Isang salita na nararamdaman,
Na laging nasa isip at puso.
Pero ito ay laging maskara,
Na laging tinatago ang lungkot.Hindi lahat ng oras ay masaya,
Bagkus ito ay kabaliktaran.
Palaging nakatago sa madilim na mundo,
Na tinatakpan ng liwanag na kay ganda.Kung sabihin mo man na ikaw ay laging masaya,
Puwes ikaw ay nagsisinungaling at di pinapakita,
Nagiging peke ang tunay na nararamdaman mo,
Sa mga taong nakapaligid sayo.Ngayon wag ng mahiya,
Wag nang matakot sa iyong nararamdaman.
Wag nang magsinungaling at maging totoo na,
Maging totoo sa iyong sarili at sa iba.
YOU ARE READING
Poetry of Reality
PoetryOur life is fragile, yet we enjoy things that makes us feel alive and free. Let your true feelings be free, just like every lines in the verses of freedom.