Bakit ka Nagbago

90 24 0
                                    


Bakit ka nagbago...Mahal ko
Bakit ka nagbago..
Saan ako nagkulang sayo?
Bakit ka Nagbago?
May nagawa ba akong kasalanan kaya ka nagka kaganito?
Pwede ba sabihin mo
Kung ano ang dahilan kung bakit ka nagbago?
O baka may nahanap ka ng bago?
Kaya nagbago din ang pakikitungo mo sa akin..
Mahal ko...Nagkulang ba ako sayo?
Binigay ko naman Lahat
Lahat lahat ..
Na wala ng natirang pag ibig para sa sarili ko
Ako ay lunod na lunod, Di ko alam kung akoy makakaahon pa..
Ako ba makakaahon pag akoy iniwan mo?
Mahal ko!
Wag ganito!
Wag kang magbago..
Asan na ang lalaking minahal ko..
Asan na!!!
Mahal ko ...Kung ayaw mo na at sawa ka na sa isang katulad ko
Please ..Sabihin mo
Sabihin mo sa akin
Kung ayaw mo na sa akin..
Isang paalam lng ang aking kailangan
Bago mo ako iwan mag-isa sa kawalan
Maging Masaya din ako
Di man ngayon, Hindi Bukas..
Hindi ko alam kung kailan
Pero pangako ko sayo sasaya rin ako..
Katulad ng kasiyahan na nakita ko sayo..
Nakita ko sa mga mata mo ngayong kasama mo ang iyong bago
Kahit alam kung may mahal ka ng iba
Pakawalan na kita..
Dahil ikay masaya sa piling niya..
Pero mahal..
Bago ko tapusin ang tulang ito at ang pagmamahal ko sayo..
Ito ang tatandaan mo
"Mahal na Mahal Kita " Mahal ko
Isang linyang palaging gumogulo sa isip ko ang linyang " Bakit ka Nagbago? 

#YanieWrites

𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon