Chapter 6

29 1 0
                                    

Cypress POV

Sa bahay

"Oh anak kamiksta ang apply? tanggap na ba?"- sabi ni mama. kagagaling niya lang sa likod ng bahay namin. Kakatapos lang maglaba ng ga labahin na kinuha namin kahapon kela Aling Myrna.

"Hay nako mama, hindi nanaman nakakinis na nga ehh.. Lagi po kasi ako nauunahan ng kaba kaya naman hindi ako makasagot ng maayos sa interview namin."-ako

"Di bale anak, wag kalang mawalan ng pag-asa matatanggap karin. Naninibago kapa kasi"- sabi ni mama na umupo sa tabi ko

bigla naman dumating si papa. Ang aga yata niya umuwe ngayon?.

"Oh, pa ang aga mo yata umuwe?" sabi ko ng nagtataka

"OO nak, half day daw muna akmi ngayon mahina ang gawa eeh.. haaay pano kaya ang buhya natin nito andami pa natin bayarin."- papa habang papunta sa kusina iinom ng tubig.

"Pa naman always smile don't frown. Problema lang yan, ang mahalaga wala nagkakasakit satin diba?" pinapalakas ko ang loob nila mama at ni papa

"May natira ba sa pamasahe mo anak, pang meryenda mo nalang yun ha, psesya kana gipit talaga tayo ngayon ehh.." sabi ni mama

"ahhh,, eeehhh wala nga po eh sakto pamasahe lang kase yun pero wag po kayo mag alala kumain naman po ako kanina" pagsisinungaling ko.

"Di nga ako na kataya ng lotto eh anlaki panaman ng jackpot ngayon pumalo na sa mahigit 900 million." sabi ni papa.

Patay pano ko ba sasabihin na tumaya ako? baka magalit sila pag nalaman nila na nagsusugal na ako at mas pinili ko pa maglakad ng napakainit para lang makataya ng lotto. Katuwaan lang naman yun ehh baka kasi manalo. 

"Ahh.. pa, matutulog na po muna ako ah, napagod po kasi ako"-pagiwas ko sa usapan. Naiwan sila mama at papa sa sala. pumasok na ko sa kwarto..

HHHaaaayyy.. napabuntong hininga ako. Kung tutuusin malaki talaga ang problema na kinakaharap namin. Bayarin sa tubig, kuryente bahay at pang araw araw na gastusin kasama na ang pagkain. Tsk! sana magkaron ng himala. Matapos magbihis, natulog na ko. Itutulog ko nalang itong pagod at gutom ko.

Kinabukasan.

*alarm clock ringing..

Aggghhh! Ansakit ng ulo ko. napabangon ako nung bigla tumunog ang alarm clock ko. Pag tingin ko sa orasan, Alas syete na pala ng umaga. Ang haba pala ng tinulog ko? Hindi man lang ako nakakain ng gabihan. BUmangon na ako at tiningnan ang pwedeng makain sa kusina. Masyado naman tahimik ang paligid. Wala na naman tao sa bahay. Kahit si Cyrus wala. Asan kaya yung batang yun, masyado na yata napapa aga ang tambay ah? humanda yun sakin pag-uwi niya.

Binuksan ko yung radio para naman magkaron ng buhay ang bahay namin. Aga aga ang lungkot ehh.. Wala naman makakain, haaayss maliligo nga muna ako. 

Makalipas ang isa't kalahating oras, natapos ko rin ang morning rituals ko at naghanda na ako ng aalmusalin ko. Inilipat ko yung station ng radio kasi naman pang old medley songs ang tugtog.. Baduy! 

Nagtimpla na ako ng kape at napaupo sa lamesa. Mkhang good vibes ako ngayon ah?..

"Balitang-balita sa radyong sira, ang tumataginting na 988,776,554 milyong piso po na inaasam asam ng karamihan na mapanaluhan sa Lotto ay may nag mamay-ari na!" - sabi ng radio announcer 

Haaaay, ang swerte naman ng nanalo na iyon. Nasayang yung beinte pesos ko. Sana pala ibinili ko nalang yun ng pagkain. Sino kaya yung nanalo? Ano bang numero yung lumabas? Nilakasan ko yung radio para naman klaro sa pandinig ko.

"At napaka swerte po ng taong nag mamay-ari ng tumataginting naa 988,776,554 milyong piso na ito ay solo-winner. Talaga nga naman mga ka-ambisyoso at mga ka-ambisyosa, pag ikaw tinamaan ng kidlat ng swerte ay mangingisay ka sa kasiyahan at kagalakan ano?"- radio announcer

Aba napaka swerte naman ng taong yun at solong-solo niya yung jackpot. Haaaaaaayy sana ako nalang yun.. 

"Eto po mga ka-ambisyoso at ka-ambisyosa ang mga numerong lumabas kagabi sa lotto draw, i-re recap lang po natin dahil wala pa po nag ke-claim ng premyo. Tingnan niyo na po ang mga ticket niyo at baka kayo na po ang milyonarya na hinhintay sa PCSO para mag claim."

Oo nga pala asan na ba yung ticket ko tingnan ko nga baka ako na yun.. Hehehehe kinuha ko yung bag ko. Andito lang yun sa may wallet eh.. Tadaaa!!! okay game game.. pinalakasan ko pa lalo yung radio. 

"9-12-1-4-3-7 ayan po yung...." hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni kuyang radio announcer dahil halos hindi ako makapaniwala na ang mga numerong binaggit niya ay ang numerong nakalagay dito sa ticket ko..

Panaginip ba to? Sinampal ko ang mukha ko pero maskit... Hindi nga ito panaginip. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa... "kyaa..." tinakpan ko kagad ang bibig ko dahil kung magsisisigaw ako dito sa sobrang kagalakan ay baka marinig ng mga kapit bahay namin. Mahirap na. nagtititili nalang ako ng mahina na takip ang bibig ko habang nagtatatalon.

MILYONARYA NA AKO!!!

Too Good To Be TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon