Mga sulat na binasura
—Sabi nila kung magmamahal ka ng isang tao wag mong ibuhos lahat lahat para kung sakaling iwan ka di ka gaano masaktan. Inshort mag tira ka para sa sarili mo.
Natawa ako sa sabi sabing iyan, kahit pa na hindi mo ibigay lahat pag mahal mo yung tao at iniwan ka masakit talaga!
Tinitigan ko ang mga tulang isinulat ko para sa kanya. Lahat ng tulay ay nakalagay sa isang maliit na sobre.
Walang kami.
Walang namamagitan kahit pagkakaibigan.
Walang wala, alam niyo yung magkakilala lang kayong dalawa pero di nagpapansinan pero ako kilala ko siya at may nararamdaman ako. Matagal na, manhid kasi siya kaya di niya nakikita.
"Bes, ano na naman yan? Sulat para kay Jerome? Sa tingin mo babasahin niya yan?" Pag iintriga ng kaibigan ko sa akin, kahit kailan talaga puro lang maktol alam niya wala kasing pumapatol kaya ayan.
"Ano kaba bes oo naman gaga to nakikita ko siya minsan bitbit ang mga sobre na binibigay ko." Sabi ko sa kanya saka tumayo at lumabas ng room.
Naglakad ako papunta sa mga locker, sinunadan ako ng kaibigan ko. Akala ko ba bitter to bat sumunod? Tsk.
Walang tao roon kaya hindi mahirap ang pag lagay ng mga sobre sa locker nya.
Pinuntahan ko kung saan nakapwesto ang locker nya, hinulog ko ang sobre na naglalaman ng tula sa maliit na siwang sa kanyang locker.
Ngumiti ako saka naglakad na paalis.
I was about to go to cafeteria when Gwen grab the sling of my bag. Napahinto ako saka tinignan sya ng masama, ano na naman bang problema neto.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
May tinuro siya sa may locker, napa-irap ako saka tinignan ang tinuro niya. Sa pagtingin ko nakita ko si Jerome na kinukuha ang sobre na nilagay ko doon. Napangiti ako ng matamis dahil natanggap nya ito at mukang babasahin na pero agad nawala ang ngiti ko ng tinupi niya ito saka naglakad.
Inalagaan ko yun para hindi makunot tapos tinupi lang?! Sa inis ko sinundan ko siya.
Nakalabas kami ng building, lumapit siya sa pinakamalapit na basurahan. Tinapon niya ang sobre kung saan nakalagay ang mga tulang sinulat ko na puno ng hirap at pagmamahal. May kinuha pa siya sa bag niya, mga letra na isinulat at ibinigay ko sa kanya noong mga nakaraang araw, tinapon niya rin.
Binasura niya ang mga sulat at tulang pinaghirapan ko!
Napaiyak ako, pinaghirapan ko iyon di man lang niya naappreciate?! Inisip kong mabuti iyon, inisip ko ang mga salitang ginamit ko. Puno ng saya at pagmamahal ang sulat na iyon na para lang sa kanya pero hindi niya manlang sinilip? Hindi man lang niya tinignan o binasa!?
Okay lang na itapon niya pero sana binasa nya muna! Sana pinahalagahan niya muna kahit konti lang!
"Sabi na sayo Enna eh! Napakatigas kasi ng ulo mo!" Bulyaw ng kaibigan ko.
Pinunasan ko ang luha ko.
Hinding hindi na ako muling magsusulat ng letra at tula sa mga taong hindi naman kaya ito pahalagahan. Naubos ang tinta ng aking panulat para sa kanya. Magsusulat na lang ako para sa mga taong kaya itong pahalagahan gaya ng pagpapahalaga ko sa bawat salitang nabubuo.
"Tayo na Gwen."
—