Chapter 3: Guessing Game
"Sa totoo lang, mukha siyang manyak sa ngiti niya." Sabi ko kay Andrea na kasulukuyang nagpupunas ng table.
Ako naman ay nagtitiklop ng napkin. Walang customer dahil karamihan ng estudyante ay nasa klase pa. Kaya naman ito muna ang inaatupag namin. Sa wakas ay nakuha ko na ang technique kung paano mabilis na magagawa ang pagtitiklop ng napkin.
Simula na ng pagtatrabaho ko sa Café Martina. Hindi naman ako binigo ni Andrea dahil agad kong nakuha ang posisyon bilang barista dito sa café.
Kahapon matapos ang GA ng org ay agad kaming dumiretso ni Andrea sa cafe para sa interview ko. Saglit lang iyon at pati na rin ang naging training ko at natanggap na ako.
Iyon nga lang, kailangan ko pa rin ng assistance mula kay Andrea sa paggawa ng orders dahil hindi ko pa siya masyado gamay. Pero sabi ng owner na si sir Bentley, madali naman daw ako matuto matapos niyang makita ang performance ko sa training kagabi.
Sa totoo lang, mukhang mae-enjoy ko ang pagtatrabaho dito sa Café Martina. Malapit ito sa St. Helene's at favorite ko itong tambayan spot simula first year pa lang ako dahil sa coffee nila, at pati na rin sa coziness nitong place.
Simple lang naman ang design ng lugar. Mud brown brick wall na hindi na halos makita dahil sa sandamakmak na pictures around the globe na kuha mismo ni sir Bentley during his travels. Marami ring naka-display na souvenirs from different countries. Tapos black lang ang motif ng lahat ng chair at tables. What I love the most about the place is the map of the world printed on the linoleum floor.
Tuwing nagkakape talaga ako dito, hindi ko maiwasang mag-daydream sa plano kong mag-travel sa iba't-ibang parte ng mundo. Pero sa halip na mainggit lang kay sir Bentley at sa success niya ay ginawa ko iyong inspirasyon para mas magsumikap sa pag-aaral.
"Ang cute niyo kaya," reply ni Andrea ilang minuto matapos kong mag-komento sa litrato namin kahapon ni Don.
"Cute ka diyan? Tapos ang kapal pa ng mukha niyang umakbay sa akin. Namumuro na yata siya?" Agit kong binanggit habang tinutupi ang huling piraso ng napkin mula sa plastic.
"Hindi ka naman masyadong bothered sa ginawa niya?"
"Bothered siyempre. Like, what's his deal?" Inis kong sinabi. Tsaka ako kumuha ng basahan para sa tulungan si Andrea sa pagpunas ng mga table.
"E bakit ka bothered? Hindi kaya dahil..." Putol niyang sabi.
"Dahil?" Tugon ko naman. Tapos ay bigla niya akong tinignan kasabay ng nakakaloko niyang ngiti. "Hoy Andeng, 'wag mo akong ngitian nang ganyan diyan ha! At saka 'wag mo ngang binibitin sa sasabihin mo."
Natawa naman ang lukaret bago lumipat sa kabilang table para doon magpunas. "Gabo, ang akin lang naman hindi ka ganyan magiging affected kung wala ka pang natitirang lingering feelings para kay Don."
"Hoy, anong lingering feelings ka diyan?"
"E kasi naman, masyado kang agit dahil sa pag-akbay niya. It's not like wala kayong pinagsamahan."
"Andeng, wala naman kasi talaga kaming pinagsamahan. It's mostly just me pushing myself to him, nothing more. At kung bakit ba kasi wala na akong pake, tsaka siya gumaganyan." Depensa ko.
"So ang bottomline, salty ka kasi ginawa niya ngayon ang bagay inaasam mo noong may feelings ka pa sa kanya?"
"I'm not salty, okay? Just annoyed, there's a difference."
"Bakit ka muna annoyed?" She prodded.
"Basta annoyed ako, okay?" Sinabi ko na lang just to shut her off.
BINABASA MO ANG
Uncrush You
General FictionPaano kung ang crush mo for five years, bigla na lang nagsimulang magpapansin sa iyo matapos mong mapagdesisyonan na hindi mo na siya gusto? Aasa ka ba ulit o magmo-move on na?