Chapter 10

104K 6.6K 1.7K
                                    

Chapter 10

Broken

"Seriously! La Rosa!"

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya sa akin. Kasalanan ba ang magutom? Kung sanay siyang mag-hunger strike, huwag niya akong isasali sa kalokohan niya. Kaya siguro sobrang yaman ni Samonteng lamig na 'to. Kuripot. Kahit pagkain tinitipid.

Nakayuko ako at hindi sinasalubong ang malamig niyang mga mata habang hinihintay pa ang anumang sasabihin niya sa akin.

"We are about to start the meeting and—"

"Boss, it's not good for your health. K-kanina pa po kayo hindi kumakain, it is part of my job to inform you that." I told him with my voice full of fake concern.

Kung gusto mo ikaw na lang ang magpakamatay sa gutom, ako na lang ang kakain.

"This is important, Miss La Rosa—"

"Your health is more important, boss." Eww

Nag-alinlangan pa akong tumingin sa kanya, nakakunot na ulit ang noo niya sa akin, kailan ba iyon tumuwid?

"Kahit ilang minuto lang, boss? We could still proceed to your meeting, and I'll inform them to wait for you. This is my first time as a secretary and I don't want to have a horrible start by allowing my boss to collapse because of hunger." Pwede rin naman, kasalanan ko ba iyon?

His eyes were assessing me, I tried to look very sincere and dedicated to my work until I heard him sigh.

"Very well. Inform them."

Tinalikuran na niya ako at nagsimula na siyang magtungo sa elevator. Yes!

I stuck my tongue out while trying to annoy Keaton Samonte's back. But when he suddenly turned around, I immediately returned my angel-like face secretary.

"Yes, boss?"

"What are you waiting for? Inform them!"

"Y-yes! Right away, boss!"

**

"W-what?!"

Lagi na lang highblood sa akin si Keaton Samonte, magsisimula na akong magdala ng pineapple juice para sa kanya. Catapres, metropol o kung anumang gamot sa highblood pressure.

"Yes. Isang oras na ang ibinigay nila sa atin."

"One hour!"

"Boss, kahit sila galing din daw po sa mga meeting. Everyone needs a pause." I exaggerated clasped my hands in front of my face and smiled at him warmly.

"So...let's eat muna, boss. Okay?"

"This is not a treat, Miss La Rosa. I'll deduct your meals to your salary." Napangiwi ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang aasahan ko mula sa kanya? Kuripot ang mga instik.

Nang dumating na ang pagkain namin, nawala na ang atensyon at inis ko kay Samonteng lamig. Tanging mga pagkain na lang ang nakikita ng mga mata ko. I rubbed my palms together as my eyes wandered around the foods on the table.

I couldn't even decide where to start. Gusto ko silang kaining lahat, sino ba naman ang hindi magugutom sa sunud-sunod na meeting habang may masungit na boss?

I didn't wait for Samonte's go signal, and I started to dig the foods. Wala na akong pakialam sa kanyang mga matang alam kong nakatitig na naman sa akin, ang mahalaga mabusog ako, lumakas at luminaw ang isip para sa meeting mamaya.

He'd definitely ask me details kahit alam na naman niya! Maghahanap lang ng dahilan para pagalitan ako.

Lahat ng pagkain na nasa lamesa ay tinikman ko at kung nagugustuhan ko iyon, hindi ko na iniisip kung maubusan ko na si Samonteng lamig, salary deduction, duh? Babayaran ko 'to.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon