"Tay, anong nangyayari?" umiiyak na tanong ni Yulo sa kanyang ama.
"Anak, hindi tayo kagaya ng mga normal na tao. May kakaiba kaming abilidad ng Nanay mo at mukhang nakuha mo din iyon. Pero kailangan muna nating makabalik sa dumakalem dahil delikado sa lugar na to" sagot ni Greg habang niyayakap ang kanyang anak.
Nilapitan ni Greg si Rodelio na nakaupo sa sahig dahil sa mga nakita niya.
"Makinig ka sakin Rodelio kailangan na nating umalis dito" sabi ni Greg kay Rodelio. Tumayo si Rodelio ngunit bakas padin sa mukha nito ang pagkabalisa.
Tumatakbo sila Greg, Yulo at Rodelio pabalik sa gubat. At pagdating nila sa tarangkahan ng kweba ay nakasalubong nila ang Kapitan ng dumakalem na si Kap Igme kasama si Vangie.
Niyakap ni Vangie si Greg at Yulo, at kwinento ni Greg ang nangyari sakanila.
Inuwi muna ni Rodelio si Yulo ngunit sila Greg, Vangie at Kap Igme ay pinuntahan ang namatay na lalaki.
Pagdating ni Greg, Vangie at Kap Igme sa lugar ay inimbistigahan ni Kap ang katawan ng lalaki. Napansin niya na isa itong sundalo at ang bandila nito sa kanyang uniporme ay sa bansang Hapon.
"Greg naalala mo ang balitang kumakalat sa karatig bayan noong namili tayo ng sangkap para sa gamot?" tanong ni Kap Igme.
"Oo, tungkol sa mga mananakop sa kapital. Pero ang huling balita na natangap ko ay malapit na tayong manalo" sagot ni Greg
"Manalo?!"sigaw ng lalaki na nagmamasid sakanila. Dahan dahan lumabas ang lalaki sa pinagtataguan nya.
"Nagsisimula pa lamang ang totoong laban, at dahil sa mga kagaya mo ay mukhang malabo pang manalo ang bansa natin" galit na tinuturo ng lalaki si Greg.
"Nakita ko ang kaya nyong gawin ng anak mo, hindi ako makakapayag na gawin ka nilang armas laban samin" patuloy na sinabi ng lalaki, habang naglalabas ito ng itak sa kanyang likuran.
Tumakbo siya ng matulin patungo kay Greg, tumalon ang lalaki at inihanda na nitong saksakin si Greg.
Natigilan ang lalaki.
"Hindi mo yan dapat gawin" sabi ni Vangie sa lalaki, habang hawak niya ang braso ng lalaki
Nagulat ang lalaki "a-ang lak-lakas mo"
*baaaag!
Hinampas ni Vangie ang lalaki sa batok at nawalan ito ng malay
Nilapitan ni Kap Igme ang lalaki at sinabing "Itali natin siya at dalin natin sya sa baryo"
*booooom!
Sumabog ang bumagsak na eroplano na sinakyan ng dalawang lalaki.
"May malaki tayong problema" Itinuturo ni Greg ang maitim na usok na mula sa eroplano.
Isunugod na nila Kap Igme at Vangie ang lalaki sa baryo habang si Greg naman ay aapulahin ang apoy.
Pinuntahan ni Greg ang nasusunog na eroplano at gumamit siya ng mga buhangin at lupa upang apulahin ang apoy. Matapos niya itong gawin ay nagdisisyon na siyang umuwi at magpatulong kay Rodelio sa pagtatago ng sirang eroplano.
Ngunit
*swoosh!
May malaking hugis ibon ang tumulak kay Greg.
Nadapa si Greg, at habang papatayo siya ay kinalawit siya ng matatalim na kuko ng tila ibon. Tinangay nito si Greg pataas.
Inililipad na nya si Greg ngayon papalayo, ngunit nagpumiglas si Greg at nalaglag sa mga kawayan.
Natusok si Greg sa tiyan at binti ng mga kawayan habang nakasabit dito.
Dumapo ang tila ibon sa isa sa mga kawayan malapit kay Greg, at biglang nagsalita.
"Greg" nakatawang sinabi nito
Tinitignan niya mabuti ito dahil nagulat sya na kilala siya nito. At napansin nya na hindi ito basta basta ibon, isa itong tao na may katawang bakal na kagaya ng sa mga agila. Meron itong mga bakal na pakpak, matatalim na kuko sa kamay na gawa din sa bakal at ang paa nito ay kagaya ng paa at kuko ng agila at gawa din sa bakal, ang mukha nito ay mukha ng isang tao at may sobrang laking bibig.
Kamukha ito ng kanyang kaibigan dati na si
"Lito?!ikaw ba yan?" nalilitong tanong ni Greg.
BINABASA MO ANG
Kalem
AdventureThis is a story about a kid and his family with special abilities, hidden on a secluded village in the middle of a forest in Philippines. A story of Faith, Family, Friendship and Acceptance. (Take note that the story written in Tagalog/Filipino, I w...