Chapter 7

10 1 0
                                    

Cypress POV

This is it, hindi nga talaga ako nananaginip. Milyonarya na kami!

Teka paano ko ba sasabihin kela mama at papa na milyonarya na kami?

Baka magalit sila dahil nagsugal ako. Pero magagalit pa ba sila kung may sagot na sa lahat ng problema namin?

Bahala na nga! Sasabihin ko sa kanila mamaya pag kumpleto na kami dito sa bahay. Sana hindi sila magalit. Sana hindi sila nagsisisigaw sa tuwa dahil kung magkaganon ay baka dumugin kami dito ng mga kapit bahay.

Minabuti ko na munang hindi umalis ng bahay. Nahiga lang ako dito sa kwarto hanggang dumating ang oras ng tanghalian. Ambilis ng oras, nag iisip kasi ako kung ano ba ang gagawin ko sa pera at paano ba magbabago amg takbo ng buhay namin. Iniisip ko rin na sana hindi mabago ang paguugali namin ng dahil sa perang yon.

"Ate, bakit di ka umalis? wala ka bang apply ngayon?" -cyrus

nandito na pala siya. "malamang may apply ako kaya nga ako nandito eh!"-pantatabla ko sa kanya.

"nabalitaan mo ba yung nanalo sa lotto? grabe ate ang swerte ng taong yun!" papunta siya sa kusina, "anlaking pera non! haaaaayyy kung ako yun nanalo, magpapaparty ako!" sabi pa niya..

"toinks, edi nalaman nila na milyonaryo ka! baka mamaya dumugin ka ng mga taong may hindi magandang intensyon!"-ako

"oo nga no? hahahaha kunsakali lang naman. Saka imposoble yun. Wala na nga tayo pambili ng masarap na ulam, tataya pa sila mama at papa sa lotto?" may point siya dun.

Hindi kaya magalit talaga sila kasi mas inuna ko pa ang sugal kesa sa pagkain namin? Pero maganda naman kinalabasan ng sugal na nagawa ko at hindi na talaga ako uulit. Maya maya dumating na sila mama at papa may dala silang ulam kaya naghain na kami ni Cyrus.

Habang kumakain, "ma, pa, kunyare kayo ung nanalo sa lotto? Ano po gagawin niyo?" Naisipan ko lang na itanong..

"Aba edi magpapasarap nako sa buhay di ko na kelangan magtrabaho haha sigurado na ang kinabukasan ng pamilya natin.. magkano ba yon? Mahigit 900 milyon? Naku!" Sabi ni papa na pailing iling pa..

"Bakit mo naman natanong yan anak, eh kung ako eh syempre bibili na ako ng bahay at lupa natin para hindi na tayo mangupahan.. hahaha diba mahal? Tapos mamasyal tayo sa kung saan saan!" Sabi naman ni mama

"Ahehehe.. wala lang naisip ko lang ang swerte ng nanalo." Nasabi ko nalang sa kanila. Hindi naman sa minamasama ko ang mga sagot nila pero ayoko na mawala ang sipag at tiyaga nila sa buhay ng dahil lang sa pera. Haaaayss i mean, kung hindi pinaghirapan ang pera hindi mo pahahalagahan ito at lulustayin nalang ng ganun ganun? Nakapag desisyon na ko..

Ayokong maging dependent sila sa perang iyon na puro pagkakagastosan lang ang iisipin nila..

"Ahm.. bukas po mag aapply ako ma medyo malayo po yun eh sa bandang q.c" sabi ko sa kanila

"Ahh o sige mamaya bibigay ko pamasahe mo.. magtipid tipid tayo nak ha? Pasensya ka na gipit talaga tayo ngayon!" Sabi ni papa

Mag isa ko kukuhain ang pera bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Good To Be TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon