Chapter 3: Lone

7 1 0
                                    

Dinala ni Kap Igme ang lalaking nahuli nila sa kanyang bahay. Nandoon din si Rodelio, Felipe, Yulo at Vangie.

"Gising!" sigaw ni Kap Igme sa lalaking nahuli nila. Patuloy siyang tinanong ni Kap Igme "Magsimula tayo sa pangalan mo at saan ang base nyo?".

"Ako si Tinio, hindi na importante kung nasan ang base namin dahil wala na iyon." sagot ni Tinio. "100 sundalo, naubos lamang ng isang tao... Halimaw!".

"Ibig mong sabihin na ang sundalong hapon sa eroplano ay inubos ang mga kasama mo?"  tanong ni Vangie.

"Hindi, dumating lang sya noong tapos na ang lahat. Iniwan nila kong buhay para malaman nila kung nasaan ang mga base namin" sagot ni Tinio.

Hindi nagtagal ay unti-unti nagtipon ang mga tiga baryo sa labas nila Kap Igme dahil nakita nila ang usok mula sa eroplano. Kaya lumabas si Kap Igme at sinugarado sila na ayos lamang ang lahat at walang dapat ikabahala. makalipas ang ilang sandali ay nagsiuwian na ang mga tao sa kanilang mga bahay.

"Hindi tayo ayos, kung nakita ng mga tiga rito ang usok malamang ay makita din iyon ng tiga ibang baryo" nagaalalang sinabi ni Kap Igme kila Vangie, kaya inutusan niya si Rodelio na puntahan si Greg at tulungan sa pagapula ng apoy.

Kaya pinuntahan ni Rodelio si Greg sa Kamay Bangin, ngunit ala na siya doon. May narinig siyang nagsasalita mula sa malayo.

"Hindi na ako si Lito, ako na ngayon si Impel!" sigaw ni Impel kay Greg.

Nakita ni Rodelio si Greg na nakatusok sa kawayan katabi si Impel. Kumuha siya ng bato at binato si Impel. Lumingon sakanya si Impel at biglang lumipad pataas.

"Rodelio, takbo!" sigaw ni Greg.

Tumakbo si Rodelio papunta ng gubat, nagtago siya sa likod ng isang puno. Naririnig nya ang paglipad ni Impel, tila hinahagupit ng malakas na hangin ang mga puno. makalipas ang ilang sandali, tumigil ang pag yugyog ng mga puno.

*baaaaaag!

Bumaba sa harap nya si Impel, at bigla itong sumugaw!

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sobrang tinis nito at lakas, nagawa nitong itapon si Rodelio at naitumba din nito ang mga puno sa paligid.

Nawalan ng malay si Rodelio  at lumipad papunta sakanya si Impel. Ngunit biglang may humawak sa paa nito. Paglingon nya ay nakita nya si Yulo na hinihitak sya pababa. Dinagit nya si Yulo ng kanyang mga kuko sa paa ngunit nabali ang mga ito, alang nagawa ang matatalim nyang kuko sa tibay ng katawan ni Yulo. Iwinasiwas siya ni Yulo at hinagis. Namahigsa si Impel sa isang puno at nabali ang isang pakpak nito.

Tumakbo si Yulo papunta kay Rodelio at ginising nya ito, ngunit hindi magising si Rodelio. Maya maya pa ay bumabangon na si Impel at pinilit niyang lumipad. Habang lumilipad sumisigaw si Impel kaya lahat ng puno na madaanan niya ay nasisira. Sinigawan ni Impel ang isang malaking puno at namahigsa ito papunta kila Yulo.

Narinig ni Yulo ang ginagawang tunog ni Impel at paglingon nya sa kanyang likod ay sumambulat sakanya ang hinagis na puno ni Impel papunta sakanila. Alang nagawa si Yulo at napapikit na lamang siya, at tinamaan siya ng puno. Pero parang tumama ang puno sa isang malaking bato pagtama kay Yulo at nasira lamang ito. Walang nagawang galos ito kay Yulo. Pagdilat ni Yulo ay nagulat siya sa nagawa niya sa puno, ngunit hindi nagtagal hinawakan sya ni Impel at sinakal siya.

"AAAAAAAAHHHHHH!"

Sinigawan ni Impel si Yulo ng sobrang lakas sa mukha, halos dumugo ang tenga ni Yulo. Hinawakan ni Yulo ang mga kamay ni Impel na nakasakal sakanya at tinanggal nya ito. Ngunit hindi nya nakontrol ang kanyang pwersa kaya nahugot nya ang mga kamay ni Impel. Ngunit tuloy padin ang pagsigaw ni Impel kaya sinuntok nya ito, sa sobrang lakas ng suntok nya ay napugot nya ang ulo ni Impel at namahigsa.

Nagulat si Yulo sa mga nagawa nya at napaiyak siya, ngunit patuloy padin niyang ginigising si Rodelio. Hindi nagtagal ay nagising na si Rodelio at pinuntahan nila ni Yulo si Greg.







Maya maya pa ay may umiilaw sa katawan ni Impel, isa itong Tracking Device at nagtratransmit ito ng kanyang lokasyon sa isang base.

"Doctor, may natangap kaming distress signal mula kay Impel" sabi ng isang sundalong lalaki.

"Maghanda kayo pupunta tayo sa lugar na yan, sabihan nyo din sila General" sagot ng Doctor.

KalemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon