Chapter 2: Muse and Escort
Gabrielle
Tatlo ang subject ko ngayon first day, pero lahat ng profs ay nag-discuss lang ng course syllabus.
Dahil doon ay ang dami kong vacant time. Kagaya ng ginagawa ko last semester, sa office ng org ako tumatambay pampalipas ng oras.
Ayon sa mga orgmates ko wala nang gagawin dahil prepared na kami for the GA later. Binusisi ko na lang ang schedule ko. Buti na lang evenly distributed ang oras ng subject sa bawat araw.
Pinag-iisipan ko na tuloy ang offer ng best friend ko na mag-work sa coffee shop na pinagta-trabahuhan niya.
Hindi naman sa kapos kami sa buhay at kailangan ko pang mag-sideline. Malaki naman ang kita ni papa sa pagiging engineer sa UK at sa online shopping business ni mama. Pero hindi rin kasi biro ang mag-aral sa isang exclusive university. Marami pa ring unnecessary fees na sobrang mahal.
Kaya pumapasok rin talaga sa isip ko na magkaroon ng part time job. Kahit papaano ay nakaka-menos ako sa gastos sa bahay.
Dumating na nga ang oras para sa GA. Bago pa man ang call time ay naroon na halos lahat ng miyembro ng org, mapa-bago at dati na. Kaya naman saktong alas-kwatro ay nagsimula ang program.
Nakakatuwa kasi lahat ng miyembro ay nagpa-participate sa pakulo ng organizer ng GA. Basta si ate Nadja at kuya Jek, madaming pakulo.
Habang pinapanood ko silang mag-host na dalawa, hindi ko mapigilang isipin na bagay talaga sila. Kaso ang dalawang loko, hanggang ngayon ay in denial sa chemistry nilang dalawa. Ewan ko ba kung ano pa ang inaantay nila? Parehas na silang senior, galaw-galaw rin bago maubos ang oras.
Nasa kalagitnaan ng pag-perform ng yell nila ang ikatlong grupo nang may sadyang bumunggo sa akin.
"In deep thought ah..." Sinundot pa ko sa tagiliran ng lukaret.
"Andeng!!!" Napayakap naman ako sa best friend kong hindi ko nakita nang halos isang buwan. "Pasalubong?"
"'Te, alam nating pareho na mahirap pa ako sa daga ngayon!"
"Pero pak na pak sa swimsuit pictures sa IG ha?" Biro ko.
"Hoy, huwag mo na i-bring up. Medyo shy pa ang lola," pabiro at pabebeng sinabi ni Andrea.
"Sira! Buti na lang at paying off na ang work-out routine mo."
"True! Kaya sumama ka na rin kasi sa akin sa gym. Maisisingit mo naman kahit may org. Ako nga may work pa, ikaw pa kayang dedicated lang ang time kay papa D." Biro niya.
G-gabrielle. Shet, bakit naman naaalala ko pa ang pagkautal niya noong binabanggit ang boses ko?
"Siya nga pala, ano ang kumakalat na balita?" Mabilis na hirit ni Andrea.
"Ano na naman?" Sa totoo lang, wala akong ideya sa nais niyang iparating.
"Bakit hindi mo raw pinapansin si Don?" Bulong niya sa akin. Napairap naman ako internally dahil baka si ate Maya ang nag-chismis sa kanya. O baka naman iyong mga chismosa naming orgmates na masyadong invested din sa nonexistent na love team namin ni Don.
"Ano naman, it's not like I still have a crush on him or whatsoever..." Cool kong sinabi.
"TRULY?!!!" Nag-iiskandalong sigaw ni Andrea.
Napukaw naman ang atensyon ng lahat sa amin. Agad namang dumako ang mata ko sa nasa harap na si Don, kasama ang group 4 na siyang magpe-perform na sana ng kanilang yell.
Nag-smile na lang ako nang apologetic sa lahat at nagbiro. "Pasensya na, madalas kasi siyang mauntog sa ulo noong bata pa siya."
Tinawanan naman kami ng lahat. "Andeng, quiet lang tayo ha. Maging mabuting ehemplo ka naman sa mga new volunteers natin." Biro ni kuya Jek sa mic.
BINABASA MO ANG
Uncrush You
General FictionPaano kung ang crush mo for five years, bigla na lang nagsimulang magpapansin sa iyo matapos mong mapagdesisyonan na hindi mo na siya gusto? Aasa ka ba ulit o magmo-move on na?