MANLILIGAW AKO

21 6 0
                                    

Written by: Jim My

una sa lahat hi kamuzta
imbes na sabihing kung gusto kita
pangalawa hello taga saan ka
imbes na pwed mahingi number  mo ha ??

hindi kita aalayan nang mga magagarang bagay
subukan kitang pakiligin sa mga tulang mahalumalay
hindi man kita kayang alayan nang rosas na naka kartel
ngunit kaya kung gumawa nang rosas na  gawa sa papel

ala kung hindi ako yung tipo mung lalake
alam kung hindi ako yung nanaisin mung makatabi
alam kung hindi ako pinapangarap mung makayakap araw man o gabi
ngunit nagbabakasakali lang ang puso ko sayo ate

alam kung hanap mo ay gwapo
aanuhin mo ang gwapo kung manloloko
alam kung hanap moy mayaman
aanuhin mo naman yung mayaman kung ikaw ay iiwan pagkatapos pagsawaan

hayaan mung ituring kitang prinsesa
wala nga lang palasya na sa akin naka marka
ngunit alay ko sayo ang pag ibig na hindi maitumba
kahit mas nakakahigit sila

pagpasensyahan mo kung ang kaya kung maibigay ay pamasahe lang
pagpasensyahan mo kung sa fishballan lang
pagpasensyahan mo kung hanggang peryahan lang
pagpasensyahan mo kung ang sakyan natin ay jeep lang

ngunit kahit wala akung kayang ipagyabang
pangako ang pag ibig koy hidni pahalang
hindi ako yung tipo ng lalake na hanggang sapat lang
dahil kaya kung ialay ang puso kung tanging sayo lang

ako yung lalakeng willing to wait
but not willing to quit
ako yung lalaking ipapasan ka
sa tuwing pagod kana

sa porma talo na ako nila
sa itsura mas lamang sila
sa pera meron sila
pero maniwala ka lulukuhin kalang nila

porma ,itsura,pera ang lamang nila
ngunit sa pagmamahal mas lamang ako sa kanila
meron nga silang kotse
kung di naman nila kayang lagyan ng ngiti ang iyung mga labe

may malaking bahay nga sila
ngunit ang tanung mahal kaba??
marami nga silang pera
ngunit ang tanung pakakasalan kaba??

ako simpleng tao lang
kakain ng tatlong beses sa isang araw ayos lang
wala man akung malaking opurtionidad
ngunit talo ko sila sa abilidad

iingatan kita ate
pahahalagahan kita ate
pangigitiin kita ate
rerespetuhin ko ang iyung pagka babae

ako ang magsisilbi mung takuri sayung gabing maginaw
ako ang magsisilbing mapa mo pag ikaw ay naliligaw
ako ang magsisilbing liwanag kung kailangan mo nang ilaw
kaya sanay tanggapin mo ang aking panliligaw

𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon