"Laro tayong dalawa"
By:jeramei montecillo
"Batang makata"Ammm pwedi bang maka laro kita?
Habol-habolan tayong dalawa
Wag kang mag alala ako naman ang tayaAko ang taya tutal ako naman talaga ang palaging nag hahabol sayo
Kahit alam kung wala akong pag asang maka habol sayo
Dahil ang bilis mo.
Bilis mong tumakbo
bilis mong kalimotan ang mga pangako mo
at bilis mo ring iwanan akoTika lang pagod na ako
Palit naman tayo ng laro
Tago-tago.an nalang ang laru.in natin
Tutal magaling karin naman mag tago nang lihim na hindi ko mapapansin.Ikaw ang tipo ng tao na magaling mag biro
Magaling din sa kahit anong laro
Ang laki ng pag hanga ko sayo
Dahil napaka talentado mong tao
Nahulog ako dahil napasaya mo ako
Napasaya mo ako kahit sa mga simpli mong biro.Ang hindi ko lang pala alam ang lahat nang pinaramdam mo
Isa lang palang malaking biro
Parte lang pala yon sayong laro.Ngayon mag lalaro nadin ako
Para maging patas rin naman tayo
Ano gusto mong laro??Ay tika! May naisip akong maganda
Para hindi naman mapagod tayong dalawa
Mag laro nalang tayo ng simpling laro lang
Hindi na yong tagu-tagu.an hindi yong habol-habolan
Ang lalaru.in natin ay bato-bato pick nalangPero wag ka munang masiyahan jan
Baka iniisip mong matatalo moko.
Aba! Matigas na ata to!May tatlong pag pipili.an tayo
Gunting, papel, at bato
Sa simula palang alam kung gunting ang pipili.an mo
Dahil ang gunting nakakasakit ito
At mapanakit karin namang taoPero huwag kang mag reklamo kung bato ang pipili.in ko
Tulat ikaw naman ang dahilan kung bakit naging bato tong puso ko.
BINABASA MO ANG
𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄
Poetry𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐎𝐍𝐄 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚈 𝟸𝟻, 𝟸𝟶𝟷𝟿 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝙴𝙽𝙳𝙴𝙳 : 𝙼𝙰𝚁𝙲𝙷 𝟶𝟷, 𝟸𝟶𝟸𝟶 𝙽𝙾𝚃𝙴 𝚃𝙾 𝚁𝙴𝙰𝙳𝙴𝚁𝚂...