(5) Flirty

30 2 0
                                    

Chapter 5: Flirty

It's a normal Friday to me. Dahil allowed naman mag-org shirt, iyong violet shirt from last year na lang ang isinuot ko. Tsaka ako nag-denim pants na pagmamay-ari ko since I was in high school pa.

8 am lang ay nasa school na ako. At dahil 9 pa naman ang klase ko ay sa office ng org ako dumiretso.

Pagkapasok ko ay nandon si kuya Pio at kuya Jek na medyo seryoso ang pinag-uusapan.

"Good morning mga gwapo kong kuya," kunwari ay hindi ko nakita ang seryosong mukha nila kanina.

"Bree hi, aga mo ah!" Bati ni kuya Pio.

"Andyan na pala si hardworking queen e." Si kuya Jek. "Wala ka pa class?"

"9 pa. Si mama kasi ang aga ako ginising kaya maaga na rin ako pumasok." Pagdadahilan ko.

"Naku, ang sabihin mo may dahilan ka lang kaya ka maaga pumasok." Sabi ni kuya Pio sa tono niyang suggestive.

"Please, I'm over Don!" Defensive kong sagot bago ibaba ang gamit ko.

"Hindi naman si Don ang tinutukoy ko e." Sabi ni kuya Pio na may pataas-taas pa ng kilay.

"Sino naman? Parang tanga 'to?" Tsaka lang nag-flash sa utak ko ang mukha ng lalaking kinahuhumalingan ko lately.

"Sus, kunwari ka pa e parang hindi ka namin nakitang abot langit ang ngiti habang kausap iyong customer sa Café Martina." Si kuya Jek.

"Hoy ang issue niyo talaga! Regular customer kasi doon 'yon." Sabi ko habang ibinababa ang gamit ko sa empty table ni ate Nadja.

Habang nag-aayos ng gamit, napansin ko ang pamilyar na case ng gitara. "Kuya Pio, tutugtog ka na ba ulit?" Sabi ko para maiba ang usapan.

"Ah hindi. Pinadala lang sa akin 'yan ni Maya." Sabi niya habang nakakunot ang noo. "Wala nga akong time ulit kasi nga 'di ba, thesis year ko plus varsity pa. Ewan ko ba kay Maya. Gusto yatang bumalik kami sa courship stage?"

"Yieee, sana all." Unconsciously kong nasabi. Parang out of habit na lang kasi lagi akong naka-sana all when it comes to kuya Pio and ate Maya.

"Sana all ka diyan! Kung sana, hindi mo binasted si Don baka in a happy loving relationship ka na." Natatawang biro ni kuya Jek.

"Epal mo talaga kuya Jek! Tsaka parang ako talaga ang tumanggi kay Don ha?"

"E bakit ka bitter?" Gatong ni kuya Pio.

"Hindi ako bitter. Nagsasabi lang nang totoo."

"Pero seryoso ka na bang hindi mo na gusto si Don?" May panghihinayang sa boses ni kuya Pio.

"Hindi na talaga kuya. Tsaka, I know my worth already. I don't have to beg for someone to look my way, ever." Sabi ko habang inaalala ang mga katangahan ko for Don in the past.

"What if..." Biglang sobrang seryoso ni kuya Jek kaya naman kinabahan ako sa kung anoman ang gusto niyang sabihin.

"What if ano?" Tanong ko naman habang kunwaring nag-check ng notifications sa phone.

"What if, gusto ka pala ni Don?" Pagpapatuloy ni kuya Jek.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Jusko kuya Jek. Kung bet niya ako edi sana matagal nang naging kami. Kasi 'di ba, sa ganda kong 'to ako na nga ang naghabol hindi pa rin ako pinatos. Kaya malinaw na sa akin na hindi talaga." Sabi ko habang nakatutok ang mata sa cellphone ko. Sobrang uncomfortable lang talaga ng topic.

"Pano kung torpe lang pala siya tapos intimidated sa pagiging aggressive mo?" Dugtong ni kuya Pio.

"Mga kuya, hindi niya nga ako gusto. Pagbali-baliktarin man natin ang mundo, wala talaga. At kung sabihin na natin na gusto niya nga ako, sorry siya kasi hindi ko na talaga siya gusto."

Uncrush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon