Chapter 4: Tinola

4 0 0
                                    

Pinuntahan ni Yulo at Rodelio si Greg, at inabutan nilang nakababa na si Greg ngunit nanghihina pa ito dahil sa mga nawalang dugo sakanya. Hinintay muna nilang maghilom ang mga sugat ni Greg at bumalik na sila sa dumakalem ngunit dinaanan muna nila ang pugot na ulo ni Impel at sinilid sa isang sako at ang katawan nito ay pinaanod nila sa ilog. Binalikan din nila ang bangkay ng sundalong hapon na namatay at inilibing nila ito.

Nagtipon tipon sila sa bahay ni Kap Igme upang maghapunan at pagusapan ang mga nangyari. Dinala ni Vangie ang niluto niyang tinola upang paghati-hatian nila. Nagdisisyon din sila na pakawalan na si Tinio, at isinabay nila ito sa hapunan.

Habang naghahanda ng mga plato, tinanong ni Rodelio si Kap Igme. "Kap napansin ko kanina na hindi ka nagulat sa mga nakita natin kanina?"

"Matagal ko nang alam ang mga kakayahan nila Greg, ako ang nagtulak sakanila na tumayong doktor kapalit ng nauna upang tangapin sila ng mga tao" sagot ni Kap Igme.

"Paano nyo nalaman ang kakayahan nila? at bakit nga ba kinailangan umalis ni Doctor Niho" tanong ni Rodelio.

"Mahabang kwento, kumain na muna tayo." sagot ni Kap Igme.

Umupo na silang lahat sa hapag kainan at tumayo si Greg upang ipagdasal at pasalamatan ang Diyos para sa pagkain at kaligtasan nila.

Pagkatapos nilang kumain at linisin ang lamesa ay nagusap sila Kap Igme, Greg, Rodelio at Tinio, habang naglaro muna si Yulo at Felipe kasama si Vangie.

"Hindi ako makapaniwala na nagawang talunin ni Yulo ang halimaw na umubos samin" sabi ni Tinio.

"Hindi siya halimaw" sagot ni Greg at inilabas nya ang pugot na ulo ni Impel. "Kilala ko ang taong ito, kasama ko sya sa pagmimissionaryo 8 taon na ang nakakalipas. Pero nagkahiwalay hiwalay kami dahil sa naging insidente sa isang bayan na napuntahan namin,  yun din ang dahilan kung bakit kami napadpad sa dumakalem"

"Anong insedente yoon?" tanong ni Tinio.

Kwinento ni Greg ang nangyari 8 taon na ang nakakalipas. "Habang naglalakbay kami papunta sa isang bayan ay may nadaanan kaming isang maliit na baryo, napagdisisyonan namin ng aking asawa at dalawa pa naming kasama na magpahinga muna sa lugar na iyon ngunit ala kaming makitang tao sa lugar. Bukas ang mga pinto ng bahay at mga tindahan ngunit alang tao, habang naglakad lakad kami ay may naamoy kaming nakakasulasok. Napansin naming may isang bahay na nakasara kaya kinatok namin ito, at nalaman namin na doon nanggagaling ang amoy. Kaya dali dali namin binuksan ang pinto at natagpuan namin doon ang mga tao sa baryo. Hati hati ang kanilang mga katawan, merong iba na nakatahi ang mga parte ng katawan nila sa ibang katawan. Ngunit lahat sila ay buhay pa, maririnig mo ang hirap nila sa paghinga. Napatakbo kami sa takot, at sa paglabas namin ng bayan ay may nakasalubong kaming lalaki. Nakabihis ito ng pangdoktor at pinigilan kami sa pagtakbo at sinabi niyang" natigilan si Greg at nanginig sa takot.

"Ang ganda nila diba?"

Hininto na ni Greg ang pagkwekwento niya at sinabi ni Tinio na kailangan niyang magreport sa kanyang mga kasamahan tungkol sa nangyari at kung maari ay sabihin ni Greg kung saan ang lugar ng baryo sa kwento niya upang maimbestigahan nila ang lugar, upang mahanap ang lalaki na gumawa nito sa kanyang kaibigan.

At sa gitna ng gabing iyon ay umalis na si Tinio sa dumakalem ngunit napagkasunduan nilang huwag ipaalam ang dumakalem sa kahit kanino.

KalemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon