Scent
—May kanya kanyang attraction ang mga babae.
Nasa mga mata, ilong, labi, buhok, kamay o kahit saan ito.
Ako yung babaeng walang atraksiyon sa muka o kahit saang parte ng katawan ko.
Payat ako, maliit pa, may mga tigyawat, malaki ang mata lalo na kapag suot ko ang aking salamin na mataas ang grado, at ang ilong ko ay hindi kataasan, ang mga labi ko'y hindi manipis o maganda ang kurba.
Hindi ko alam kung saan ang atraksiyon ko sa sarili. I don't have any friends to be called, no one wants me to be their friends, even the losers lothed me.
Everytime I walk in the corriders, I always hear a bark of laughters. It's me, ginagawa nila akong katuwaan. Tinatawag sa bansag na aswang o kahit malnourish. I am white as paper, madaling mamula kaya mas lalong napagtatawanan.
Sunny afternoon, sa TLE subject namin pinapaluto kami ng iba't ibang desserts. According to my groupmates we will make a bagels, since they did not invite me to their meeting wala pa akong alam. Ang sabi daw ako ang magbebenta at di ko alam kung may bibili ba sa akin.
Kinakabahan ako ng todo, natapos na nilang ibake ang bagels at ready to sell na ito.
Agad akong tumakbo sa classroom at nag-ayos, para kahit papaano ay presentable ako tignan kahit na di ako maganda. Nakita ko ang perfume na binigay sa akin nung babae sa isang perfume shop.
Di ko pa ito ginagamit dahil di pa naman ubos ang Victoria Secret na perfume ko, di ko parin ito naamoy. Kinuha ko iyon sa bag ko at binuksan ang packaging. Nag spray ako sa wrist ko at inamoy ito.
I was amaze by the scent, amoy vanilla ito. Hindi masakit sa ilong, hindi rin masakit sa ulo. Hindi unpleasant amoyin, literally amazing!
"Hoy, Kristin! Mag bebenta ka na ng bagel ano pa ang ginagawa mo riyan? Pabuhat ka masyado ha!" Bulyaw sa akin ng kasamahan ko, di ko alam na sinundo niya ako rito.
"Ah oo, susunod na ako." Simple kong sagot sa kanya.
"Bilisan mo na!"
Dali dali kong inispray ang perfume sa magkabilang leeg ko at maging sa damit at sa kamay. Tama na iyon, matagal din ang bisa ng pabango kahit hindi oil based.
Dali dali akong tumakbo papunta sa pwesto namin.
"Ano ba iyong mabango?" Tanong ng leader namin. Nanahimik lang ako at napangiti ng palahim. Gusto nila ang amoy ko! Gusto nila!
"Eto na aswang, ibenta mo yan at kapag yan 'di mo naibenta papaligo ko sa iyo ang isang kilong harina na may itlog." Pananakot sa akin ni Ysa.
Tumango ako at ngumiti saka nag simula ng mag benta.
Nag simula ako sa building ng grade school.
"Bagel gusto niyo? Mura lang ito!" Masigla kong bati sa tatlong bata, may isang lumapit sa akin at yung dalawa niyang kasama tumatawa, alam ko na ako ang pinagtatawanan nila.
"Ate magkano po?" Tanong niya habang nakangiti. Ang bait niya nakakatuwa.
"Limang piso na lang para sa batang maganda!" Ngiti kong saad sa kanya, tumawa naman ng mahina ang bata.
Nag lahad siya sa akin ng limang piso at binigyan ko naman siya ng isa. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Ate ang bango mo po!" Sabi niya saka umagik-ik ng tawa. Napangiti ako, may tao rin palang nagugustuhan ako kahit na pangit ako.
Kumawala siya sa yakap at agad na may tinignan sa likod ko, ngumiti ng kay lapad ang batang babae saka lumapit roon. Humarap ako sa kanila, nakaakay na ang batang babae sa isang senior high na estudyanteng lalake.
"Bagel po?" Nahihiya kong tanong, malay mo bumili sya.
"Pabili ng lima." Maiksi niyang sabi.
Nilahad ko sa kanya ang limang bagel at saka niya binigay sa akin ang bayad.
"Ang bango mo miss," nakangiti niya sabi sa akin. Agad itong pinamulahaan ng pisngi ko shit! Natawa siya ng kaunti siguro dahil sa pamumula ko? Yumuko na lang ako.
"Scent makes you beautiful." He said before he walks away with his little sister na kinukulit na siya.
Scent makes me beautiful even if I am ugly?