Chapter 13

108K 6.2K 1.5K
                                    

Chapter 13

Cookies

I tried hard to suppress my laughter when I saw his epic reaction. Buong akala ko ay uminit lamang ang ulo niya nang dahil sa performance namin. But it seemed like the fortune cookie made an interesting twist.

"You heard what?" patay malisyang tanong niya sa akin.

Hindi niya ako maloloko. He was singing that song. Tinatamaan din naman pala ng last song syndrome ang mga intsik na katulad niya.

"Hmm..." I playfully prodded my lips and didn't give him the satisfaction.

Hinayaan ko muna siyang mas lalong mairita sa akin. I placed the black coffee on his table, hinalo ko pa ulit iyon sa harapan niya para hindi agada ko makalayo sa kanyang lamesa.

"Gusto mo pala iyon, boss? Well... the song is quite cute."

"What?" he continued with his pretention.

After placing his cup of coffee, I did something that would annoy him. I wasn't the best dancer during our performance yesterday, but I could say that I could perfect some of its dance steps, especially the hand movement (kahit iyon lang).

I placed both of my hands in front of my stomach, and made a twisting movement like I was trying to create a snow ball. Kung pamilyar ka sa anime na Naruto para akong nagawa ng rasengan or kung sa Dragon ball naman gumagawa ako ng hame-hame wave or whatever you call it. But to make it simpler, nagmamasa na lang ng tinapay.

"What the hell are you doing, La Rosa?!"

"Fortune cookie, boss."

"What the—niloloko mo ba talaga ako?" napatayo na siya at mas lumapit sa akin. Hindi na ako magugulat kung bigla niya akong sakalin.

I don't know why... but I think... I'm starting to love being his annoying secretary. Sa kanya na nanggaling noon na hinayaan niya akong magtrabaho rito dahil na rin sa sarili niyang interes. He wanted me near him to watch my actions, I wanted to stay here to change his mind and prove my point about his devilish business.

Bakit ko nga ba hahayaan ang sarili kong maging problemado lagi sa trabahong ito at sa mga plano ko kung may paraan naman pala ako para maging... well... masaya?

Asar talo pa naman pala itong si Samonteng lamig. While he's charming me with his frozen moves, I'll try mine, too.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagngisi ko. Tumigil ako sa pagmasa ng tinapay sa hangin at itinago ang dalawa kong kamay sa aking likuran.

"Boss, wala naman masama ma-LSS..."

Pansin ko na may ilang ugat na lumabas sa sentido ni Keaton Samonte. "I wasn't singing! I j-just want a... cookie. Right, contact a cookie factory. Arrange a meeting."

Naupo na siya at nagsimulang magbuklat ng folder. Nanatili akong nasa tabi niya habang kinukurot ang sarili para pigilan ang malakas na pagtawa.

Anong klaseng palusot pa ang maririnig ko sa'yo, Keaton Samonte? Of course, he wouldn't admit what I'd heard.

"A cookie factory, boss?"

"Yes, absolutely."

"Boss... we're fully load this week. And you don't need to go beyond that, kakalimutan ko na lang po ang narinig ko."

"I w-wasn't singing! Ilang beses ko ba iyon sasabihin? I was t-thinking of that p-project! Yes, a p-proposal." Nagkapili-pilipit na ang dila ni Keaton Samonte.

"Boss, I told you, it's fine. Nauutal ka na sa pagtang—"

"Hindi ako ni-uutal!"

Ilang segundong mas lalong natigilan si Samonteng lamig nang marinig niya ang sarili niyang dila na mas pumilipit sa pagtanggi sa akin.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon