Minsan na nating hinanap ang mga nawawalang salita, subalit ang ating tula ay di pa rin tugma.
Minsan na nating inayos ang sirang plaka, subalit ang musika ay di na gumagana.
Minsan na nating kinumpuni ang lumang gitara, subalit ang kwerdas ay putol na talaga.
Hanggang sa hindi na tumugma, di na gumana at nasira, na kahit paulit-ulit pa nating ayusin, ang bakas ng katapusan ay ating makikita.
Kaya't tama na, wag na nating tapalan pa ang mga nasira, kung kaya lang rin naman nating maging bago at buo ulit kahit pa makakamit lamang natin ito...kung di na tayo magkasama, dahil amg totoo, ang pagmamahal lang naman natin ang sumira sa atin, Sinta.
![](https://img.wattpad.com/cover/188711239-288-k513567.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚈 𝟸𝟻, 𝟸𝟶𝟷𝟿 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙽𝙾𝚃𝙴 𝚃𝙾 𝚁𝙴𝙰𝙳𝙴𝚁𝚂...