Chapter 6: Nityo

2 0 0
                                    

Dinala ni Vangie si Yulo at Felipe sa plaza sa dumakalem upang malibang sila. Ngunit may nakita si Yulo, nakita niya na pinagtutulungan buhatin ng limang bata ang isang parte ng paa ni Impel kaya nilapitan niya ito at sinabing.

"Saan ninyo nakuha ang bagay na yan at saan ninyo yan dadalin? "

"Wala kang pakialam, lumayo ka nga samin baliw! " sagot ng isang bata na nagngangalang Rodan.

Lumayo si Yulo, ngunit sinundan padin niya sila. Pumunta ang mga bata sa likod ng bayan at pumasok sa isang maliit na kweba. At sa loob nito ay mga nityo, libingan ito ng mga pumanaw sa bayan, sa gitna ay rebulto ni Dumakalem na may balabal. Balabal na ginamit mismo ni Dumakalem noong nabubuhay pa ito ayon sa alamat.

Pumunta sa dulo ng kweba ang grupo ni Rodan at unti unti nilang itinulak ang isang kwadradong bato at may bumukas na maliit na pinto. Pumasok sila at ipinatong nila ang paa sa isang lamesa.

" Narinig ko sa tatay ko habang naguusap sila nila Kap Igme na sumugod ang halimaw na to at maaring meron pang iba. At tignan nyo gawa ito sa bakal, at ang meron lang tayo ay mga kawayan " sabi ni Rodan.

Kumuha ng malaking bato ang isang bata at pinukpok ito sa paa ni Impel.

" Anong ginagawa mo Mosra?  " tanong ni Rodan

biglang gumalaw ang paa ni Impel, nangisay ito at biglang tumalon sa isang parte ng kweba. hinuhukay nito ang pader kaya pinigilan ito nila Rodan, ngunit hindi nila ito kaya.

Lumabas si Yulo sa kanyang pinagtataguan at tumulong kila Rodan, hinawakan nya ito ng sobrang higpit ngaunit hindi padin ito tumitigil sa paghukay. Palubog ng paglubog na sa pader ang paa ni Impel, hangang may maliit na liwang. Nabutas na nito ang pader at bigla nalamang itong huminto.

Hinugot ni Yulo ang paa at sinira ito.

"Salamat, pero kailangan natin takpan ang butas na yan. " mungkahi ni Rodan

Kaya nagtulong tulong silang takpan ang butas, at pagkalipas lamang ng ilang minuto ay natakpan na nila ito.


-tap tap tap-

May narinig silang humuhukay sa kabilang parte ng kweba.

-TAP TAP TAP-

palakas ito ng palakas

-tap-

bigla itong huminto

-CRASH-

Nagiba ang pader ng kweba at may lumabas na isang nilalang, kagaya ni Impel ang ulo nito ay tao ngunit ang katawan nito ay bakal, may malalaking sibat ito sa kamay at gayon din sa mga paa.

-swift-

bigla itong nawala.

At biglang sumulpot sa likod nila

"Impel? " sabi ng nilalang habang hawak ang paa ni Impel.

-swift-

bigla nanaman itong nawala

-swift-

Sumulpot ito na nakatusok ang mga kamay nito na parang sibat sa tiyan ng isang kasamahan ni Rodan.

" TAKBO! " sigaw ni Yulo

nagtakbuhan sila Rodan sa pader na nasira ng nilalang. Habang si Yulo naman ay itinulak ang nilalang upang mabitwan nito ang bata. Binuhat niya ang bata at tumakbo sila palabas.

" Rodan, takbo at tawagin nyo sila tatay " sabi ni Yulo habang inaabot kila Rodan ang kasamahan nila.

Tumakbo si Yulo ulit papasok ng kweba, at nakita niyang nabuksan na ng nilalang ang sikretong pintuan papunta sa simenteryo. Hinabol niya ito at nahawakan nya sa likod.

Umikot ito at tinamaan si Yulo sa ulo at namahigsa siya sa istatwa ni Dumakalem. Nasira niya ito at tumalukbong sakanya ang balabal ni Dumakalem, pagtayo niya ay naisuot niya ito. Tumalon si Yulo papunta sa nilalang at nahawakan niya ito at itinapon niya ito palabas ng kweba.

Tumakbo si Yulo palabas upang atakihin pa ang nilalang

Ngunit paglabas nya ay nakita nya na nakadapa sila Rodan na may nakatutok na baril sakanila. Nakita siya ni Rodan at sinabing

" DUMAKALEM! "

Dahil suot ni Yulo ang balabal ni dumakalem.

Nagsalita ang nilalang at sinabing " Barilin sya! "

Pinaulanan ng mahigit 20 sundalo si Yulo.

Ngunit tumatalbog lamang ang mga bala sakanya, natakot ang mga sundalo at nagsitakbuhan palayo.

-swift-

naglaho nanaman ang nilalang

-swift-

Bigka itong lumabas sa harap ni Yulo at sinaksak siya sa dibdib, ngunit hindi ito bumaon at nasira ang kaliwang kamay ng nilalang.

Sinuntok ni Yulo ang nilalang sa dibdib at nabutas ito at bumagsak.

Pinatayo ni Yulo sila Rodan at tumakbo na sila pabalik ng dumakalem.


habang nagkakandarapang tumatakbo ang mga sundalo nakasalubong nila si General.

" Saan kayo pupunta?  " Tanong ng General.

"Kalem! Kalem! " sigaw ng isang sundalo.


KalemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon