Chapter 1: You Calling My Name
Gabrielle
Hindi ko na siya crush.
Sa wakas, dumating na ang araw na wala na akong feelings para sa kanya! Actually matagal naman nang paandap-andap na lang ang pagtingin ko kay Don, aka ang crush ko simula 1st year high school.
Hindi ko alam kung bakit o paano. Ang sigurado ko lang ay kung kailan. This recent sem kasi, bigla ko na lang na-realize na sobrang futile ng ginagawa kong paghahabol kay Don.
Iyong letters of appreciation ko every month, na dati pa nga ay every week kong binibigay sa kanya. I have poured my heart and soul to every words I've written on those letters, tapos malalaman ko from his friends na hindi naman pala niya binabasa.
Isa pa ang pagsikripisyo ko ng baon ko para bumili ng sangkatutak na flattops candy (favorite candy niya) na ibinibigay ko sa kanya every time na nakakasalubong ko siya sa campus. Tatlo kasi ang ibinibigay ko every time we meet, para 'I love you.' Ang harot ko hindi ba? Ang mahal-mahal kaya 'non tapos araw-araw akong nagbibigay pero never naman niya akong minahal? Simula second year high school kami lagi ko siyang binibigyan. Kung ipagpa-plus ko lahat ng nagastos ko para sa paboritio niyang candy, baka makabili na ako ng latest iPhone.
Ang dami ring manliligaw na tinanggihan ko dahil sa delusyon kong liligawan ako ni Don eventually! Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero maganda naman ako 'no? Hindi man conventionally attractive gaya nila Liza, Kathryn, at Nadine, pero maganda na para maging ligawin.
I turned down a lot of great guys, yet wala naman akong napala sa paghihintay ko.
Those boys who tried to court me then are in happy, long term relationships now. Paano ko nalaman? Kasi talk of the town sila dito sa St. Helene's. Mga campus power couples ba. Habang ako, nganga na lang dahil ipinilit ko ang sarili ko kay Don.
Gaano ba ako kabulag sa infatuation ko kay Donato Efraim G. Ybañez Jr. para magpakatanga sa loob ng limang taon? I don't even want to go to the 'most embarrassing moments of my life' that only includes me swallowing my pride and doing unthinkable things just so I could get his heart and attention.
My goodness, kahit matagal na ang iba doon hindi ko maiwasang mag-cringe kapag naiisip ko.
Back then, nakakaproud kasi I would go lengths to express my admiration for Don, but now kahihiyan na lang ang nararamdaman ko because damn, I did those things to get a man's attention.
But nonetheless, I am grateful to have realized all this and finally move on from my awkward phase of pagpapakatanga for Don. Kasi I'm done playing clown.
At ngayon tanggap ko na talaga na he won't ever look my way.
Ginugol ko ang nalalabing araw ng summer vacation na abala sa bagong mobile game na kinaadikan ko, at paminsan-minsan ay iniisip kung paano na ako ngayon makikitungo kay Don.
The thing is, cutting off my infatuation with him does not mean cutting him off my life. Iisang school lang naman kasi kami na pinapasukan tapos magkasama pa kami sa org.
It's not like I care about him now. Sa totoo lang wala ng kilig kapag iniisip ko siya, or kapag lumalabas ang basketball pictures niya sa Instagram feed. Hell, I even unfollowed him already kasi sobrang yabang niya talaga tignan sa pictures— lalo na kapag basketball photo op—to the point na nakakairita na.
See, I even get to realize this now. He's full of himself. I even defended him back then from random guys at the campus when I heard them talk behind his back. They said na sobrang hangin daw niya, lalo na sa court at parang ang sarap sapakin sa mukha. Talaga namang nag-iskandalo ako noong narinig ko iyon noon. But now, napagtanto ko na tama pala iyong mga mokong na 'yon. Minus the punching in the face part because violence will never solve anything.
BINABASA MO ANG
Uncrush You
General FictionPaano kung ang crush mo for five years, bigla na lang nagsimulang magpapansin sa iyo matapos mong mapagdesisyonan na hindi mo na siya gusto? Aasa ka ba ulit o magmo-move on na?