Chapter 4

30 0 0
                                    

Cypress POV

"Hoy, ate gumising kana diyan! hapon na!"-cyrus

Nagisin nalang ako ng may nagyuyugyuog sakin. Ano ba yan! istorbo naman to eh! sarap ng tulog ng tao tapos mang gigisng.

"Ikaw nga Cyrus ha! ansarap ng tulog ko eh bakit mo ba ako ginising!?"-tinaasan ko siya ng boses. KAhit sino naman siguro ag ma istorbo sa pagtulog ay mababad-trip diba?

"Ate, sunduin mo daw si mama may mga dala-dala daw siyang labahan eh. Nandoon siya sa bahay nila Aling Myrna."- Cyrus

"Alamo naman pala kung nasaan! Bakit ako pa ang inistorbo mo sana ikaw na ang tumulong. Tamad ka talaga! MAgsaing kana!!!"- sigaw ko sa kanya at padabog na pumunta sa lababo para maghimalos at mag mumog. 

"Wag mo sabihin pati pagsasaing kakatamaran mo? ingungudngod kita sa kaldero!!" hasik ko sa kanya.

"Oo ako na magsasaing. Hehe nahihiya kasi ako ate nanduon yung crush ko sa labas eh. Bawas sa kapogian ko kapag....... blah blah blah"- cyrus.

Iniwan ko nalang siya na nagsasalita doon. Bahala siya bad trip ako!

Sa labas.

Haaay, ang ganda pa naman ng panaginip ko, Sino kaya yung lalaking nasa panaginip ko. Habang naglalakad, nag rereminisce pa ko ng mga nangyari sa panaginip ko. Talaga nga naman kabaligtaran sa katotohanan ang panaginip. Mayaman daw ako sa panaginip ko. Hindi ko maiwasan mapangiti mag isa sa ganda ng napanaginipan ko. Epal kasi yung kapatid ko sa panaginip na nga lang nagiging maginhawa umeepal pa!

"Ate! san ang punta mo? Sama ako.. Wala kasi ako magawa sa bahay eh. Si Jeff kasi inagaw sakin yung remote ng t.v kainis!"- Jofel. Pinsan ko 

"Tara! susunduin ko si Mama dun kela Aling Myrna eh, may dala dala daw kasing mga labahin." ako.

Hindi kami nagkakalayo ng edad ni Jofel kaya madalas kami ang magkasundo sa mga kutsabahan at lakwatsa pati na rin sa mga lovelife namin. Hehehehehe

"Aalis ka ba bukas? Sama sana kita may general eyeball ang A.U.S Clan eh, para makilala mo na si Kael, LOoney at Casualties pati na rin yung founder na si Aludo." sabi ni Jof habang nag te-text

Hmm... malas naman mag aapply ako bukas eh, 

"Saan ba yan, kung makakahabol ako sasama ako. May apply ako bukas eh." ako

"Diyan lang sa Sm nagkikita kita. Ite-text kita kung saan ang sunod na venue." siya habang busy parin sa pag tetext. OKay hindi po siya adik mag text.

Aling Myrna's Bahay

"Tao po? Andiyan po ba si Mama? Ako habang sumisilip sa may bitana ng bahay nila

"Ayy Prescilla, andyan na ang dalaga mo!"-aling Myrna.

Nakita ko na si Mama anlaki ga ng dala niyang bulumbon na labahin.

"Akin na Ma, ako na magdadala." kinuha ko sakanya yung dala niya.

"Oh Prescilla, nagkakaintindihan na tayo ha?, Ibabawas ko nalang sa upa niyo ng bahay ang ibabayad ko sa paglalaba ng mga yan!"-aling Myrna

Akala ko panaman jackpot na kami ni mama. Ibabawas lang pala sa upa sa bahay! MAutak talaga yung matandang yun.

HAbang pauwe na kami nila mama at ng pinsan kong busy sa pagtetext naalala ko yung disconnection notice. 

"Ay ma, may disconnection na tayo mapuputulan na tayo ng kuryente next week." sabi ko

"Same here insan, hahahaha hindi kayo nag-iisa kami rin eh meron" -Jofel. Akalain mo yun? kala ko busy sa pagtetext tong loka na to nakikinig din pala.

"Hay nako, mamaya pag uwe ng papa mo pag-uusapan namin yan pano ang diskarte namin. ANdami natin bayarin. Diyos ko po. Teka kamusta ang apply mo? Tanggap ka ba?" -mama

"hehehe,, hindi nga po ehh" ako sabay kamot sa ulo. Nakakahiya kasi yung pamasahe ko sana pandagdag nalang sa pangangailangan namin. 

"Sayang pinamasahe mo anak, pero maganda yan para nasasanay ka mag apply sa susunod sigurado matatanggap kana dahil hindi mo na first time mag apply."-mama nakagiti pa.

Yan ang gusto ko sa mga magulang ko kahit na namomoblema nakangiti parin. Hindi mo aakalain na malaki ang problema namin pam pinansyal. 

Too Good To Be TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon