Prologue: Saros P.O.V

347 1 0
                                    

umaagos ang dugo mula sa mukha ng taong nasa harap ko papuntang kamao ko ng muli ko na namang sinuntok ang pagmumukha nito na para lang isang punching bag at hindi tao.


idinaing niya ang naramdamang kirot mula roon. bahagyang napaluhod pa siya sa harap ko at patuloy iniinda ang nararamdamang sakit .


"sa susunod isipin nyo muna kung sino ang binabangga nyo" sigaw ko sa mga hoodlum na yun na mukhang wala pa rin sa condition dahil sa ginawa kong pambubugbog sa kanila.


di na lamang nakasagot ang mga iyon, tanging mahihinang pagdaing na lamang ang aking natanggap. limang tao sila ngunit pareparehong mahihina at mga walang silbi, ni hindi manlang ako pinagpawisan sa kanila.


walang gana na lamang akong umalis mula roon at sumakay sa Ferrari Sergio Pininfarina ko na kanina pa naghihintay, may ilang gasgas iyon dahil sa walang kwentang ginawa ng limang lalaking iyon. mukhang kailangan ko pang ipaayos at muling papinturahan ang parteng iyon.


nakasimangot ko na lamang minaneho ang kotse ko pauwi sa condo ko na malapit lamang sa lugar na ito.


ramdam ko ang malamig na pagdampi ng hangin mula sa mukha ko dahil open ang bubong nitong kotseng minamaneho ko. I feel so much empty pero kada nakakasakay ako at minamaneho ang kotse kong ito, nawawala lahat ng iyon.


kaya di nyo ko masisisi kung bakit ko nagawa sa limang lalaki na yun , mahalaga ang kotse na ito sakin at hindi tamang bigla na lamang silang mantrip at babuyin ang pinahahalagahan kong bagay.


patuloy lamang akong nagmaneho ng matigil ako sa isang eskinita na may nagtitinda ng sigarilyo kaya agad akong bumaba para makabili ng yosi. nag-abot ako ng isang libo sa tindero para bumili non ngunit sinimangutan lamang ako ng matanda.


"wala ka bang barya rito? ang laki laki ng pera mo!" may kalakasan ang pagkakasabi niya sakin ngunit di ko na pinansin pa. gusto ko na sanang sabihing keep the change ngunit sa ipinapakita niyang ugali ay mukhang wag na lamang.


"wala akong barya" mahina kong sabi rito tumaas naman ang kilay niya bago muli siyang nagsalita.


"kung ganon dyan ka lang muna at papabaryahan ko pa ito" sabi niya na ikinatango ko na lamang sa kanya bago siya umalis dala ang paninda at ang pera ko, napakibit balikat na lamang ako bago sumandal sa pader roon at sinindihan na ang yosing hawak ko mula sa lighter na madalas kong dala.


may ilan lang na dumaraang sasakyan rito ngunit di ako doon nagpatinag, ang poste ng kuryente ay patay sindi din.


humithit ako sa yosing hawak ko at muli sana akong hihithit nito ng makita ko ang isang dosenang mga kabataang lalaki na mukhang kasing edad ko lamang na papunta sa lugar ko, napangisi na lamang ako. mukhang di na naman maganda ang napasukan ko.


muli pa kong humithit at saka ko binitawan na ang yosi ko sa lapag at inapakan pa iyon hanggang sa mawala ang sindi nito kasabay din iyon ng tuluyang paglapit ng mga lalaking iyon sa bandang likuran pa nila ay ang matandang vendor kanina, mas lalo tuloy akong napangisi.


ang tanda niya na para gumawa pa ng mga katarantaduhang gaya nito.


"hoy! tanda, asan na ang sukli ko?" may ngisi ako habang sinasabi iyan nakita ko din ang pagngisi ng matanda na parang natatawa sa sinasabi ko.


"hoy bata! kung ako sayo mananahimik na ko dahil alam mo hindi maganda ang araw ko at di ako magtitimpi para sayo" sigaw din pabalik naman nong lalaki na mukhang parang leader nila, ngumunguya pa ito ng bubble gum. nagsipagtango din ang ilan pang naroroon upang sumang-ayon sa leader nila.


"anong pakiilam ko sa araw mo" sigaw ko din pabalik bago ko sinimulang iwasan na ang kung ano mang pwedeng mangyari pa ngunit napapalibutan na nila ko kaya di ko manlang magawang makalapit sa sasakyan ko.


"di mo talaga kilala ang kinakalaban mo bata" mapang-asar at mayabang pang sabi ng ilang naroroon na nginisian ko na lamang, nilagpasan ko na lamang sila roon ng bigla akong hawakan ng isa sa balikat ko para iharap sa kanila.

"kinakausap ka pa namin" sigaw nito  sa mukha ko, halos mapatakip ako ng ilong dahil sa hindi magandang amoy ng kanyang hininga.


"wala akong pake hanap ka kausap mo" sigaw ko din sa mukha niya, kaya umamba siya ng suntok sakin at syempre uunahan ko na sana siya ng matigilan kaming lahat ng may kung sinong babae ang biglang sumigaw.


"tumigil kayo!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan, hinihingal pa iyon at bakas ang takot sa nakikita niya ngunit malakas ang loob niya, muli tuloy akong napangisi.

"manahimik ka babae bumalik ka na kung saan ka, tuturuan lang namin ng leksyon ang taong ito" ngunit umiling na lamang yung babae habang nakatingin sakin at bakas ang awa at paninindigan, parang sinasabi pa ng mga mata niya na siya na ang bahala sakin. funny right?

"hindi tamang pinagkakaisahan ang taong walang kalaban laban sa inyo" muli nitong sabi habang papalapit na naglalakad samin.


walang laban? natawa na lamang ako pero pinigilan ko na lamang, kahit magdalawangpo pa sila dyan kayang kaya ko naman at di ko kailangan ang tulong niya pero dahil mukhang interesting ito ay hinayaan ko na lamang ang babaeng iyon sa ginagawa niya. bakit? because she is so funny and plain flat.

Bakit nga ba flat ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon