Saros P.O.V
"alam mo kung ano yung pinakanakakatawang bagay na nangyari sa tanang buhay ko?" seryosong tanong ko sa lalaking inuupuan ko na ngayon matapos kong bugbugin, wala akong nakuhang sagot mula sa kanya dahil namimilipit ito sa sakit.
nagiigting ang panga ko habang nakatingin sa dami ng mga taong ito na itinumba ko lang ng walang kahirap hirap. nagsindi akong muli ng sigarilyo mula sa tinitinda ni manong kanina bago siya maging isang ulol na nagtawag pa ng mga hampas lupang ito.
"ahh! ahh!" daing pa nitong taong tinapunan ko ng upos sa bandang parte ng kanyang katawan na nagdudugo. umiling ako habang tumatawa.
"sa-saros" lumingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko at doon ko lang muling naalala ang malakas loob na babae na ito na balak pa atang magpakabayani sakin kanina pero nanginginig naman ang tuhod.
nakangisi akong tumingin sa kanya, nakaupo na siya sa lapag nitong malamig na semento tila nanghihina sa nakikita niya. di niya siguro inaasahan na makakaya ko ang mga ito ng walang kahirap hirap.
"ang mga gaya mo babae ay walang magandang dulot sakin! kaya sa susunod wag kang nangingiilam"sabi ko pa sa kanya habang naglalakad na paalis mula roon at pasakay sa kotse ko na kanina pa naghihintay sakin.
"sandale lang" sigaw muli nong babae pero di ko na siya nilingon na dirediretsyo lamang akong naglakad kaso bago ko pa mahawakan ang pinto ng kotse ko ay agad na akong hinila nong babae paharap sa kanya.
"problema mo ba? hoy babae kung iniisip mo na magugustuhan kita dahil malakas loob mo kanina kalimutan mo na, dahil kailanman ay di mangyayari yun, unless malaki na yang harap mo" napacover naman siya agad ng kanyang katawan dahil sa sinabi ko pero di ko maisip kung ano pa ang kailangan niyang itago eh wala naman siyang dibdib.
"wala ka namang dibdib ano pa kailangan mong itago" nakangisi kong sabi bago muli siyang talikuran ngunit di manlang ako binitiwan nitong babae, problema ba niya? tinitigan ko naman siya ng masama dahil nakayuko lamang siya at di nagsasalita kaya pinilit ko ng alisin ang kamay niya sa braso ko.
sisigawan ko na sana siya ngunit nauna na siyang magsalita "pahatid naman ako kahit sa sakayan lang, n-natatakot k-kasi ako" natawa na lamang ako saking isip habang iniisip ang sinasabi niya. ang lakas ng loob niya kanina pero ngayon ito siya at nagpapahatid?
"kung pwede lang naman, nga-ngayon lang ako nakakita ng ganong pangyayari sa buhay ko kaya hanggang ngayon nanlalambot pa din ang mga tuhod ko, halos di ko na nga magalaw ang katawan ko, kaya pakiusap kahit maalis lang muna ako sa lugar na ito" nakikiusap ang boses niya na para ng maiiyak. ang tapang kanina pero duwag naman pala. mga babae nga naman.
magsasalita pa sana muli siya ng wala na akong pagdadalawang isip na buhatin siya, alam kong nagulat pa siya sa ginawa ko pero di ko na iyon pinansin pa at sinakay ko na siya sa passenger seat ng kotse ko. gusto ko ng magpahinga at makauwi kaya di na kailangan magpaliwanag pa. nasasayang ang oras ko. at saka sa sakayan lang naman siya ihahatid diba? edi sa sakayan lang.
"sa-salamat" sabi niya ng ibinaba ko siya sa sakayan ng bus. marami pa namang tao sa parteng ito, mga nag-aagawan ng sasakyan pauwi at mukhang pati siya ay makikiagaw din.
di ako sumagot sa pasasalamat niya dahil wala akong paki doon, agad ko ng pinatkbo ang kotse ko paalis mula roon dahil ayoko sa mga matang nakatingin sa kotse ko.
makakauwi naman siguro ang babaeng yun at isa pa di ko naman na siya sagutin dahil nakababa na siya ng kotse ko hindi ba? pero sandale nga? napatigil ko na lamang ang sasakyan ko ng may maalala ako. sinigawan pa ko ng nasa likod na sasakyan dahil sa biglaan kong paghinto.
'kaklase ko ba siya?' kilala niya ko dahil tinawag niya ang pangalan ko. at mukhang di rin siya taga doon. kung ganon sinundan niya ba ko? di kaya, spy ang babaeng yun ng matandang yun? nagmadali naman akong bumalik kung saan ko ibinaba yung babae kaso ng makarating ako roon ay wala na ang babaeng yun.
"taena na yan! fuck naman! pag nakarating na naman sa matandang yun ang nangyari ngayong gabi sigurado akong malilintikan na naman ako" nasuntok ko na lamang ang manubela sa sobrang inis na nararamdaman ko.
hanggang sa pagkauwi ko sa condo ko ay inis ako. walang kwenta talaga ang mga tao dapat pala iniwan ko na siya roon para kahit papaano nakabawi ako. taena naman oh.
humiga na lamang ako sa sofa ko at nagmadaling buksan ang cellphone ko na mukhang nabasag ang screen dahil sa nangyari kanina. dinial ko agad ng number ni jayzam isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.
"ano may kailangan ka boss?" sagot agad ni jayzam. ilang minuto akong tumahimik bago nagsalita.
"papasok ako bukas" sabi ko pa rito na ikinatawa niya ng malakas. napakunot naman ang noo ko sa reaction niya. may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"niloloko mo ba ko?" pikon na tanong ko sa kanya.
"eh ako boss niloloko mo ba? marunong ka ng magjoke?" tumatawa pa ding sabi niya ngunit ilang minuto ulit akong di nagsalita dahil napipikon na ko sa sinasabi niya.
"seryoso ka ba talaga saros?" tanong niya pang muli.
"mukha ba kong nagbibiro? may aasikasuhin ako dyan bukas, may aalamin lang ako" sabi ko pa kay jayzam para tumahimik na siya dahil konte na lang talaga at masusuntok ko na ang mukha nito bukas sa ginagawa niya.
"tamang tama papasok na ulit si leo kalalabas lang ng hospital eh baka kailangan ulit makatikim sayo boss" sabi pa nito humingang malalim na lamang ako sa kanya.
"di ko na muna proproblemahin ang isang yun may kailangan akong hanapin bukas" sabi ko pa sa kanya.
"babae ba yan boss---" di niya pa natatapos ang sasabihin ng patayin ko na ang tawag dahil talagang naririndi na ko sa boses ng isang yun.
bukas sisiguraduhin kong mahahanap ko siya. at sigurado naman ako na nasa school lang siya dahil nakauniform pa ito ng national university. hahanapin ko talaga siya hindi dahil sa gusto ko siyang makita kundi gusto ko siyang saktan lalo na pagnalaman kong tauhan siya ng matandang yun.
BINABASA MO ANG
Bakit nga ba flat ka?
RomanceSi Leo ang isa sa pinaka-kinaayawan at kinatatakutang estudyante sa National University hindi dahil sa bully siya gaya ng mga sikat na character sa ibang storya, o isang heartrob, di rin siya sporty type na tao, di rin naman siya gangster, di din si...