Akala ko..

13 6 0
                                    

By: Marianie Villaceran ( YanieWrites )

Akala ko...
Na okey na ako
Pero di pala
Akala ko Lang pala...

Bakit ba...
Bakit ba tuwing naiisip Kita
Tumutulo ang aking mga luha
Sa aking Mata...
Dahil ba...

Dahil ba alam ko
Alam ng sarili ko na
Mahal Kita
Mahal parin Kita

Pero..
Pero Wala akong ibang magagawa
Kundi pagmasdan kayong masaya
Sa piling... Ng isat Isa...

Naghintay ako....
Naghintay sa wala
Nauwi ng duog na puso
Noong sinabi mo ...

Noong sinabi mo na
Mahal mo sya
Akala ko talaga
Na baka pwede tayong dalawa

Akala ko Lang pala
Umasa ako
Na baka ako ay mahalin mo
Baka ma ibalik mo ang pagmamahal ko sayo...

Pagmamahal ko sayo kahit ito ay patago
Mahal Kita
Mahal mo ang kaibigan ko
Este ang best friend ko...

Pinaramdam ko
Pinaramdam ko sayo
Na akoy seryoso
Nag alay pa ng Tula

Para sayo
Di inisip Kung mapapahiya ako
Basta ang mahalaga
Malama mo at baka iyong madama

Sinabi ko
Sinabi ko harap harapan sayo
Harapan mga kaklase ko
Sinabi ang gustong sabihin ng puso ko

Ano..
Anong napala ko
Tumakbo na Lang
At umiyak ng patago...

Akala ko..
Akala ko pwede tayo
Na baka kasi
Pwede tayong dalawa..

Dahil umasa ako na Mahal mo din ako
Kasi eh
Sinabi mo na
Mahal mo din ako

Naniwala naman sayo
Sa katagang binitawan mo
Ang sakit
Ang sakit sakit ...

Ang sakit malaman na..
Iyon ay Hindi totoo
Sinabi mo Lang
Dahil na pagtripan Lang ako

Sinabi mo ba iyon
Upang pakiligin ako
Palakpak para sayo
Dahil iyon ay umepekto

Ginawa mo ba iyon
Dahil nga
Love team tayo sa room
Everyday I see you ..you make me Bloom..

Alam mo ba
Bwesit ka
Dinamay mo pa
Ang puso ko sa mga kalokohan mo...

Nagmahal ako
Nagmahal ako ng totoo
Sa Mali pa na tao
Na Hindi masusuklian ang pagmamahal ko.

Mapapansin mo Kaya
Mapapansin mo Kaya ako
Pwede pa akin naman ang attensyon mo..
Maari ba Mahal ko

Bakit?
Bakit di mo ako napapasin
Ano ako
Hangin....

Andito Lang naman ako
Sa tabi mo
Bakit di mo nakikita
Si AKO?

Bakit di mo ako
Kayang kausapin
O din Kaya akoy kamustahin
Bakit di mo magawa...

Sumasakit ang puso ko
Tuwing na iisip ka Mahal ko
Na akoy di mo gusto
Dahil don ka sa bestfriend ko mismo..

Masakit ang puso ko
Dahil hinayaan mo Lang
Madurog ang puso ko
Ng pinong pino...💔

-YanieWrites 🖤

𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon