"Im Princess Cyrile Missen, Cypress for short.. 18 years old and currently residing at ************ City."
Grabe, nakaka kaba talaga ano pa ba idudugtong ko sa sinabi ko. Bakit kasi nag-english ako sana tinagalog ko nalang
"Tell something about yourself"- interviewer
Nakaka kaba lalo yung tingin niya. Haaaayyss kailangan ko galingan para matanggap ako.
"Uhm.. I'm ahhmmm... a fresh graduate of Associate Degree in Marketting Management from ******** University. I'm applying for a job to support my parents for our daily needs and ahmm..."- ako nanginginig ang boses ko sa kaba.
"Okay, thank you Miss Missen, you can take your sit. Next please.."- Interviever
Ayyy.. hindi manlang ako pinatapos. Umupo nalang ako sa may gilid at hinihintay matapos ang ibang applicant. Hindi na yata ako matatanggap dahil hindi niya man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.
Makalipas ang isang oras
"Okay, as I call your name it means you are in for the second step of our interview"- Interviewer
Hinintay ko matawag ang pangalan ko. Kahit alam ko na malabo mangyari yun. Pero natapos na si Ateng Interviewer hindi ko parin narinig ang name ko. Tsss sabi na eh. Makauwe na nga samin. Nagugutom na ako sakto pamasahe nalang itong pera ko.
Ang hirap talaga ng buhay, Ang swrte naman ng mga batang ipinanganak na mayaman. Hindi na nila kailangan mag trabaho para mabuhay dahil bata pa lang sila may pera na. Sayang, kung may pera lang sana matutuloy ko pa ng B.S Degree ang course ko at mas malaki ang chance ko matanggap sa trabaho. Kailangan ko kasi mag trabaho dahil alam ko naman na hirap na hirap na si mama at papa sa pag-aaral namin dalawa ni Cyrus. Magka college na rin kasi siya sa dadating na pasukan. Teka, itetext ko nga muna yung lalakeng yun at baka ubusan na naman ako ng ulam.
Me: Cyrus, pauwe na ko, tirhan mo ko ng ulam ah :)
maya maya nagreply din.
Cyrus Kulet: Okay :) pasalubong ah..
Haaaays isa pa tong kapatid ko palibhasa bunso eh hingi na lang ng hingi. Lord sana naman magka-roon ng himala.
"Walang Himala!!! Ang Himala ay nasa ating Puso!"- Ale
Ay ano ba naman yung ale na yun, naririnig ba niya yung mga sinasabi ko sa isip ko?. Kinontra agad? Makasakay na nga ng jeep. Nagrereklamo na yung mga bulate ko sa tiyan.
BINABASA MO ANG
Too Good To Be True
RandomLahat ng tao may kanya kanyang gusto, may kanya kanyang minimithi at pinapangarap. Pera Magandang Bahay Maayos na pamumuhay Masaya at walang epal na love life Magandang trabaho Mataas na pinag-aralan Masasarap na pagkain at kung ano-ano pa.. Syempre...