Chapter 1: Dumakalem

20 1 0
                                    

Sa gitna ng isang bulubundukin sa Luzon sa bansang Pilipinas ay may isang baryo na nakatago sa pagitan ng dalawang rumaragasang ilog at naglalakihang puno, na ang tanging daanan papasok ay isang madilim at nakakalitong kweba.

Ayon sa alamat si Dumakalem ang nagtago ng baryong ito at siya din ang gumawa ng gubat at mga bundok sa lugar, itinuturing sya ng mga tiga baryo na isang diyos at dahil sa paniniwala na siya ang gumawa sa lugar ipinangalan nila ito sakanya. Nagtayo sila ng rebulto ni Dumakalem sa gitna ng baryo at araw-araw ay inaalayan nila ito ng mga prutas at bulaklak bulang pasasalamat sa pagprotekta sakanila at upang bigyan din sila ng magagandang ani dahil siya ang gumawa sa gubat.

Ngunit may isang pamilya na nakatira sa baryo ang naiiba, hindi sila sumasali sa pagaalay kay Dumakalem, ito ang pamilya ni Greg. Mga dayo lamang ang pamilya ni Greg sa lugar, hindi basta-basta tumatangap ng mga dayo ang mga tao sa baryo ngunit tinangap sila sa kadahilanan na sila ang tumatayong doctor sa lugar. Kasama ni Greg ang kanyang asawa sa pangagamot na si Vangie at ang anak nilang si Yulo na pitong taong gulang. Hindi sila sumasali sa pagaalay sa rebulto dahil hindi sila naniniwala kay Dumakalem, may iba silang paniniwala kung bakit nananatiling ligtas ang baryo. At dahil hindi sila naniniwala kay dumakalem karamihan ng mga tiga baryo ay ayaw sakanila at nilalapitan lamang sila dahil sila ang doctor sa lugar.

Halos lahat ng tao sa lugar ay ayaw sa pamilya nila Greg, pero may isang pamilya na malapit sakanila iyon ang pamilya ni Rodelio. May isang anak si Rodelio na si Felipe 10 taong gulang, pumanaw na ang may bahay ni Rodelio dahil sa isang aksidente.

Madalas na kalaro ni Yulo si Felipe dahil hindi siya pinapansin ng ibang bata, dahil ayaw ng mga magulang ng mga ito na nakikisalamuha sila sa pamilya ni Yulo.

Isang araw habang naglalaro sila Yulo ay nagpunta sila ni Felipe sa "Kamay Bangin", tinawag itong Kamay Bangin dahil naghuhugis kamay ang bangin na ito, nasa isang bundok ito na pumapaligid sa Dumakalem, ngunit kailangan nilang lumabas ng kweba upang makarating dito. Madalas na nagpupunta sila Yulo sa lagar na ito dahil tahimik at hindi sila guguluhin ng ibang bata. Sa lugar din na to tinuturuan ni Yulo si Felipe magbasa, karamihan ng mga tao sa Dumakalem ay hindi marunong magbasa at magsulat dahil buong buhay nila ay nakatago sila baryo. Ang pamilya ni Yulo lamang ang kayang magbasa at magsulat dahil dayo lamang sila sa lugar, mga misyonaryo ang magulang ni Yulo bago sila maging doktor sa dumakalem. Sa ngayon ay marunong nadin magbasa at magsulat si Rodelio dahil sa pagtuturo ni Greg at si Yulo naman ang nagtuturo kay Felipe.

Ngunit ngayong araw ay may sumambulat kila Yulo sa pagdating nila sa Kamay Bangin, may nakita silang sirang eroplano na bumagsak sa lugar. Nilapitan nila ito at may natagpuan silang dalawang lalaki na duguan at walang malay sa loob, pinagtulungan nilang ilabas ang dalawang lalaki sa eroplano. Napansin ni Felipe na ang isang lalaki ay nakagapos sa kamay at paa, inisip niya na baka delikado ang lalaking iyon kaya inilagay muna nila ang lalaki malapit sa mga lilim ng puno malayo sa isa pang lalaki. Pero maya maya pa ay gumising na ang isa lalaki, nagsisigaw ito ng mga salitang hindi nila maintindihan at bumunot ito ng baril at binaril si Yulo. Namahigsa si Yulo at nahulog siya sa bangin, sa takot ni Felipe nagtatakbo ito pabalik ng baryo. Habang tumatakbo siya papasok ng kweba ay nakasalubong niya ang kanyang tatay at si Greg na hinahanap sila.

"oh Felipe, saan ba kayo nagsusuot ni Yulo at pawis na pawis ka?" sabi ni Rodelio.

"Si Yulo nalaglag sa bangin..." takot na takot na sagot ni Felipe at kwinento nito ang nangyari.

Pero hindi pa natatapos si Felipe magsalita ay dali-daling nang tumakbo si Greg papunta sa Kamay Bangin habang inutusan ni Rodelio si Felipe na sabihin sa Kapitan ng barangay ang nangyari, tumakbo nadin si Rodelio papunta sa Kamay Bangin.

Pagdating nila Greg sa lugar ay wala na duon ang dalawang lalaki, sinilip niya ngayon ang bangin ngunit hindi niya makita si Yulo sa baba nito. Hindi nagtagal at dumating nadin si Rodelio at habang pababa sila sa bangin ay sinabi ni Rodelio ang buong kwento ni Felipe. Pagbaba nila sa bangin wala doon si Yulo napansin din ni Greg na wala din kahit anong bakas ng dugo sa lugar. Ngunit may nakita silang bakas ng paa at inisip nilang si Yulo ito, kaya sinundan nila ito.

Maya maya pa ay nakita nila na ang bakas ng paa ay galing sa lalaki na may dalang baril, buhat buhat nya si Yulo na walang malay. Tumakbo si Greg papunta sa lalaki naiwan nya si Rodelio, pero naramdaman ito ng lalaki at paglingon sakanya ay binaril sya nito sa ulo. Nagising si Yulo sa tunog at nagpumiglas, nailaglag siya ng lalaki. Pagbangon niya ay binaril din sya ng lalaki, ngunit tumalbog lamang ang bala kay Yulo, tila tumama ang bala sa isang matigas na bagay. Nagulat ang lalaki at pinagbabaril si Yulo at tumalbog ang isang bala sa leeg niya, bumagsak ang lalaki at hindi nagtagal namatay ito. Dahil sa nangyari napaiyak si Yulo, hindi niya maintindihan ang mga nangyari, tumakbo papunta sakanya si Rodelio at niyakap siya. Tinignan ni Rodelio kung may sugat si Yulo, ngunit ala siyang makita.

"---Yu----Yul---Yulo-" sabi ni Greg habang bumabangon.

Nanlambot ang binti ni Rodelio sa nakikita nya, bumabangon si Greg na duguan ang mukha, unti-unting lumalabas ang bala sa noo ni Greg at humilom ang sugat nito.

"Greg anong nangyayari?" balisang tanong ni Rodelio.

"Rodelio, wag kang matakot may kailangan kang malaman" sagot ni Greg.

Hindi kalayuan ay pinagmamasdan sila ng lalaking kanina ay nakagapos, na mukhang balisang balisa sa nakita nya at naghahandang atakihin sila.

KalemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon