Kinabukasan
Cypress POV
Eto na naman ako umuwing talunan. Bakit ba kasi nanginginig ako sa kaba tuwing may interview na memental black tuloy ako. Ayan, hindi na naman ako natanggap. Nag-apply ako sa Supermarket store bilang Casheir kaso sa kinasamaang palad bagasak. Hindi naman ganun kahina ang i.q ko talagang nauunahan lang ako ng kaba sasabayan pa ng malamig na aircon at nakakapangindig balahibo na eye to eye contact with the interviewer.
Habang nag lalakad papunta sa may tricycle-lan kinapa ko muna ang bulsa ko. Beinte pesos nalang pala ang pera ko. Tama itatabi ko nalang to para may pang load ako. HIndi na ako naka sunod sa eyeball ng clan ni Jofel kasi nga guton na ako at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang nalaman kong hindi na naman ako pumasa sa interview. Pangalawang beses na to sana sa pangatlo okay na. Kinuha ko yung payong sa bag ko at nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin.
Habang naglalakad iniisip ko kung paano ba ako matatanggap sa trabaho kung palagi nalang ako nangangatog sa interview. Haaaaaayysss..
Teka ano yun? Bakit ang haba ng pila? May libreng NFA ba? teka teka pipila ako. Sayang din to.
Napakahaba ng pila na to ah, kailangan ko tong tyagain para naman may pandagdag sa bigas namin makakatipid kami kahit papano. KAso habang nakapila, napansin kong may mga hawak silang karton at parang ayun yung pass nila.
"Manong, ano po bang pila to?" tanong ko sa nauna sakin sa pila. Wala naman masaa magtanong at para sigurado na rin ako. Baka mamaya nag-aaksaya lang ako ng pila.
"Ineng, hindi ka ba nakikinig sa radio o nanunuod ng t.v? nagkakagulo na buong bayan dahil sa Jackpot ng Lotto tapos ikaw hindi mo alam?"-manong
Antaray naman ni manong. ANo ba kinalaman ng lotto sa pila na to.
"Ahhh,, hehe ano po kunek ng lotto sa pila na tintanung ko?" sabi ko nalang habang nakangiti
nakita kung tumaas ang kilay ni manong. Hala galit ba siya? nagtatanong lang naman ako
"Pila to para sa tataya ng lotto." sabi ni manong
Hala, naku lotto pala to. pero teka Jackpot prize ibig sabihin may pera. Tumaya kaya ako? Itataya ko nalang tong beinte pesos ko. Magbabakasakali na baka manalo ako. Isang beses ko lang naman susubukan eh.
"Miss, hindi ka ba tataya? wala ka naman card. Umalis ka nalang para makabawas sa pila oh? hindi mo naman yata alam ang pinipilahan mo eh" sabi nung babae na nasa likuran ko.
"ahehehe, tataya po ako ate.. san ba kukuha ng card?" tanog ko
"dun pa sa unahan, yung card. ano ba yan!" sabi nung babae.
Bakit ba ang iinit ng ulo ng mga nataya sa lotto? nagtatanong lang naman ako. Umalis ako sa pila ko at kumuha ng card. Ginaya ko lang yung ginagawa ng ibang tumataya ng lotto.
Try lang naman to, huhulaan ko nalang yung numbers na tatayaan ko. Matapos kong sulatan ang card ko bumalik ako sa pila ko kanina.
"Hoy miss bawal ang singit dito" sabi nung mga nasa likod.
Nakapila naman ako kanina ah, tiningnan ko yung babae na kausap ko kanina pero nag kibit balikat lang siya. Hay, okay para walang gulo.. pupunta nalang ako sa pinaka dulo ng pila.
Mag aalas- tres na ng hapon ng makarating ako sa may dulo ng pila para i-abot ang ticket ko.
"Miss sorry close na kami, alas tres na eh, mamaya ang resume alas sais." sabi nung nasa booth.
Ano? sa haba ng pinila ko pagdating sa dulo sasabihi sakin na sarado na?. Teka quarter to 3 palang ah.
"Ate, masyado ba advance ang relo niyo diyan? o talagang duling ka? sa hinaba haba ng pinila ko ayan sasabihin mo sakin samantalang quarter palang naman!"-sabi ko. tinarayan ko na ang init init ng pinilahan ko tapos ganito lang?.
Hindi kumibo si Ate at kinuha na yung card na hawak ko. Sa wakas may ticket na ako.
Pagkauwe ko sa bahay, Agad akong umupo. grabe, pagod at gutom ang inabot ko sa lotto na yun ah?. Pero malay natin baka may swerte at manalo ako. Ehehehehe..
BINABASA MO ANG
Too Good To Be True
RandomLahat ng tao may kanya kanyang gusto, may kanya kanyang minimithi at pinapangarap. Pera Magandang Bahay Maayos na pamumuhay Masaya at walang epal na love life Magandang trabaho Mataas na pinag-aralan Masasarap na pagkain at kung ano-ano pa.. Syempre...