Much to my assumption, may quiz ngang naganap sa CogPsy subject namin. Buti na lang talaga at nagbasa ako kanina. Thanks to that I almost perfected the quiz.Nakatulong din siguro kanina na nakalandian ko si Baby.
And yes, papanagutan ko nang Baby ang tawag sa kanya since ayaw naman niya akong bigyan ng clue sa pangalan niya aside from its initial.
Binigyan kami ni sir Manuel ng 15-minute break dahil magdi-discuss pa raw siya sa natitirang isang oras ng klase; much to my classmates' dismay.
Sa akin okay lang, sayang naman kasi iyong time na natitira e. Plus, maraming holidays na natapat sa Friday. Mas okay na iyon kaysa maghabol pa kami ng lessons.
Dahil ginutom ako, nag decide akong bumili ng makakakain. And damn, I'm really craving for a turon.
Kaya pumunta ako sa pinakamalapit na bilihan. Saan pa ba edi sa food stalls ng Fernandez Hall.
Deep inside naisip ko, unconsciously kaya siguro ako nag crave sa turon para may palusot akong pumunta dito.
Dios mio, mauubos pala ang pera ko kabibili ng turon para lang masilayan si Baby.
Tsaka ko lang naalala, nasa second floor nga pala mostly ang klase ng mga broadcasting students.
Grabe ka naman kahaliparot Gabrielle, kalandian mo lang kanina miss mo na agad?
I reminded my haliparot self. Ayaw ko nang maulit iyong nangyari with Don.
My attraction eventually became an obesession. And it certainly took a toll on me.
Kaya noong pabalik na ako, I engraved on my mind to keep healthy boundaries with my obsession with Baby.
And the first step is to not call him that. Maybe calling him B will do since it's the initial of his real name.
"In deep thoughts ah." Biro na lang sa akin bigla ni Lio, classmate ko. "Ganyan pala ginagawa ng mga masyadong ginagalingan sa quiz."
May dala siyang dalawang Delight at pabalik na rin sa room. Sinabayan ko na lang din siya sa paglalakad.
"Uy gaga hindi. Gusto mo?" Alok ko sa turon kahit, with hopes na tanggihan niya.
"Nah, I already ate carioca."
And like that, we spent the rest of the break period talking about the recent quiz that happened, along with his best friend Khalela; isa ko pang classmate.
Damn me, they are so fun to talk to! Bakit ngayon ko lang sila nakausap?
Ang alam ng lahat, sila ang power couple ng batch namin kasi sobrang intimidating nila parehas. And to conform, I thought of the same thing.
But it turns out, ang humorous nilang dalawa.
"Pero sure bang hindi kayo?" Segway ko na lang bigla noong pinag-uusapan na namin ang school of thoughts.
"Sis, bading kami parehas." Sabi ni Lio.
"No shit?" Sorry na for deciding immediately for them. Kasi naman, sobrang gentlemanly tignan nitong si Lio. Sa totoo lang, medyo crush ko siya noong first sem, kahit kapos siya sa height. Tapos si Khalela naman, siya iyong tipong femme fatale.
Lord bakit hindi mo na lang po ako ginawang lesbian din para si Khalela ang jowain ko kasi sobrang ganda niya talaga!
Tumawa naman si Khalela. "Oo sis. We're both bisexual, pero mas attracted sa same sex. At tsaka iyang si Lio sa iba in-lov" bigla na lang tinakpan ni Lio ang bibig ng best friend niya.
BINABASA MO ANG
Uncrush You
General FictionPaano kung ang crush mo for five years, bigla na lang nagsimulang magpapansin sa iyo matapos mong mapagdesisyonan na hindi mo na siya gusto? Aasa ka ba ulit o magmo-move on na?