chapter 02: Hospital nga ba?

63 1 0
                                    

LEO  P.O.V

"leo ano ba bumalik ka nga rito, aatakihin na ako sa ginagawa mong bata ka" sigaw ni yaya linda habang hinahabol ako rito sa hospital. tawa lang ako ng tawa habang paikot ikot lang rito. nakakarindi na kasi ang boses niya maya't maya ang sermon. At isa pa nagsasawa na ko sa pagkain sa hospital na ito. Lagi na lang gulay eh di nga ko kumakain non.

"hospital naman to kaya may sasaklolo agad sayo, tumigil ka na kasi sa paghabol sakin, gusto ko ng lumabas, magaling na ako at wala naman kasi akong sakit" sigaw ko pa sa kanya habang binebelatan pa siya at tawa ng tawa.

kaso nahinto lang ako sa aking pagtakbo ng mabunggo ako sa isang matigas na tao. napangisi pa ko ng maramdaman ko ang malamig na sahig ng hospital. tumawa muli ako na parang baliw ng marahas akong itayo ng dalawang lalaki na guard ng magaling kong ama.

di ko pa siya nalilingon ay lumipad na ang pagmumukha ko dahil sa malakas na sampal nito sakin.

"ano naman ang ginagawa mo? wala ka ng kahihiyan" sigaw niya pa sa mukha ko ngunit di ako sumagot sa kanya.

"oh martin ikaw pala yan, musta tagal nating di nagkita" pagbati ko pa sa matandang nasa harap ko ngayon.

umamba pa siya muli ng panibagong sampal ng pinigilan na siya ni yaya linda.

"sir, tama na po, maigi pa na pumasok na tayo sa kwarto ng bata" pakiusap pa ni yaya linda sa magaling kong ama. lumingon pa sa paligid ito at doon niya lang siguro napansin ang mga tingin ng mga nurses na nakapaligid sa amin na akala mo ay nanonood ng palabas sa television.

"S1 at S2 ibalik niyo na yan sa walang kwenta niyang kwarto at saglit ko munang kakausapin si yaya linda" mauturidad na paguutos pa nito sa dalalawang guard niya na madalas niyang kasama.

hinila naman ako agad ng dalawang ito para ibalik sa rehas ko. naaawa pang tumingin si yaya sakin pero nginitian ko lang siya at dinilaan, habang si martin ay may pagbabanta pa sa mga tingin niya.

napahingang malalim na lamang ako ng muli na naman akong naririto sa pintuan ng rehas ko. magdadalawang linggo na ko mula ng mahospital ako rito at hanggang ngayon di pa rin ako pinapalabas.  

bukod sa television, laptop at cellphone ang meron ako ay wala ng kahit ano rito sa loob. nababagot na ko sa loob nito may mga gadgets nga wala namang internet rito, kaya wala ding sense at talagang walang magagawa rito kaya di nyo ko masisisi kung gusto ko ng lumabas.

tumingin pa ko sa paligid bukod sa pintuang nasa harap na mayroong dalawang guard ay wala ng pedeng paglabasan. tumihaya na lamang ako saking higaan at muling nagisip.

napunta ako rito dahil  sa taong yun? saros adler ibang klase ka talaga. Di na ito ang unang beses na nakatikim ako kay Saros halos kada pagpasok niya ay ganito lagi ang naabot ko. At doon ako mas natutuwa. Di ko alam pero nakakaginhawa sa kalooban kada nakakaramdam ako ng pagod mula sa pambubogbog niya.

muli na naman ako tumawa ng malakas na parang baliw bago ko malakas na inihagis ang platitong naririto at kinuha ang bubog non para sana laslasin ang pulso ko ngunit bago ko pa itusok ang talas non sa pulso ko ay agad ng pumasok ang yaya linda ko at malakas na tinabig ang kamay ko. ang dalawang guard ng ama ko ay pinapanood lang din kami.

umiyak pa si yaya bago ako yakapin. "ano bang iniisip mong bata ka?" mahinang suntok pa ang ginawa sakin ni yaya Linda habang ako natatawa lang.

 ang yaya linda ko ang simulat sapol na tumayong magulang ko maging nila martin ay siya ang naging yaya kaya lubos ang paggalang ng magaling kong ama kay yaya. matanda na si yaya ngunit hanggang ngayon ay inaalagaan pa din ako.

"anong nangyayari dito?" pagpasok pa lang ni martin ayan agad ang tanong ngumiti naman ako sa kanya ng malapad bago ako tumayo na roon at lumapit kay martin, ngunit bago ko pa siya tuluyang malapitan ay dalawang guard niya na ang humarang sa akin.

ngumisi na lang ako sa kanya habang siya ay sinaway ang dalawa niyang ulol na guard. lumuhod ako sa harap niya "ayoko na dito gusto ko na umuwi" pakiusap ko pa sa kanya ngunit imbes na magsalita ay naramdaman ko ang malakas na pagsipa niya sa mukha ko.

at di pa siya nakuntento dahil inapakan niya pa ang ulo ko ng humandusay na ako sa malamig na sahig. si yaya linda ay nagulat din sa ginawa ni martin at pinipilit pa itong paklamahin.

"tama lang na magdusa ka sa mental hospital na ito dahil dito ka nababagay pareho kayo ng nanay mo na may sira ang utak" sigaw niya pa sakin .napakuyom ko na lamang ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya. 

diniin niya pa ang pag-apak sa ulo ko ng makita niya nag pagkuyom ng kamao ko. Halos mapasigaw ako sa sakit ng halos mapiga na ang ulo ko sa ginagawa niya. agad namang nagmakaawa si yaya linda sa kanya.

"Martin tama naman na natuto na ang bata, maganda naman na siguro na pabalikin mo na siya sa mansion" pagmamakaawa pa ni yaya sa demunyong ito. napalunok na lang si yaya at napabuntong hininga ng pinakawalan na ko ng martin na yan.

halos mahilo at gumalaw ang lahat ng bagay ng sinubukan kong tumayo.

"Ito na ang huling beses na pagbibigyan kita yaya linda sa susunod ay mabubulok na ang batang yan sa mental hospital na ito" sigaw pa ni martin bago umalis na kasama ang dalawa niyang alagad na mga kalbo naman. malakas pa kong tumawa ng makita ko ang reaksyon ni yaya na umiiyak at halos di mo na makilala dahil sa pamumutla.

"yaya linda salamat" nakangiti ko pang sabi kay yaya habang inaalalayan na din siyang tumayo.

 "Leo pakiusap magpakatino ka na pakiusap,Ito na ang huli dahil pinangako ko kay sir martin na isang beses pang makarinig siya ng problema sayo ay ako na ang kusang aalis sa inyo at magpapahinga na" paliwanag pa niya yaya kaya nakaramdam naman ako ng lungkot ngunit nakangiti pa din ako kay yaya na parang di nangangamba pa. sigurado akong hell ang mangyayari sakin kapag nawala pa si yaya linda na tanging kakampi ko lang.

"oo yaya last na to promise" pangako ko pa kay yaya bago muling ngumiti ng malaki. 


Bakit nga ba flat ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon