"Kalem? " tanong ng General
"General Kiros, Sobrang lakas niya, hindi siya tinatablan ng bala at nakita kong pinatay niya si Lancer " sagot ng nangangatog na sundalo.
"Bumalik na kayo sa base, pero maiiwan ang kapitan nyo upang ituro sakin ang lugar " utos ni Kiros.
Dinala ng kapitan si Kiros sa nabutas na kweba at kwinento ang nangyari. Kinuha ni Kiros ang kanyang ispada at isinaksak ito sa kapitan.
"General bakit? " natatakot na tanong ng kapitan
"Hindi ka dapat tumatakbo sa laban, duwag! " galit na sagot ni Kiros.
Maya maya pa ay lumabas na ang mga galamay sa ispada at unti unting nilamon ang kapitan.
Nilapitan ni Kiros ang katawan ni Lancer at itinago na niya ang kanyang ispada. Naghukay si Kiros sa tabi ni Lancer gamit ang kanyang kaliwang kamay at inilibing niya si Lancer. Naglakad siya papunta sa isang damuhan at kumuha ng isang bulaklak at unti unti niya itong binunot kasama ang ugat at kaunting lupa at itinanim ito sa libingan ni Lancer.
Makalipas ang ilang saglit ay lumabas sa butas na kweba sila Greg at ilang mga lalaki na tiga baryo. Nakita nila si Kiros na nakaupo, namukaan siya ni Greg at sinabi niyang huminto ang mga kasamahan niya dahil delikado si Kiros.
Natandaan ni Kiros si Greg at sinabi niya habang siya ay tumatayo.
"Patawarin nyo kami, inakala ng mga tao ko na mga sundalo kayo ala kaming problema sa inyo at hindi namin kayo sasaktan " nakangiting sinabi ni Kiros.
Lalapitan ni Greg si Kiros ngunit pinigilan siya ni Igme at binulungan siya nito
"Ako na ang bahala "
Lumapit si Igme at nakipagkamay kay Kiros, pinaliwanag ni Igme na bawal silang pumasok sa gubat dahil pinoprotektahan nila ito. At pumayag naman si Kiros, at sinabing kailangan lamang nilang makalagpas at ayaw din niyang sirain ang gubat dahil napakaganda nito at walang gantong kagandang gubat sa lugar na pinanggalingan niya.
Nagkasundo sila na kung ituturo ni Igme ang daan palagpas ng gubat ay maiiwasan nilang masira ang gubat at walang masasaktan.
Umalis na si Kiros palabas ng gubat at kinita niya ang mga battalion niya at sinabi ang nangyari. Tinipon din naman ni Igme ang lahat ng mga tiga baryo at pinaliwanag ang mangyayari. At pagkatapos magsalita ni Igme ay nilapitan siya ni Greg.
"Hindi ito tama, alam mo yan. Kapag nakalusot sila dito sa gubat ay maraming tao ang mamamatay " sabi ni Greg.
"Tignan mo ang lahat ng nandito, ano sa tingin mo ang alam nila sa pakikipaglaban? Hindi ito ang gera natin " sagot ni Igme.
Alang nagawa si Greg kaya umuwi nalamang siya at laking gulat nya na paguwi nya ay nandoon sila Rodelio at ang mga tatay nila Rodan at Mosra.
"Greg lalaban tayo " sabi ni Rodelio
"Hindi pumayag si Igme, kailangan natin silang hayaan na makadaan " malungkot na sagot ni Greg
"Alam mong mali ang disisyon na yan at madaming mapapahamak. Kailangan nating lumaban " sabi ni Vangie
"Kung gayon ano ang plano? " tanong ni Rodelio
"Ako " sagot ni Yulo
BINABASA MO ANG
Kalem
AdventureThis is a story about a kid and his family with special abilities, hidden on a secluded village in the middle of a forest in Philippines. A story of Faith, Family, Friendship and Acceptance. (Take note that the story written in Tagalog/Filipino, I w...