You Decorated My Life
"Dane ngiti ka naman jan" sabi sakin ni Marcus habang nakangiti
"Tsk!" Sabi ko sabay irap sa kanya
"Let's go may pupuntahan tayo" sabi niya sabay hawak sa kamay ko at yung isang kamay niya hawak yung gitara niya
"Bakit dito mo ko dinala?" Tanong ko sa kaniya ng makarating kami sa isang magandang lugar na meron napakadaming puno at bulaklak
"Kasi nung unang beses kitang nakita nandun ka sa likod ng senior high building lagi kitang pinapanood nun, lagi kang mag isa e marami naman kumakausap sayo sadyang ikaw lang yung walang pakialam, bakit ka nga ba laging mag isa?" Tanong niya sakin, alam ko naman na lagi siyang nandun lagi ko siyang nakikita e!
"Ayokong mapalapit sa Kahit sino, kasi iiwan lang din nila ako kapag naging komportable na ako sa kanila at ng lumalapit ka sakin kasi iiwan mo din ako" sabi ko habang nakatingin sa kawalan
"Sino ba may sabi na iiwan Kita? Sana noon ko yun ginawa nuh? Pangako di kita iiwan" nakangiting sabi niya, 2months niya na akong ginugulo at Panay ang buntot sakin kahit di ko siya kinakausap ng maayos.
"Kantahan nalang kita" at nagsimula na nga siyang kumanta
Makalipas ang ilang buwan naging mas komportable ako sa kanya at nanligaw siya di nagtagal sinagot ko siya..
"Happy 1st anniversary Dane" sabi niya sabay yakap sakin kakatapos niya lang kumanta ng "perfect love"
"Happy 1st anniversary din Marcus, thank you kasi dumating ka sa buhay ko at binigyan mo ng kulay ang aking mundo, alam kung mahirap akong pakisamahan nung una kasi wala akong pakialam sa Kahit sino pero ikaw yung andiyan para sakin, thank you much Marcus and I love you" sabi ko habang umiiyak na sobrang saya
"I love you too baby mas masaya ako kasi nakilala kita at tanggap kita kahit ganun pa yung ugali mo, mahal na mahal kita yan ang lagi mong tatandaan" sabi at hinalikan ako sa labi at niyakap niya ulit ng sobrang higpit..