Chapter 07: Galit

18 0 0
                                    


Astrid P.O.V

Pagpasok pa lang ng campuss ay mukha na ng mga estudyanteng di ko kilala ang masasamang nakatingin sakin na akala mo ay kakainin ako ng buhay. Ano bang meron sa kanila?

Humingang malalim na lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa klase ko, di pa naman ako late at tamang tama lang ang pagkarating ko sa school kaso ang nakakainis lang ay ang mga estudyante rito.

Nagpatuloy lang ako saking paglalakad ng humarang sa harap ko ang tatlong taong ayokong makita. Si saros at ang dalawa pa nitong kaibigan na hanggang ngayon ay di ko alam ang pangalan. Ang grupo nila ang sinasabi ni leo na humarang sa kapatid ko kung di ako nagkakamali? Kung ganon sigurado akong may kinalaman si saros sa pagpapakamatay ng kapatid ko.

"ang lakas ng loob mong pumasok pa uli?" napakamot ako saking noo ng sabihin ni saros yan sa harap ko.

"at bakit? Anong masama roon?" walang gana kong sagot sa kanya bago sumubok na makalagpas sa kanila ngunit hinawakan niya ang braso ko at muli akong ibinalik sa kinatatayuan ko.

"Umalis ka na"sabi pa nito sa mukha ko ngunit nanindigan ako at tumayo pa ko ng tuwid sa harap niya.

"at sino ka para sabihin sakin ang dapat at hindi dapat gawin?" nakataas kilay ko pang sagot rito ngunit nag-igting lang ang panga niya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso ko, gusto kong sumigaw sa sakit pero pinigilan ko ang sarili. Kung tutuusin ay pambubully na ang ginagawa niya ngunit sa nakikita ko ay walang sumasaway sa kanya kahit may ilan akong nakitang prof na nakakakita sa pangyayari.

"umalis ka na at bumalik ka na sa dapat mong kalagyan habang nakakapagtimpi pa kong titigan ang mukhang yan" sobrang lalim ng boses niya na parang nagpipigil ng galit ng sabihin niya sakin yan ngunit natawa lamang ako sa harap niya.

"kung ayaw mong nakikita ang pagmumukha ko edi pumikit ka" sigaw ko din sa kanya ngunit malakas na sampal ang naramdaman ko na lamang na di ko lubos na inaasahan na magagawa niya sakin. Kung ganon nananakit talaga siya ng babae? Di na ko magdadalawang isip kung bakit nagawa ng kambal ko na duraan siya sa mukha dahil iyon ang bagay sa kanya. Gulat man ako sa ginawa niya ganon din ng iba pang nakakita ng ginawa niya sakin ay di ako nag-aksaya ng oras para makakawala sa higpit ng hawak niya at agad kong sinipa ang bayag niya.

Nadaing naman siya at paulit ulit na nagmura sa sakit ng pagkakasipa ko sa maselan niyang bahagi agad naman umagapay sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na nanonood lang sa mga nangyayari kanina.

"tandaan mo wala kang karapatang saktan ako at isa pa wag kang kang magalit sa pagmumukhang ito dahil itong pagmumukhang ito ang sisira sayo, kung ano man ang nangyari noon sainyo ng kambal ko at kung ano man ang kinalaman mo sa pagkamatay niya ay lahat ng yun uungkatin ko kaya humanda ka!" malakas loob kong sabi sa harap niya habang siya ay nakatulala at patuloy na dinadaing ang sakit ng ginawa ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ang dalawang kaibigan niya ng lagpasan ko na sila, sa totoo lang nanghihina na din ang tuhod ko habang nakaharap sa knaila, nakakatakot ang mga mata ni saros na akala mo ay kayang kaya niya kong patayin gamit ang mga mata na yun. Galit siya ayun ang ramdam ko ang di ko lang maintindihan bakit?

Papaliko na sana ako papasok ng room ko ng may kung sinong humablot sakin at napunta kami sa isang eskinita papuntang likuran ng school, medyo madilim at walang tao sa parting ito pero kahit ganon ay di ako kinabahan kumpara kapag nakakaharap ko si saros.

Hinila ko agad ang braso ko pabalik sakin ng makita kong si leo ito. "anong problema mo? Bat mo ko dinala rito?" naiinis kong tanong kay leo, ang bell ay kanina pa nagriring kaya alam kong late na ko pero wala na kong pake pa roon basta andito si leo, siya lang naman ang dahilan bat ako pumasok, kailangan kong malaman ang tunay na dahilan bat nauwi sa pagpapakamatay ang kambal ko.

Imbes na sumagot ng maayos si leo ay malalakas na tawa lamang ang natanggap ko mula sa kanya kaya naparoll eyes na lamang ako sa kabaliwan niya.

"sumama ka muna sakin saglit, mukhang badtrip ka eh. Nakita ko yung ginawa mo kay saros kanina at talagang nakakatakot ka pala magalit hahahaha" natatawa pa din siya habang sinasabi yan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"gusto mo gawin ko din sayo?"pagbabanta ko pa sa kanya ngunit umiling lang siya ng paulit ulit habang nakatawa pa din, parang may sayad eh no.

"saan ka ba pupunta at kailangang isama ako?" naiinis ko ulit na tanong ngumiti naman siya at hinila ako papuntang likuran nitong school.

Nang makarating kami roon ay nakita ko ang matataas na damo lang at isang malaking puno sa bandang gitna kung saan mayroon duyan na gawa sa gulong ng sasakyan ang nakasabit doon. Bat may ganito dyan? Lito naman akong tumingin kay leo tumawa naman siya bago naglakad patungo don sa duyan at umupo roon.

"tambayan ko to eh secret place ko to kaya wag kang maingay sa iba" sabi pa niya na parang bata muli ay naparoll eyes na lang ako sa kabaliwan ng taong ito.

"ano ba kasing ginagawa ko rito?"tanong ko pa sa kanya ngunit natigilan ako ng makalapit na siya sakin at hinawakan ang pisnge ko halos maduling ako sa lapit niya at ang hininga ko ay napigil ko din kalabog din ng sobra ang didib ko.

"namumula ang kanang pisnge mo dahil siguro sa malakas na sampal ni saros, gusto ko sana ituloy yung kwento ko tungol sa kambal mo kaso kailangan muna natin yang gamutin at baka magkapasa" hahawakan na sana muli niya ang braso ko ng pigilan ko siya at disidido akong tumingin sa kanya.

"ikwento mo na lang sakin ngayon ayos lang naman ang pisnge ko" paliwanag ko pa sa kanya ngunit di siya sumunod saakin at basta na lang ako hinila paupo sa duyan at binuksan ang bag niya kung saan mayroong softdrinks at inilagay iyon sa pisnge ko.

"sa totoo lang wala akong balak ikwento pa sayo ang mga nangyari noon pero ito ang totoo astrid layuan mo si saros at alam kong ayan din ang gusto ng kapatid mo, mahihirapan ka lang pagpinagpatuloy mo ang pangiinis sa taong yun. Galit si saros samin ng kapatid mo ayun na lang siguro ang dapat lang na malaman mo" sabi pa niya kaya malakas kong hinagis sa kanya ang lata ng softdrinks na dinadampi ko sa pisnge ko nasalo naman niya iyon.

"bakit siya galit ano ang dahilan?"tanong ko pa sa kanya dahil naguguluhan na talaga ako. "kaya ba ayaw niyang nakikita ang mukha ko dahil naalala niya ang kapatid ko?" tanong ko pa ngunit tawa lang ang naging sagot ni leo.

"ayoko ng magkwento pa ng kahit ano sayo astrid tama na siguro ang nalaman mo" sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko.

"kung ganon di mo pala ako matutulungan? Edi sana di na kita tinulungan kahapon" galit kong sabi sa kanya bago ko siya iwan roon

Napakawalang kwentang tao niya. Kung ano man ang nagyari noon kailangan kong malaman yun dahil di ako matatahimik hanggat di ko nalalaman ang rason ng pagpapakamatay ng kapatid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit nga ba flat ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon