chapter 04: it begins here

23 0 0
                                    

Astrid P.O.V

"wag kang umupo dyan" mauturidad na sabi ng isang lalaki sakin ng inilapag ko ang bag ko sa upuang walang nakaupo kung saan nasa likod ko lamang siya.

ang professor ay naguumpisa ng magturo habang itong lalaki ay masama ang tingin sakin at talagang wala akong balak paupuin.


"yan lang ang bakante anong magagawa ko?" mahina at may paggalang na sabi ko sa kanya kahit na sobrang walang kwenta siya kausap.

nakita ko naman ang paglingon ng dalawang katabi nito sakin na medyo nailing pa na parang sinasabi na manahimik na lamang ako.

magsasalita pa sana muli ako ng tumayo yung lalaki at marahas na inihagis ang bag ko sa likod at sakto papuntang basurahan. gulat ang mukha ko dahil sa ginawa niya di ko lubos na inaasahan ang ginawa niya. nagmadali naman akong tumakbo patungo sa basurahan napalingon pa ko sa professor ko na mukhang walang pakiilam sa mga nangyayari.


" sir!" malakas na pagtawag ko sa professor para makapagsumbong manlang ngunit pilit atang di iniintindi ang nangyayari ng professor na ito. lahat ng kaklase ko ay napalingon sa kinalalagyan ko maliban don sa lalaki na gumawa nito sakin.

"umupo ka na miss" sabi lamang ng guro namin ng itinuro ko ang bag ko na nasa basurahan magsasalita pa sana ako ng pinatahimik niya na ko. ganito ba ang guro dito sa Pilipinas? 


humingang malalim lamang ako bago ko kinuha ang bag ko na nasa basurahan pasalamat na nga lang ako dahil walang kahit na anong laman iyon kaya di ako nahirapang kunin ang ilang gamit na lumabas mula roon dala na ng malakas na paghagis roon.


nagmadali akong iniayos yung bag ko at walang takot na bumalik paupo sa upuan na ayaw sakin paupuan ng lalaki na yun. lahat ng attention ay pansin kong nasa akin kahit na nagtuturo ang professor sa harap.


"umalis ka sabi diyan" sigaw pa nong taong nasa likod ko pero patuloy ko siyang hindi inintindi, nagbingibingihan lang ako gaya ng ginawa ng professor ko kanina na mukhang kinainis ng taong ito.


hanggang sa nagulat na lamang ako ng biglang umangat ang inuupuan ko at dahil don ay naout of balance ako nahulog ako sa lapag, sobrang sakit ng puwetan ko dahil roon masamang tingin ang pinaulan ko sa mga taong nanonood lang sa nangyayari at di ako tinutulungan manlang.

ngunit mas nagulat at kumalabog ang dibdib ko ng lumingon ako sa likod ko at nakita ko angtingin nong lalaki, galit siya ayun ang nakikita ko sa hitsura niya hawak niya pa din ang upuan at talagang nakaangat pa din. medyo kinakabahan pa ko dahil nakaupo pa din ako sa lapag at baka mamaya ay ano ang maisipan niya at ihagis ang bakal na upuan na yun sa akin.

ano ba ang problema ng lalaking ito sa upuan na yan? ano bang problema ng mga professor rito? at ano bang problema sakin at napasok ako sa sitwasyon na ito?


napapikit na lamang ako ng mga mata ko ng mukhang gagawin niya talaga ang paghagis ng upuan na yun sakin sa sobrang galit niya.

napasigaw ang lahat habang ako ay inihanda na lamang ang sarili sa mangyayari di ko na lamang binuksan ang mga mata ko not until a body of human ang dumagan sakin. imbes na matigas na upuan mula sa galit na lalaki ang humapas sakin ay isang katawan ng lalaki ang dumagan para maging panangga ko.


"ikaw na naman taena ka LEO" galit na galit pa na sigaw nong lalaki matapos na makita niya kung papaanong pinangsangga ng lalaki na ito ang katawan niya ng hampasin ako nito.

sobrang naglalakihan ang mga mata ko alam kong masakit ang pagkakahagis ng upuang bakal na iyon ngunit laking gulat ko na lamang ng lumingon ang lalaki na ito sakin at sobrang lawak ng ngiti na akala mo ay hindi ininda ang nangyaring paghampas sa kanya ng bakal na upuan.

"a-ayos ka lang ba?" nagaalala kong tanong sa lalaking tinawag nilang Leo ngunit umupo lamang ito ng ayos bago tumawa ng sobrang lakas na parang baliw. 

"nabakla ka na ba saros at pati babae nanakit ka na?" tumatawang sabi nong leo don sa abnormal na lalaking galit na galit sakin kanina pa. saros pala ang ngalan niya.

ang mga estudyante ay nanonood lamang sa mga nangyayari na lubos kong pinagtaka na parang mababasa sa mga expression nila ay normal na ang gantong senaryo.

mabilis namang kinwelyuhan patayo nong saros itong si leo sinubukan ko ding tumayo sana para tulungan si leo dahil mukhang walang balak tumulong ang lahat ng naririto sa kanya na maging yung professor ay nakaupo lamang at pinapanood ang nangyayari.


ngunit di pa ko nakakatayo ay pinigilan na agad ako ng isang babae, maamo ang mukha non at talagang sa hitsura niya ay parang sinasabi niya na manahimik na lamang ako gusto ko sanang tanggihan ang sinabi niya ngunit bago pa ko makatayo ay nakita ko na lamang ang mabilis na pagkaladkad nong saros kay leo palabas ng lintik na classroom na ito kasama ang dalawang alipores nito na katabi niya kanina.


ang lahat ay gaya pa rin kanina ay walang mga balak pumigil, napakuyom ko na lamang ang aking kamao. tinulungan pa kong tumayo paupo nong babaeng pumigil sakin kanina gusto ko sana siyang tanungin ngunit lahat ay bumalik na sa pagaaral na parang walang nangyari kanina. papaano nila nagagawa yun? mamaya ay mapano si leo ? 

tatayo na sana muli ako ngunit mukhang nabasa ata ng babaeng ito ang isip ko ay mabilis niya ong inilingan na parang sinasabing mali ang gusto kong gawin kaya napatungo na lamang ako ngunit gulat ako ng may makita akong dugo sa sahig kung saan kanina hinampas si leo ng upuang bakal ni saros dahil hinarangan niya iyon para sakin.

and this time di na ko napigilan nong katabi kong babae dahil nagmadali na kong tumayo at tumakbo palabas, sabi ko na nga ba eh masama ang tama ni leo at kung sakaling binugbog pa siya siguradong manganganib siya, masama ang tamaan sa ulo. at mali naman atang si leo ang pagbuntungan nila ng galit sakin.


sagutin ko ang kung ano mang mangyari kay leo kaya nagtatakbo ako kahit di ko alam kung saan nga ba nila dinala iyo ni hindi ko nga kabisado ang lugar na ito. basta ang alam ko lang kelangan kong tulungan ang taong yun kelangan kong managot .

Bakit nga ba flat ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon