Chapter 42

103K 6.5K 2.2K
                                    

Chapter 42

Maze

Leiden kept his hands on my ears as my tears pour on his shirt, but no matter how he tried to block the noise with Keaton and Autumn's name chanted by the crowd, it still penetrates deep and straight into my fragile heart.

Tatlong taon ko itong pinangalagaan at inakalang magagawang pakalmahin sa sandaling muli kaming magkita.

Akala ko ay ang una na naming pagkikita ang siyang magiging pinakamahirap na sitwasyon na mararanasan ko sa pagitan ni Keaton. But I didn't expect that I'd still experience this.

Hindi iilang beses na pinagselosan ko si Autumn noon. Napakarami ng rason para pagselosan siya, akala ko noon ay mawawala na rin ito at lilipas pero ang makitang magkasama sila ni Keaton ngayon, bigla akong nawalan ng gana.

Hindi ko alam kung saan na ako magsisimula o kung may dapat pa ba akong simulan? Babalikan ba talaga ako o nag-iilusyon lamang ako?

I weakly shook my head. "N-Naririnig ko pa rin, Leiden... naririnig ko pa rin..."

Bakit hindi ko naisip na narito si Keaton at isa siya sa gustong sumalubong sa pagbabalik ni Autum?

I don't know if he'd heard my voice. Dahil maging ako ay hindi ko alam kong malakas ba iyon o mahina. Gusto ko na lang tumakbo at lumayo sa lugar na iyon, pero natatakot ako na sa sandaling humiwalay ako sa dibdib ni Leiden at tanggalin niya ang mga kamay niya ay mas maglinaw sa akin ang mga salitang isinisigaw ng lahat.

Paglilinaw na wala na akong dapat asahan, na hindi na kami para sa isa't isa, hanggang nakaraan na lang kami at sila talaga ni Autumn ang para sa isa't isa.

"Tell me what to do, Ashanti... should I carry you? Itatakbo kita... tell me..." I firmly closed my eyes and tried to focus on Leiden.

Tinanggal ko iyong kamay ko sa kamay niya at kapwa iyon kumuyom. Marahan ko iyong ipinatong sa dibdib niya habang nanatiling nakasandal ang aking noo.

"T-Tell me how to move on. Tell me how to be like him... umasa lang yata ako, Leiden..."

This time, it was his chuckle that overwhelmed my ears. "How can I possibly tell you how? Kung ako ay hindi rin magawa iyon..."

I thought Leiden's voice, hands, and chest would protect me from another pain, but when the place got sputtered by a cold and colored liquid, I accidentally pulled back away from him.

My mind was screaming of escape, my heart was whispering of surrender, and my knees were trembling.

My mind was screaming of escape, my heart was whispering of surrender, and my knees were trembling as my eyes witnessed and hear their voices together while happily performing on stage with a famous seductive song.

When Autumn sat on his lap and tried to kiss him, one of my hands automatically went to Leiden's shirt. Mariin iyong hinila ng ilang daliri ko habang hindi ko maalis ang mga mata ko sa unahan.

"Umasa nga lang pala talaga ako..."

Nang pababa na ang mukha ni Autumn sa kanya, ramdam ko ang biglang paghawak sa akin ni Leiden na parang hihilahin niya akong muli, pero sa sandaling iyon iba ang humarang sa aking mga mata.

It was a tall cake.

Dahan-dahang sumilip sa akin ang lalaking may hawak nito at tipid siyang ngumiti sa akin. Pamilyar siya at sigurado akong nakita ko na siya noon, pero hindi ko matandaan kung saan.

"Sorry... hindi ko makita ang daan."

"I-It's okay..."

Tumango rin ang lalaki kay Leiden bago siya magpaalam at maglakad na ulit dala iyong mataas na cake.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon