Kinaumagahan matapos ang pangyayari sa dumakalem.
Pinatawag ni Kapitan Igme ang mga kinatawan ng bawat pamilya at sinabi sakanila ang tungkol sa bumagsak na eroplano sa kamay-bangin, ngunit itinago niya ang impormasyon tungkol sa pamilya ni Yulo. Labis na nag-alala ang mga tao at nagdisisyon silang magsalitan sa pagpapatrolya sa gubat. At pagkatapos ay kinausap naman ni Igme sila Greg at Rodelio at sinabing kailangan na nilang magimbak ng mga gamot, kaya nagmadali silang ipunin lahat ng mga hayop, prutas at gulay na maari nilang pangbayad para sa gamot na makukuha nila sa mga bayan sa baba ng bundok.
At ilang oras lamang ang nakalipas ay umalis na sila Greg at Rodelio. Habang naiwan naman si Yulo at Felipe kasama si Vangie. Habang tinitipon ni Kapitan Igme ang mga magpapatrolya sa gubat.
Makalipas pa ang ilang oras ay nakarating na sila Greg sa bayan, ngunit wala silang matanaw na ibang tao, sira sira din ang mga bahay at tindahan sa paligid.
Nag alala si Greg at sinabi nya "Pumunta na tayo sa kabilang bayan, hindi maganda ang kutob ko sa lugar na to! ",
At hindi din nagtagal ay nakarating na sila sa kabing bayan. Ngunit kagaya ng nakaraan na bayan padin ang sitwasyon sa pinuntahan nila. Dahil doon ay nanguha na lamang sila ng mga gamot na makita nila sa mga tindahan at botika, iniwan na nila ang mga bitbit nilang gulay at prutas at nagmadali na silang bumalik sa dumakalem.
Pagdating nila sa paanan ng gubat ay may natanaw silang lalaki na nakatayo. Nakasuot ito ng puting uniporme na may bandila ng bansang hapon sa likod, may dala din itong ispada at putol ang kanang kamay nito.
Nilapitan sila ng lalaki at tinanong sila "Kabisado nyo ba ang gubat na to? ".
Naglabas ang lalaki ng isang larawan. At ang laman nito ay si Impel. "Hinahanap ko sya ".
Nagulat sila Greg at sumagot na lamang si Greg na "Anong klaseng nilalang yan, ngayon ko lang yan nakita ".
Tinignan maigi ng lalaki si Greg at sinabing
"Nagsisinungaling ka, General ako ng 100 battalion. Alam ko kapag nagsisinungaling ang isang tao! "
Sinenyasan ni Greg si Rodelio na dahan dahang lumayo, at ginawa ito ni Rodelio.
Itinaas ng General ang kanyang kanang kamay at unti unting may nabuo na itim na kamay rito na nanggaling sa ispada. hinugot nya ang ispada sa kanyang likuran at bigla niya itong winasiwas kay Greg.
Nakailag si Greg dahil mabilis siyang nakayuko, bigla naman siyang sinipa ng General, napatumba si Greg sa lupa at tumalon ang General papunta kay Rodelio. Iwinasiwas ulit ng General ang ispada at natamaan si Rodelio sa braso, napaupo si Rodelio. Aatake ulit ang General kay Rodelio ngunit napigilan siya ni Greg gamit ang palakol na dala nila.
Ngumiti ang General at sinabing "Mahusay! isa pa humanda ka "
Sumugod ulit ang General at sinabayan siya ni Greg, at nagtama ang palakol at ispada. namahigsa ang palakol ni Greg at bigla siyang sinipa ng General, pinagsisipa at suntok niya si Greg hangang matumba ito.
Sinaksak ng General si Greg sa dibdib, ngunit hinugot ito ni Greg unti unti gamit ang kanan niyang kamay at nahugot na niya ito ng tuluyan. hawak padin ni Greg ang talim ng ispada sakanyang kamay ng biglang may lumabas na parang galamay sa ispada na kulay itim, at unti unti itong gumagapang sa kamay niya.
Tinaga ni Rodelio ang General sa likod gamit ang palakol na nabitawan ni Greg at napatayo ito, dahil doon nahitak si Greg patayo dahil hawak padin niya ang ispada, patuloy pading binabalot ng itim na galamay ang kamay ni Greg. Naabot ng General si Rodelio at sinakal niya ito gamit ang kanyang kaliwang kamay. Nabitawan ni Rodelio ang palakol pero nakuha ito ni Greg, pinalakol niya ang ispada ngunit alang nangyayari, pinalakol naman niya ang General ngunit hindi niya ito maabot at biglang pinalakol ni Greg ang kanyang braso hangang maputol ito. Nakawala na si Greg at bigla niyang pinalakol ang General sa kaliwang kamay, ngunit hindi niya ito napuruhan pero sapat na iyon para mabitwan niya si Rodelio. At bigla na silang tumakbo papasok ng gubat, sinundan sila ng General ngunit hindi na sila nito nakita.
Pagdating nila Greg at Rodelio sa dumakalem ay sinabihan nila si Kapitan Igme na itigil ang pagpatrolya dahil masyadong delikado ang mga tao na iyon na halos ala silang laban. Umuwi na si Greg sa kanila upang ibigay ang mga nakuhang gamot kay Vangie para maipamahagi na nila, ngunit ala si Vangie sa kanilang bahay, ganun din si Yulo at Felipe. At paglabas ni Greg sa kanilang bahay ay nakita niya si Vangie kasama si Felipe. Nilapitan ni Greg si Vangie at tinanong niya kung may problema at sinabi ni Vangie
"Nawawala si Yulo "
BINABASA MO ANG
Kalem
AventuraThis is a story about a kid and his family with special abilities, hidden on a secluded village in the middle of a forest in Philippines. A story of Faith, Family, Friendship and Acceptance. (Take note that the story written in Tagalog/Filipino, I w...