Chapter 1: Prolouge

37 3 1
                                    

"Balitang-balita sa radyong sira, ang tumataginting na 988,776,554 milyong piso po na inaasam asam ng karamihan na mapanaluhan sa Lotto ay may nag mamay-ari na!" - sabi ng radio announcer

Haaaay, ang swerte naman ng nanalo na iyon. Nasayang yung beinte pesos ko. Sana pala ibinili ko nalang yun ng pagkain. Sino kaya yung nanalo? Ano bang numero yung lumabas? Nilakasan ko yung radio para naman klaro sa pandinig ko.

"At napaka swerte po ng taong nag mamay-ari ng tumataginting naa 988,776,554 milyong piso na ito ay solo-winner. Talaga nga naman mga ka-ambisyoso at mga ka-ambisyosa, pag ikaw tinamaan ng kidlat ng swerte ay mangingisay ka sa kasiyahan at kagalakan ano?"- radio announcer

Aba napaka swerte naman ng taong yun at solong-solo niya yung jackpot. Haaaaaaayy sana ako nalang yun..

"Eto po mga ka-ambisyoso at ka-ambisyosa ang mga numerong lumabas kagabi sa lotto draw, i-re recap lang po natin dahil wala pa po nag ke-claim ng premyo. Tingnan niyo na po ang mga ticket niyo at baka kayo na po ang milyonarya na hinhintay sa PCSO para mag claim."

Oo nga pala asan na ba yung ticket ko tingnan ko nga baka ako na yun.. Hehehehe kinuha ko yung bag ko. Andito lang yun sa may wallet eh.. Tadaaa!!! okay game game.. pinalakasan ko pa lalo yung radio.

"9-12-1-4-3-7 ayan po yung...." hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni kuyang radio announcer dahil halos hindi ako makapaniwala na ang mga numerong binaggit niya ay ang numerong nakalagay dito sa ticket ko..

Panaginip ba to? Sinampal ko ang mukha ko pero maskit... Hindi nga ito panaginip. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa... "kyaa..." tinakpan ko kagad ang bibig ko dahil kung magsisisigaw ako dito sa sobrang kagalakan ay baka marinig ng mga kapit bahay namin. Mahirap na. nagtititili nalang ako ng mahina na takip ang bibig ko habang nagtatatalon.

MILYONARYA NA AKO!!!

Too Good To Be TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon