First Love

“Maalaga si mama tapos malalahanin pa,” k'wento ni Abegail tungkol sa kanyang mama na nakaratay ngayon sa hospital.

Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho habang tinatahak namin ang daan papuntang San Juanico Private Hospital kung saan naka-confine ang kanyang ina.

Ito ang unang beses na makakaharap ko ang kanyang ina. Kabado at hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon.

Nang makarating kami ay agad na bumadha ang kaba sa'king dibdib. Pumasok na kami sa loob ng elevator at napunta ang pagkukwento ni Abegail sa 'first love' ng kanyang mama.

“So, gan'to kasi 'yon. Mahal na mahal talaga ni mama yung lalaki ang kaso nga lang ay namatay ito gawa ng tama ng bala sa ulo. Tapos ngayon pa 'yung death anniversary no'n, at ka-birthday mo pa—”

Ting!

Tumunog na ang elevator senyales ng pagbukas nito at hindi na natuloy pa ang kanyang kwento.

Nanuot sa'king ilong ang amoy ng loob ng hospital pagtungtong palang namin ng pasilyo.

Maraming tao ang nakakasalubong namin sa daan. At tila nagmamadaling may puntahan.

Lumiko pa kami sa kanan at ang ikalawang pinto ang aming pinasukan.

Bumungad ang nakaratay na  babaeng nakahiga sa puting kama at maraming aparato ang nakakabit sa kanyang katawan. Hindi ko maialis ang tingin sa kanya.

“Ma?” tawag ni Abegail.

Marahang ibinukas nito ang kanyang  mapungay na mata at kaunting ngiti ang isinukli sa kanyang anak.

“Kasama ko po ngayon si Theo,” lumipat ang kanyang tingin sa akin.

Malungkot na ngiti ang iginawad niya sa'kin.

Lumapit ako sa kanyang kinahihigaan para sana mag-mano.

“N-nag...balik k-ka...”

Mahina niyang tinig.

Bago ko pa ibuka ang aking bibig ay natulala nalang ako sa bilis ng pangyayari. Nagkagulo sa loob ng silid at isang kataga lang ang aking narinig matapos iyon.

“Ashley Gonzales, time of death 9:00 am,” tumigil muna ito saglit at malungkot kaming tinignan, “I'm sorry for your loss.”

-

“Ashley...” mahina kong bulong habang tinitignan ang pangalang nakaukit sa  puting lapida.

Dalawang linggo matapos siyang mailibing ay hindi na'ko makatulog dahil sa mga bumabagabag sa'kin.

Kumirot ang aking dibdib ng sa wakas ay mapagdugsong-dugsong ko ang nangyari.

Hindi lang coincidence ang nangyari. Dahil sadyang nakatakda ito.

“Hihintayin kita..” boses ng isang babae sa"king isip.

Tama nga s'ya. Inintay niya ako bago s'ya mamatay.

From 1982 to 2020 she waited for me.

Because I'm her first love.

Reincarnated again.

To be the first love of her daughter.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon