan pero hindi na lang ako nag salita.

Pinaandar na niya ang kotse niya, ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

Bakit siya naglasing? Kainis at one week? One week siyang nag kasakit? Kaya ba hindi siya nag paparamdam?

Masyado akong umiwas sa kanya, no sobra ang ginawa kong pag iwas sa kanya, ni hindi ko manlang inalala o kahit tinanong manlang sa mga kaibigan niya kung ayos lang ba sya.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon