Socks

Tahimik kong pinagmamasdan si ate habang nag susuot siya ng damit.

She's sexy and hot, I admit it.

"Hindi ka ba kikilos, tanya? Mag mamall tayo"

I sighed bago tumayo, "anong susuotin ko? Wala naman akong sexy'ng damit tapos wala pa kong dede." Bulong ko

Tahimik kong sinulyapan si ate na napaka sexy sa suot niya, buti pa siya..

Lumabas si ate ng kwarto bago ako nakapili ng damit. Isang dress na hanggang tuhod and floral ang design

Syempre di ako pakakabog kahit plat ako! Kailangan magkaroon ng himala.

Nilock ko yung pinto at agad kumuha ng bra ni ate "ang luwag naman nito"

Inadyas ko yung bra sa pinakamasikip para maging fit sakin, syempre mag kakaroon ng hangin yun pagitan ng bra at boobs ko kaya ang ginawa ko.. hmm..

Agad akong kumuha ng medyas saka ng tissue, ni-roll ko yung medyas tapos nilagay ko sa boobs ko para umangat, ginamit ko naman yung tissue pampantay

Nangmaglakad ako, medyo nahuhulog siya "hays, kumapit ka sa ngalan ng kalandian"

Sinuot ko na yung dress ko at tumingin sa salamin"gorgeous as always" and then I winks

Siraulo na ba ko?

"Ate tara na!" Gorang gora akong bumaba sa hagdan kasi syempre diba, may dede na ko.. medyas nga lang

"Let's go"

_

"So anong sikreto mo at nagkadede ka?" Bulong ni ate habang naglalakad kami sa mall

"Wag kang maingay! Medyas ginamit ko dito"

Tumigil si ate sa paglalakad saka ako tinignan ng nakakainsulto "what?"

"Grabe ka talia, ibang iba ka." Iiling iling niyang sagot

"Well?"

Naglakad kami sa buong mall hanggang sa may pumukaw ng attensyon ko, may lalaki kasing sinusudan kami kanina pa

"Ate may sumusunod satin" siniko ko si ate para makuha ang atensyon niya

"Oo nga, halika mag cr na muna tayo"

Agad naming tinungo ang cr pero nag pa-iwan ako sa labas, hanggang sa nakita ko na naman yung lalaking sumusunod sakin

Mukhang may lahi be, kailangan umayos ng tindig. Agad akong tumayo ng diretso at kunwaring walang pakielam sa kaniya

"Signora" pagsasalita niya sa ibang lengwahe na naka agaw ng attensyon ko

"Excuse me?" Wag papatalo talia.

"Midispiace for following you around " nag bow siya sakin na ikinagulat ko

"Nababaliw na ata to." Bulong ko "get up!"

Aish! Bat hindi kasi ako marunong mag english?

tumayo siya at tinitigan ako sa mata "what umm, what b-bring..." nasisira na utak ko, pakshet malutong "why are you following me?"

Ngumiti siya ng pagkatamis tamis "I just saw you and your ate walking around, signora"

"And then?"

"Something's happened" bumaba ang tingin niya sa dibdib ko

I smirked, malaki talaga to kasi may medyas!

"And I saw this one pair of footsock fell from your.. am, boobs?"

Agad nanlaki ang mata ko at mabilis na tinignan ang dede ko.

Tong ena hindi pantay! Yung isa naka umbok yung isa, lubog!

Hiyang hiya ko siyang tinignan  "it's okay, be thankful that you are gorgeous "

Speechless, how to talk to this handsome man na hindi pantay ang hinaharap mo?

"Here" inabot niya yung medyas na agad kong kinuha "ayowsin mo sa cr"

Halata ang pagka banyaga sa pananalita niya, nakakahiya!

"See you around, beautiful "

Nawala ang anino niya sa paningin ko hanggang sa napatingin ako sa boobs ko

"Bat ka tumakas sa boobs kong medyas ka?!"

-end-

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon